Finally
"Faye. I still want you. Tayo na ulit?"
I can't believe what I'm seeing and hearing right now.
---
Tanghaling tapat at nakatayo si Gabe sa kalsadang katapat ng gate namin, may hawak na palumpon ng puting rosas sa kanang kamay, Toblerone naman sa kaliwa.
Kabisado nya pa rin pala ang mga bagay na nakakapagpalambot ng puso ko.
Ilang buwan na ang nakaraan nang mag-break kami-- nang nakipaghiwalay sya sa akin. Pero wala namang nagbago kay Gabe. Ganun pa rin sya.
Tanda ko pa noong kami pa.. Sobrang attached ako. Palibhasa kasi first boyfriend ko sya.
Gabe and I started out as friends. Hindi ko naman akalain na lalagpas kami sa ganun.
We had the same group of friends nung high school. Actually, tatlo lang talaga kami nina Joyce at Ada na magbabarkada. Pero simula nang naging boyfriend ni Ada yung kabarkada ni Gabe ay inabsorb na rin namin yung grupo nila.
Kilalang playboy si Gabe. I can't blame him. Sa itsura ba naman nya-- chinito, matangos na ilong, maputing balat, malalim na dimples. Walang hindi lumililingon pag dumadaan sya.
Kaya nga sobrang gulat ko nang isang araw ay bigla nya na lang akong tinanong..
"Faye.. I like you. Pwede bang manligaw?"
Honestly, crush ko siya noon. Parang nasa kanya na kasi ang lahat. Gwapo na, matalino pa. Magaling din syang makisama. Kaya hindi sya mahirap makapalagayan ng loob.
Pero kahit ganun, hindi ko sya agad-agad sinagot. Nangamba kasi ako sa reputasyon nya bilang isang playboy.
I didn't give him an answer doon sa tanong nya pero tinuloy nya pa rin ang panliligaw. He was really dedicated. Talagang pinanindigan nya. Hatid-sundo nya ako, sabay kaming mag-lunch na madalas ay libre nya. Niyayaya nya akong gumala-- nanonood kami ng sine, kumakain sa labas, nagbobowling pagkatapos ay nagvivideoke rin. Hindi rin sya pumapalya sa pagbibigay ng regalo at bulaklak--white roses ang parati nyang binibigay dahil alam nyang yun ang paborito ko. Sobrang sweet nya pa. Kaya hindi nagtagal at sinagot ko na rin sya.
Nung maging kami, I felt like a princess. Alam mo yun, nasa akin ang atensyon nya. Pati nga ang atensyon ng iba napupunta rin sa akin. Kesyo ang swerte ko raw kay Gabe, na ang sweet daw ni Gabe, na sana sila na lang ang naging girlfriend ni Gabe. Somehow I felt proud. Kasi ako ang pinili nya.
Pero isang bahagi ko ang nahirapan. Tuwing magkasama kami parating may nangungutya. Kesyo hindi kami bagay, na ang malas ni Gabe sa'kin, na sana maghiwalay na raw kami. Hindi ko yun pinansin. Pero aaminin kong nasaktan ako.
I tried my best to be a good girlfriend. Sinusuportahan ko sya, tinatanong kung kumain na. Dadalhan sya ng pagkain, gagawan ng assignments, aalamin kung nakauwi na o kung saan pupunta. But I guess he hated that. Kasi sinabi nya na lang sa akin isang araw na nasasakal na raw sya.