May isang babae. Umiiyak. Iniiyakan niya yung lalaking nanakit sa kanya.
"A-ano ba ang nagawa k-kong m-mali?" sabi ng babae habang humahagulhol ng iyak. Magkatalikuran silang dalawa ng lalaki.
"Wala kang maling nagawa. Wala sa'yo ang problema. Ako ang may problema kasi ako yung nagmahal ng iba." sabi naman ng lalaki.
Mahal na mahal ng babae ang lalaki. Handa niyang gawin lahat ng bagay na makakapagbalik sa kanya ng pagmamahal ng lalaki. Pero sa pagkakataong ito, mukang talo siya dahil mismong sa lalaki na nagmula na may mahal na itong iba.
"Max... Minahal kita..." sabi ng lalaki sa babae.
"A-alam ko... S-salamat..." nanginginig na ang boses ng babae na ang pangalan ay Max dahil sa pag-iyak. Umalis na ang lalaki at naiwan si Max na luhaan at nasasaktan.
Mr. Kupido's POV
Narinig kong may nag-uusap. Mukang may kailangan ng tulong ko. Pinakinggan ko yung pinag-uusapan nung dalawa.
"A-ano ba ang nagawa k-kong m-mali?" tumingin ako sa nagsalita. At nakita ko na babae. Babaeng umiiyak. Humahagulhol sa iyak.
"Wala kang maling nagawa. Wala sa'yo ang problema. Ako ang may problema kasi ako yung nagmahal ng iba." rinig kong sabi ng lalaki. Kahit naman siguro ako, kahit ako'y isang kupido, marunong rin naman akong makaramdam ng sakit na gaya na lang sa ganitong pagkakataon.
"Max... Minahal kita..."
"A-alam ko... S-salamat..." Hindi na ako nagdalawang-isip sa aking gagawin. Pinana ko yung babae tapos saka naman yung lalaki bago pa ito makaalis.
*SHIIIIIIIING*
*WOOPS*
Humangin. At dahil dun, lumihis ang pana. Tumama ang pana...
.
.
.
.
.
.
.
SA AKIN...
Ewan ko. Biglang nag-iba yung pakiramdam ko. Parang huminto yung pag-ikot ng mundo ko. Parang ang gusto ko lang gawin ngayon ay puntahan ang babaeng nagngangalang Max at patahanin siya sa pag-iyak. Pero paano ko siya patatahin at i-co-comfort kung hindi niya ako nakikita? Siguro kahit man lang maramdaman niya ang presensya ko ay hindi pa rin talaga pepwede.
Nanatili si Max na nakaupo sa gilid ng daan. Pinagmasdan ko lang siya. Nakita ko na unti-unti na siyang tumatayo mula sa pagkakaupo niya at napansin ko rin na may sumilay na ngiti sa labi niya.
"Ayos lang ako, okay? Masaya na siya kaya dapat maging masaya na rin ako para sa kanya, para sa kanilang dalawa."
BINABASA MO ANG
Mr. Kupido
RomancePaano kung lumihis yung pana? Sa halip na sa ibang tao tumama, mismong ang natamaan ay ang nagpana?