Chapter 2

3 0 0
                                    

"Maganda ang mga designs mo Mau hindi nako magtataka kung bakit nagustuhan ni Tita yung gawa mo." masayang turan ni Jarred sa mga damit na gawa ni Mau.

Halos sumakit na ang panga ni Mau kakapilit na ngumiti. Ayaw niyang makita ni Fred na apektado siya sa presensiya ni Jarred dahil hindi naman nito alam ang nakaraan nila.

Nasa Ehm sila ngayon ang kasalukuyang boutique niya. Pagkarating kasi ni Jarred ay saglit lang nagusap ang magkaibigan at dumiretso na agad sila sa Ehm upang makita ni Jarred ang mga gawa niyang damit.

"See baby? Sabi sayo maganda ang mga gawa mo eh. Akala mo kasi lagi lang kitang binobola atleast ngayon alam mo nang maganda talaga ang mga gawa mo." sagot naman ni Fred sa sinabi ni Jarred.

"Tara sa office ko." yaya niya sa mga ito. Ginagap naman ni Fred ang kaniyang mga kamay. Nakita niyang tumingin si Jarred sa ginawa ng kaibigan. Lihim naman siyang natutuwa at showy ang kanyang nobyo.

"Laine padalhan naman kame ng coffee." utos niya sa secretarya niya ng makapasok na sila sa loob ng opisina niya. 

"Upo muna kayo kukunin ko lang ang portfolio ko."

"Gaano kana katagal nagdedesign ng mga damit Mau?" wala sa hulog na tanong ni Jarred. Siguro ay nagtataka ito dahil dati ang pangarap niya'y magkaroon ng sarili niyang restaurant.

"5 years narin." tipid na sagot niya. Umupo na siya sa tabi ni Fred at iniabot kay Jarred ang portfolio.

"Babagay ang mga ito sa modelo ng Season." nakangiting sabi nito sa kanya. "Actually... bagay rin sayo ang mga designs mo." matamang nakatitig lang ito sa kanya. Lalo niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ang paraan ng pagtingin at pagngiti nito sa kanya ay parehas nang mga ngiti at titig nito sa kanya noon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon ang nararamdaman niya rito.

-----------------------------------

Samantalang npapansin naman ni Fred na kakaiba ang mga kilos ni Mau. Matagal na silang may relasyon kaya kilala na niya ito. Parang kanina pa ito kabado na hindi naman niya maintindihan kung bakit.

Nakita niya rin ang pagkabigla ni Mau sa sinabi ni Jarred kaya siya na ang sumagot para rito.

"Really? Ganon siguro talaga kung sinong nagdesign sa kanya babagay. Idagdag mo pang talagang maganda itong girlfriend ko." nakangiting sagot niya sa kaibigan. Hinawakan naman niya ang kamay ni Mau. Lalong siyang naguluhan ng mahawakan ang kamay nito. Basa ang mga kamay nito. Alam niyang pasmado si Mau pero iba ngayon dahil ramdam niya ang panlalamig ng kamay nito.

"Siguro nga ganoon lang yun Jarred. T-teka pupuntahan ko lang si Laine. Ang tagal ng kape natin eh." mabilis na tinunggo ni Mau ang dinaanan ni Laine.

"Mukhang natetense lang yun dahil mapapasama na ang mga designs niya sa Season." ani ni Jarred.

"Ah oo nga. Kaninang umaga pa yan natetense." pilit na ngumiti siya sa kaibigan.

"Gaano na kayo katagal ni Mau? If you won't mind." 

"3 years. Ikaw? Wala ka bang girlfriend?"

"Hmm? Girls marami girlfriend wala. haha!" natatawang sabi nito sa kanya. Inasahan na niya ang sagot nito. Ayon kay Tita Cecille na mommy nito ay Playboy raw ito at kung sino-sinong babae ang iniuuwi kaya pinaalis ito sa kanila.

"Kaya ka napapatalsik sa bahay niyo eh." biro niya rito.

"Mukhang binalitaan kayo ni mommy ah?" 

"Wala ka pa bang balak sumeryoso? Aba hindi ka na bumabata pare. Kung hindi ako nagkakamali 28 ka na."

"Eh wala pa siya eh." nahimigan niya ang tamlay sa boses nito. Mukhang may inaantay itong babae. Hindi niya lubos maisip na ang isang playboy na tulad nito ay maghihintay sa isang babae. "Ikaw may balak ka na bang lumagay sa tahimik?" tanong nito.

"Oo naman pare. Actually, inaantay ko lang na matupad ni Mau ang pangarap niya bago ko siya yayaing lumagay sa tahimik." nakangiting sagot niya rito. Nakita niya ang biglaang pag-iiba ng mood nito. Makikita sa mga mata nito ang sakit at lungkot na hindi naman niya maintindihan kung bakit. Magkaibigan silang dalawa pero hindi sila masyadong naguusap noon patungkol sa buhay pag-ibig nito. Ang tanging alam niya lang ay pagkagraduate nito ay lumipad na ito papuntang Amerika. Ayon narin kay Tita Cecille ay mukhang may babae itong kinabaliwan sa Pilipinas kung kaya't naging playboy ito.

-----------------------------------

Katahimikan ang bumungad kay Mau nang makabalik na siya sa opisina kasama si Laine na dala-dala na ang kape nila. Bakas sa mukha ng dalawang lalaki ang tensyon.

Nang makita naman siya ni Fred ay agad ding umaliwalas ang mukha nito kaya ngumiti narin siya dito at umupo sa tabi nito.

"Pasensya na kayo natagalan nasira daw kasi yung coffee maker sabi ni Laine."

"Okay lang yun hindi naman kami nainip dahil nagkwentuhan kame nito ni Jarred." sagot ni Fred sa kanya at humigop ng kape.

"Ah mabuti naman kung ganoon. A-ano namang p-pinag-usapan niyo?" hindi niya maintindihan pero kinakabahan siya kasi baka sinabi na ni Jarred ang nakaraan nila.

"Boys stuff baby." tipid na sagot ni Fred. Inisang lagok naman ni Jarred ang isang tasa ng kape. Hindi parin ito nagbabago hanggang ngayon ay paborito parin nito ang kape. Lihim na napangiti siya sa nakita. Agad din namang nawala ang ngiti niya ng makitang nakatingin sa kanya si Fred.

"Sige mauna nako Fred... Mau." ani nito at tumayo na. "Teka ano nga palang number mo Mau para kapag---"

"Sakin ka na lang magtext Jarred lagi ko namang kasama si Mau eh." putol ni Fred sa sinasabi ni Jarred. Naramdaman naman agad niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Here's my calling card." sabay abot niya rito ng calling card niya. "Mas madali nga siguro kung sakin na siya diretso magttext para di ka na maabala pa." baling naman niya kay Fred. Iniisip lang niyang trabaho ang pakay nito sa paghingi ng number niya kaya wala naman siyang nakitang dahilan upang hindi niya ibigay rito ang kailangan.

"Sige. Tatawagan na lang kita." ani nito at tuluyan ng lumabas.

"Tara baby lunch tayo." aya niya kay Fred ng mapansing tila nawala ito sa mood. 

"Sure baby."

"Okay wait lang magreretouch lang ako." sabi niya rito at nagtunggo na sa banyo.

Tinitignan na lang ni Mau ang sarili sa salamin nang maramdamang nagvibrate ang kanyang cellphone na nasa pantalon niya. Isang hindi kilala ang nagtext sa kanya.

From: +6392********

Mau, it's me Jarred. I think we need to talk. About US. Venille's Park at 8pm.

itutuloy...

A/N: Abangan kung sisiputin ba ni Mau si Jarred sa susunod na Chapter!

It's Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon