Sinanay mo kasi...

59 3 0
                                    

Hindi po ito story. Sinulat ko lang po dito sa wattpad kase idol ko talaga si Roger Raker. Yun lang! :)
-
Sinanay mo kasi..

Pag gising mo sa umaga, malamig na mensahe agad ang i'yong mababasa.

"Good Morning, kain ka na ng almusal. Wag kang papagutom. Text mo ko pag gising mo ah?"

Parang ang sarap bumangon no? Kahit alam mong magiging busy ka nanaman sa araw na'yon. Sa gabi naman..

"Good Night. Matulog ka ng mahimbing, wag ka nang magpupuyat ah? Tigilan mo na yung kakalaro mo dyan. Wag kang mag-alala, dahit andito parin naman ako at mahal parin kita pag gising mo sa umaga."

Ang sarap isipin na naka dilat man o naka pikit ang 'yong mga mata. Ramdam mong may isang taong nagpapahalaga sayo, hindi kayo nawawalan ng mapag-uusapan kase hindi lang isang tao ang nag bibigay ng katanungan, palitan kayo ng mga bagay na mapag-uusapan, palitan ng mahahabang halakhak seryoso o kalokohan man ang pinag-uusapan.

Handa ang bawat isa na makinig at umintindi. Kadramahan man o kasiyahan marunong umunawa ang isa't isa. Sa t'wing daraanan ka ng kalungkutan, nandyan sya para makahanap ka ng rason para ngumiti o basta nga lang makita mo sya para sayo nagiging sapat na yon na rason para mawala ang simangot sayong mukha. Nag silbing panyo para sayong luha. Nag silbing unang mayayakap sayong pagkalumbay.

Ramdam mong mapalad ka, at may isang katulad nyang nandyan para sayo. Kausap mo sya lagi, maliwanag man o madilim ang langit. Sa pag sikat ng araw hanggang sa pag lubog nito, ramdam mong hinding hindi ka na ulit mag-iisa. Napakasarap sa pakiramdam na sa dami-rami ng taong mas higit pa sayo. Mas pinili pa rin nyang maglakad kasama mo.

Sa pagbabakasakali na iba sya sa lahat ng nakilala mo. Iba, dahil hindi lang sya puro salita. Iba, dahit hindi man nya bukambibig ang salitang mahal kita, alam at ramdam mong mahal ka nya.

Pero alam mo ang masakit don? Kung ang lahat ng bagay na to ay panandalian lang. Bigla bigla nalang nag bago ang ihip ng hangin, tila tumigil ata ang pag-ikot ng mundo. Hindi mo namamalayang tuluyan na pala syang sumasabay sa lamig ng panahon, sa hindi mo malamang kadahilanan. Unti unti nyang nilalayo ang sarili nya na tila isang bulang lumilipad at naghihintay na lamang mawala. Biglaan nalang syang nag-bago...

Pero bakit ganon? Bakit bigla nalang nagkaganto? Bakit bigla kana lamang mawawala? Ni hindi ka man lang nag-iwan ng rason kung bakit mas pinili mong lumayo. Sagutin mo naman sana. Ang dating umagang nagsisimula sa mensaheng masaya ngayo'y isa na lamang normal na araw na hinihintay nalang matapos. Ang mahimbing na tulog sa gabi ay napalitan na lamang ng pagtatalo ng puso at isipan. Bakit ang laging tanong sa sarili. Bakit walang kasagutan. Bakit hanggang sa pag pikit ng mga mata.

Sinanay mo syang nandyan, sinanay mo syang kausap ka. Sinanay mong maniwala syang isa kang inspirasyon at pag-asa sa malungkot nyang buhay. Naging rason ka para tumuloy tuloy syang lumaban, naging rason ka sa mahahabang halakhak, sa pag limot sa kalungkutan. Binigyan mo sya ng rason para mag-tiwala muli. Sabay ngayon, bigla bigla ka nalang mawawala.

Ngayon, binigyan mo sya ng rason para magkaluha ulit ang kanyang mga mata. Ngayon, binigyan mo sya ng rason para matakot na muling mag-tiwala. Sana hindi mo nalang sya sinanay na nandyan, kung sa huli ay iiwan mo rin pala sya..


Binigyan mo lang sya ng rason na maniwalang hindi ka pala naiiba sakanila, katulad ka lang rin pala nila. Pero kung sabagay, nagbakasakali lang naman ako, nagbakasakali lang naman ako na iba ka sa lahat ng taong nakilala ko. Nakakalungkot lang isipin na pinaramdam mo sakin, nagkamali pala ko. Pero alam mo? Babangon ako at, Who you ka sakin..

-

ampalayanggreen~

Sinanay Mo Kasi... (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon