Clarissa's POV
"You belong with meee!! You belong with me!" kanta ko habang nagdadrive pabalik sa entrance ng mall.
Ang ganda kasi ng kanta!
Nang malapit na ako sa may entrance ay may napansin akong pamilyar na lalaki. Sa mukha pa lang ay alam mong siya 'yun. Hindi nga ako nagkakamali...
Ilang minuto pa ang lumipas nang yakapin nung lalaki yung babaeng kasama niya.
OMG! Si.... Si Miguel!
Hindi na ako nagtaka nang makita ko si Nicole na umiiyak sa pwesto niya.
Dali-dali kong pinaandar ang sasakyan ko at inihinto ito sa harapan niya.
"Hey, what's wrong?" panimula kong tanong nang makababa ako sa kotse.
Tinuro niya lang sila Miguel. Hay, naaawa na talaga ako sa babaeng 'to. Ano ka ba naman, Miguel! Pag pinaguusapan ang kanila, bigla na lang 'yan iiyak. Wala naman akong magawa kundi ang yakapin siya hanggang sa makaramdam na siya ng ginhawa.
"Oh, that," tiningnan ko pa sila Miguel na kasalakuyan ng naguusap. "Baka business partner lang...."
"What?! Business partners with benefits?!" depensa niya sa sinabi ko.
Napabuntong hininga ako. Niyakap ko siya at pinapasok sa loob ng sasakyan. Pinakalma ko muna siya bago ako nagsalita ulit.
"Hmm, let's go to your Mom. I know Tita Nikki will help you with these," nakangiti kong sabi sakanya. Tumango siya at inistart ko na ang sasakyan.
Habang nagdadrive ay 'di ko maiwasan tingnan si Nicole. Mahimbing siyang natutulog sa shotgun seat. Hindi mo maipagkakaila na may dinadala itong problema. Buti nga't kahit papaano ay nakapagpahinga siya.
Huminto ako nang mapansin kong nag-red light. Sakto naman na biglang tumunog ang phone ko.
From: Miguel
Hi Clarissa! How's the two of you? I'm glad na nakahanap na siya ng trabaho. I hope we can catch up next time! See you! Tell Nicole that I miss her!Napakuyom ang aking kamao sa nabasa ko. Walangya ka, Miguel! How could you do this to her!
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ni Tita Nikki ay ginising ko na si Nicole.
Wala pang ilang minuto ay biglang may nagbukas ng gate.
"Sino po- Hi, Ma'am Nicole! Pasok po!" masayang bati ng maid nila.
Bumati rin kami sa maid tsaka kami pumasok ni Nicole. Grabe talaga si Tita, ang gara ng bahay nila! At mas lalo pang gumanda ito dahil sa mga nakasabit na palamuti para sa pasko!
"Hey, is there any problem?" tanong ko nang mapansin kong kanina pa siya tahimik.
"Nothing, nothing," ngumiti pa siya kahit alam kong pilit ito.
Nagulat kami sa biglaang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Tita.
"Hi, girls!" bati ni Tita at niyakap niya kaming dalawa ni Nicole.
"Tita, sobrang ganda niyo na!" puri ko sakanya.
Natawa siya sa sinabi ko. "Hay na'ko, Wala ka talagang pinagbago, Issa!"
Napatingin siya kay Nicole at ngumiti ito sakanya. "Buti naman at nakapunta pa kayo rito, Come inside," aya sa amin ni Tita.
Pumasok na kami ni Nicole at umupo sa sofa. It's very...awkward. 'Di pa kasi nagsasalita si Nicole hanggang ngayon!
"Ma, here, I bought this for you" sabi ni Nicole at inabot niya ang isang supot.
"Thanks, anak!" nakangiti nitong sabi at kinuha ang supot. "Uh, Clarissa? tawag sa akin ni Tita.
Ang ganda ni Tita pag nakangiti!
"P-Po?" sagot ko.
"Can I borrow Nicole for a while? I need to talk to her sana, privately," nahihiyang tanong sa'kin ni Tita.
I chuckled. Si Tita talaga! "Oo naman po, Tita! I'll wait here," sagot ko at ngumiti.
She mouthed 'Thank you' at pumunta sila sa kanilang Garden.
Nicole's POV
Pumunta kami ni Mama sa garden. Pinaupo niya ako sa may swing at hinawakan ang kamay ko.
"Anak, I need to tell you something," sabi ni Mama. Hinintay ko siyang magsalita ulit. Bumuntong hininga muna siya bago ulit nagsalita. "Miguel will come here."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. A-Ano?! Hindi pwede!
"What?! N-No, Ma," nangingilid na ang luha ko. Bakit siya pupunta rito?
"Anak..." kita ko ang awa sakanyang mata.
"Bakit daw siya pupunta rito?" hindi ko ugaling ipakita sa harap ni Mama na mahina ako pero ngayon ata ay hindi ko na mapipigilan.
"Gusto ka niyang makita, anak. He wants to talk to you.." sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko.
"It's not a b-bad news, right? We're good naman di'ba?" sabi ko at naramdaman kong mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kamay ko.
Tumango siya at ngumiti sa akin. "Oo naman, anak. He will not leave you. I know he can't do it," sabi niya at pinunasan ang luha kk.
"Thank you, Ma. Thank you for being there whenever I need someone to talk to. I love you, Ma," napangiti naman siya at niyakap uli ako.
"Let's go, anak. Just wait for him, okay?" tumango naman ako at pumunta na ulit sa sala kung saan nandun si Clarissa.
"Nic! What happened?" tanong niya nang maupo ako sa tabi niya.
"Pupunta si Miguel ngayon. He wants to talk to me."
Ilang minuto pa bago nakapagsalita ulit si Clarissa. Siguro'y pati siya ay 'di makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko rin naman siya masisisi at ganyan din ang naging reaksyon nang sabihin sa akin ni Mama.
"OMG..." bulong niya sa sarili niya. " Is that true?" tumango ako at nakitang nanlaki ang mata niya. "Oh, my! I need some fresh air!" maarteng sabi niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Natawa ako sa ginawa at natawa rin siya.
"Girls, come here! Let's eat!" tawag sa amin ni Mama. Agad naman kaming pumunta sa kusina.
Hindi ko maiwasan kabahan nang maalala kung pupunta si Miguel dito
Ano kayang mangyayari mamaya? Waa!"Ma'am Nikki, excuse me po, may bisita po kayo," sabi nung maid. Tumayo naman si Mama upang salubungin ang 'bisita'.
S-Si Miguel na kaya 'yun?
Habang kumakain kami ni Clarissa ay 'di ko maiwasang tumingin sa pintuan.
Nagulat naman ako nang hawakan ako ni Clarissa sa kamay.
"Bes, it's okay. Calm down," nakangiting sabi niya. Napangiti na rin ako at hinawakan din ang kamay niya.
"Good evening po, Tita! I miss you!" sabi ng isang pamilyar na boses kay Mama.
Dahan-dahan akong tumingin sa aking likuran. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang makita ko kung sino ang kausap ni Mama. Nangingilid na naman ang luha ko.
*M-Miguel....*
BINABASA MO ANG
This I Promise You (REVISING)
Tienerfictie"Even if we were apart, you always have a place in my heart" This I Promise You by _cottony (March 2016)