not a good beginning

131 0 0
                                    

*Slappp*
Nagising ako na masakit at namumula ang pisngi. Pagdilat ng mata ko naaninagan ko na ang kunot na noo ng kapatid ko. Si ate Trinity. Agad akong bumangon para hindi na makatikim ulit ng banat niya. Magaan ang pingkok ng kamay niya kaya kapag nagkakamali ako may parusa ako panigurado. Ako nga pala si Karel, 19 lng ako at siya ang ate ko si Trinity 22 lng siya. Kami n lng ang magkasama sa bahay dahil ang mama namen ay namatay na at ang papa naman ay nasa ibang bansa para tustusan ang pangangailangan namen.

Pinagayak na ako ni ate para pumasok sa school.
Same lang kame ng school na pinapasukan. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na agad ako at lumabas sa kusina. Nandoon na ang hinandang pagkain ni ate.
Napakabango at mukang napakasarap. Kahit na mainitin ulo niya ang swerte ko naman sa kanya.

Ang swerte ko kasi the best siya at superb ang ganda ng ate ko. Samantalang ang layo ng itsura naming dalawa. Kung icocompare si ate isa na siyang barbie. Perfect. Maliban na lang sa pagiging mainitin ulo. Palibhasa kasi hindi pa nagkakaboyfriend.

Pumasok na kami sa school as usual sabay kame wala ng bago don.
Pag dating sa school sinalubong agad ako ng mga tropa ko sila Clark at Drew. Habang si ate ayun hinahabol na naman ng mga suitors at stalkers niya. Hahaha. Ang mga tropa ko naman ayun sinusundan ng tingin ang ate ko. "Mga baliw utol ko yan walang talo talo mga brad!" Pasigaw kong sinabi na may kasama pang batok sa kanila.

"Sorry na brad ganda naman kasi ng ate mo." Sagot ni drew.
"Bat wala pang syota ate mo maganda naman siya ah." Ang siningit na tanong ni Clark.

"Aba malay ko diyan. Hahahahah!" Ang natatawa kong sagot sa dalawa.
"Oh siya siya tara pasok na tayo malelate pa tayo niyan eh." Sambit ko pa sa kanila.

*Kringgg kringggg*
Senyales ng lunchtime.

"Braaaaddd!!!" Sigaw ni Clark

"Brad bakit ganyan sigaw mo anyare?" Nalilito kong tanong.

"Nadaan ako sa room ng ate mo narinig ko nasa clinic daw ngayon ate mo." Nanginginig niyang sagot sa tanong ko.

Nabigla ako at tumakbo agad sa clinic.

Pagdating ko sa clinic nandun nga si ate. Kasama mga kaibigan niya si Angel at Keiy.

"Ate Angel Ate Keiy anyare sa ate ko." Ang tanong kong may halong kaba.

"Hinimatay siya habang magsasagot dapat sa boardwork namen." Sagot ni ate angel.

Dumating ang school nurse. "Overfatigue ang classmate niyo. Dapat sa kanya magpahinga ng maigi. Iwan nio muna siya dito at balikan niyo na lang mamaya kapag dismissal niyo na." Ang sabe ng nurse.

Nagsalita ako sa isip ko
"Kasalanan ko to. Masyado ko naspoiled kay ate di ko man lang siya natutulungan sa gawain sa bahay."

"Karel ok ka lang?" Tanong ni ate keiy

"Ahhhh ah opo ok lang po. Ate pede po ba samahan niyo po ako sa pag uwi namen ni ate mamaya?" Request ko sa kanila.

"Oo naman ate mo pa ba maliit na bagay." Sagot ni ate keiy.

*Kringgg krinnggg*
Hudyat ng pagbalik na sa klase.

My Big Sister, My Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon