Untitled Piece

23 1 4
                                    

Alas singko na ng umaga nang marinig ko ang pagtilaok ng manok na nagsasabing kailangan ko nang tumayo, kasabay nito ang malamig na hangin sa paligid na nagpapahiwatig nang bagong umaga.

Pero maaga pa para mamaya, gusto ko pang ituloy ang aking pagtulog.

Sa mga oras na iyon, para akong nasa arcade game na nakikipaglaban sa aking sarili, 

Isang masipag at isang tamad.

Pilitin ko mang tumayo, eh hindi ko magawa. 

Para bang may malaking magnet sa ilalim nang kama, at ako ang isang robot na kinakalawang na pilit hinihigop ng magnet na iyon.

At sa huli, nanalo parin ang kasipagan, pinilit kong tumayo sa aking pagkakadapa sa kama na halos doble ang gravity.

...

Hay panibagong araw na naman, at hindi lang basta panibago, kundi ito ang araw na maaaring bumago sa pahina ng aking buhay.

Dali dali akong bumaba para mag almusal, 

Kinuha ang kape at agad agad na tinungga na para bang kasali ako sa isang coffee drinking competition. Sabay sinundan ko nang pandesal. (Sa maniwala't kayo sa hindi, busog na ako)

Hindi naman ako excited sa araw na iyon, dahil para sa akin, isa lamang itong normal na araw.

20 min nalang ang natitira at malalate na ako...

Wala na akong ibang paraan kundi gamitin ang aking yamaha bigbike. 

Tama ang pagkakabasa mo, isang bigbike. At iyon ang aking bisikleta. 

Bigbike lang ang tawag ko para mukhang astig.

Agad akong pumadyak na para bang may karera, liko dito, liko doon. 

Lahat na nang puwedeng daanan maliban sa bubong ay dinaanan ko na. 

Wala akong pakialam sa mga malalaking sasakyan na sumasabay sakin.

At tagumpay, nakarating ako sa aking eskuwelahan na may 5 minuto pang natitira. 

Nakaharap ako sa malaking gate habang dumadampi sa aking mukha ang malakas na hangin na sumasalubong sa aking pagdating. (Sabay ngiti na abot bunbunan)

Pero teka lang, parang may kakaiba.

Marahan kong tinignan ang mga styudanteng pumapasok sa gate...

Sabay tingin sa aking likuran.

At unti unting nawala ang aking mga ngiti na agad namang pinalitan ng kaba.

Sabay: waaaaaaaaaah, nakalimutan ko ang aking gamiiiiiiiiiit.

Pero tumuloy parin ako na para bang walang nangyari. 

Takbo paakyat, takbo pababa, para bang isang malaking maze na kailangang hanapin ang aking room. Hanggang sa nakita ko ang pinto na kanina ko pa pala nalalagpasan. 

Ramdam ko ang kaba, tagaktak ang aking pawis na para bang pinainitan sa nagbabagang kawali.

Sabay bukas ng pinto...

May liwanag...

Sabay... (tuloy ka, maupo ka sa bandang huli) wika nang aking professor.

Woooooh, umabot ako.

Ito ang unang klase namin sa kolehiyo, at nakakapanibago dahil hindi na ito katulad ng highschool.

Pinagmasadan ko lang ang aking paligid, pinagmamasdan ang mga bagong mukha na maaring makasama ko nang apat na taon. 

May wierdong tao, may kulay ang buhok, isip bata, matanda, kulot, at kung anu anu pang estyudante.

Hanggan sa 

Professor: ikaw, ikaw yung nakasalamin, maaari mo nang ipakilala ang iyong sarili.

Tumayo ako na parang isa sundalo (stomach in, chess out) 

Pero nakalimutan kong hindi pala ako sundalo.

Lahat sila nakatitig sa akin na para bang mga zombie.

Ako nga pala si kitaro yukimura, galing akong okinawa japan, pero inilipat ako ng aking mga magulang dito (dahil sa katigasan ng aking ulo) at nakatira ako ngayon sa aking auntie. 

Marunong akong magtagalog dahil pilipina ang aking ina. I'm 16 years old. Nice to meet you all.

Sa di malamang dahilan, lahat sila nakatitig sa akin at hindi gumagalaw. Sabay may isang styudanteng nagtanong.

"Ano major mo?"

Violin ang major ko.

At ako'y pinaupo na nang aking prof.

Nga pala, conservatory ang aking course, major in violin.

. . .

Natapos ang klase na para bang isang bangungot,

Para akong isang suspek sa isang krimen na tinatadtad ng napakaraming tanong.

tanong ng mga taong makakasama ko sa loob ng apat na taon..

. . .

hay, nakakapagod ng walang ginawa kung hindi drawingan ang likod ng napakabago kong notebook.

"ding dong (doorbell sound)"

kitaro: Auntie, si Kitaro po ito...

Auntie: Oh Kitaro, kamusta ang pag aaral?

kitaro: ah hehe okay lang po, masaya sa eskuwelahan.

Auntie: Mabuti naman, siguradong matutuwa ang mga magulang mo niyan, o siya, umakyat ka na nang makapagpalit na ng damit, kakain na tayo maya maya.

. . .

Papalubog na ang araw nang makauwi ako,

na ang tanging laman ng isip ko ay ang maaaring mangyari bukas.

hay, bakit ba kasi ako itinapon sa bansang ito.

Agad ako pumasok sa aking kuwarto, itinapon ang bag sa gilid ng kama, kasabay ang pagtalon ko sa napakalambot na kutsiyon ng kama na animo'y para kang nakahiga sa ulap. Hay ang sarap matulog.

Makalipasangisangoras

waaaaaaaaaaaaah, nakatulog ako!

Dali dali akong nagpalit ng damit, bumaba para kumain ng hapunan dahil "GUTOM NA AKO" at iyan ang isinisigaw ng aking sikmura.

...

Naging libangan ko na ang magdrawing bago matulog, ang gumuhit ng mga kakaibang nilalang tulad ng diwata.

nangagarap ako na sana mabuhay sila o makapasok man lang ako sa mundo nila.

oras na para matulog....

...

Ginising ako ng isang napakaliwanag na ilaw na nagmula sa labas ng bintana, unti unti nang nagpapakita ang araw.

oras na pala para pumasok.

....

Maayos at nakahanda na ang aking mga gamit, plantsado ang damit at may dampi ng pabango. agad akong pumunta sa garahe para kunin ang aking bisikleta.

medyo maaga ako kaya hindi ko kailangang magmadali.

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon