Chapter 14

8.7K 351 63
                                    

Date uploaded: 11-30-15

Chapter 14

Kat

"Oh my gosh.. He saw you! They saw you!" tumingin ako sa likod at nandoon pa din si Rafael, Yvette at Mina na nakatingin sa papalayo naming sasakyan. Kitang kita ko ang pagka-shock nila kahit medyo malayo na kami sa kanila. I could pay a million just to know what they're thinking right now. 

"Tama nga ang aking hinala. Kamukhang kamukha ko nga si sya. Mapagkakamalan ngang ako si Rafael." Tumingin ako kay Juaquin. Sa itsura nya ay parang hindi man lang sya naapektohan kahit na katiting. Panic mode na ako, pero kalmado pa din siya! What makes his nerves so stable? Hindi nagkakape?

"Oo nga. They already know you exist! Anong sasabihin ko? Paano ko maipapaliwanag ang existence mo? Anong gagawin ko?" I said more to myself.

Kinuha nya ang kamay ko at pinisil nya ito, as if he's trying to calm my nerves. Nakakapagtaka lang sya at nabisto na kami, at parang mas gusto pa nya ang mga nangyari!

"Wala kang dapat na ipagalala. Sabihin mo sa kanila ang totoo. Kung sino talaga ako. Wala akong nakikitang problema doon. Kung maniniwala sila o hindi ay nasa kanila na 'yon."

Huwaw.. parang ang daling gawin ng sinasabi nya a.

"Hindi pwede."

"At bakit hindi?"

Nag-isip ako ng isasagot pero parang hindi gumagana ang utak ko. Dahil siguro ito sa taranta.

"Basta hindi pwede." He looks amused.

"O sige. Kung sakali man na magkaharap kami, wala akong ililihim sa kanya sa pagkatao ko. Wala naman akong nakikitang masama kung sakali mang malaman nya ang totoo. Ang mas nakikita kong mali ay ang pagpapanggap ko na ako sya."

Napaisip ako sandali. Kung sabagay may punto nga sya doon. Alam ko namang mali na pinagpapanggap ko na sya si Rafael, but I have to choice. 

Pareho kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa condo. Hindi pa din nag-d-die down ang taranta ko. Ang unang nasa isip ko ay makalayo kaming dalawa kaya pagpasok pa lang sa condo ay dumiretso ako sa kwarto at inilabas ko ang maleta at ipinasok lahat ang mga damit ni Juaquin... I mean mga damit ni Rafael na inangkin ko para kay Juaquin.

"Katrina..... "

"Hmmm???" Diretso pa din ang pag-eempake ko.

"Katrina.... " Hinawakan nya ang kamay ko para matigil ako sa ginagawa ko.

"Tama na. Hindi tayo tatakbo o magtatago. "

"Huh? Pero.... "

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at itinayo nya ako.

"Hindi dapat tayo nagpapasindak sa kung sino. Wala naman syang magagawa sa atin. Bakit ka ba natatakot? Dahil ba may pagtingin sya sa 'yo?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Ang sumagot na lang sa tanong nya ay ang pamumula ng mukha ko.

"Paano namang napunta dyan ang usapan natin?" 

"Gusto ko lang malaman kung totoo ang mga hinala ko. May pagtingin ka din ba sa kanya?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Wala akong pagtingin sa kanya!" Nanliit ng kaunti ang mga mata nya na para bang may nababasa syang iba sa mukha ko. "Oo, sige, aaminin ko. Minsan noong nasa Cebu kami, nakita kita sa kanya at parang may..... slight... slight lang naman na naramdaman ako sa kanya. E kasi naman, magkamukhang magkamukha kayong dalawa. And I miss you soooo much that time! But don't get me wrong, I was thinking of you not him. Walang ibang nasa isip ko kundi ikaw. Masira-sira na nga ang ulo ko kakaisip sa 'yo, tapos nandon si Rafael na palaging nagpapaalala sa akin tungkol sa 'yo. "

Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon