TRINITY LUNA

80 4 2
                                    

Nabigla si Arman nang madatnang madilim ang buong kubo. 


"Hilda?Hilda." Tawag nya sa asawa at sinindihan ang gasera. 

Saka nya naaninag ang imahe ng asawa na nakatayo lang sa may pinto ng kwarto, matalim ang tingin sa natutulog nilang anak. "Hilda bakit? May sakit ba ang bata?" 

Hindi umimik ang tinanong. Akmang hahawakan nya na ang balikat ng asawa nang bigla itong lumingon sa kanya. Nagimbal si Arman sa nakita. Nanlilisik ang mga mata nito, naglalaway at tila umuungol. Saka lang din napansin ni Arman na mabalahibo ang mga paa, mga kamay at leeg nito. 

"Hilda anong nangyayari sayo?" nangangatog ang buong katawan na lumapit sya sa asawa. Sumigaw ito ng napakalakas at binaling ang tingin sa nakahigang bata. "Wag mo syang gagalawin Hilda! Hilda!" hinila nya ito, mahigpit na hinawakan ang mga braso. Pilit nyang pinipigilan itong makalapit sa bata ngunit nagpupumiglas ito at pambihira ang lakas. Kinagat pa sya nito sa balikat at ramdam nya ang pagbaon ng matalim nitong mga ngipin. 

Bagaman sobrang nasaktan at biglang nanghina, inunahan ni Arman si Hilda. Patakbo nyang nilapitan ang batang babae na ngayo'y gising na't umiiyak. Niyakap nya ang anak at pinrotektahan ito sa asawa na ngayon ay umuungol at nagwawala na.

Ilang sandali pa'y mauulinigan ang malakas na sigaw ni Arman. Kinalmot ng ngayo'y halimaw nya nang asawa ang buong likod nya at bumaon ang matutulis nitong kuko. Napakalalim ng pagkakabaon ng mga kuko nito sanhi upang dumanak ang dugo at laman ni Arman. Ininda nya iyon, yakap yakap at pinrotektahan ang anak. Makailang ulit sya nitong kinalmot hanggang sa mawalan na sya ng buhay. 


Saka humalakhak ang babae at nasasabik na dinilaan ang sariling mga kuko. Pagkatapos ay agad nyang itinabi ang katawan ni Arman na nakadagan sa umiiyak na bata at takam na takam na nginitian nya ang paslit.

***

 Agad na bumalikwas ng bangon si Trinity matapos ang masamang panaginip na iyon. Napatayo sya, tinungo ang kusina, binuksan ang fridge at kinuha mula ron ang isang pitsel ng malamig na tubig. Direkta syang uminom mula ron, inubos ang laman at pabagsak na sinara ang fridge. Huminga sya ng malalim. 

Madalas nyang napapanaginipan ang kanyang nakaraan. Madalas nyang napapanaginipan ang malagim na trahedyang iyon. Malungkot. Napakalungkot. Subalit malaking bahagi pa rin ng kanyang buhay at ng kanyang pagkatao ang malagim na nakaraang ito. Sanhi upang dalhin nya ang isang lihim na di nya naman gusto pero kailangan nyang indahin. 

Naluluhang bumalik sya ng silid at muling nahiga't natulog.  

***

Trinity Luna. Yon ang totoo nyang pangalan. Pero mas kilala sya sa tawag na Miss L. She's a kindergarten teacher for 5 years already. 27 years of age, single. Mga parents ng pupils nya ang unang nagbansag sa kanya ng "Miss L." Kasi daw, it suits her personality. 

Maganda,balingkinitan,matalino,mahinhin, malambing. Mahal na mahal sya ng mga tao. At bagaman taglay ang katangiang ito, mababanaag pa din daw sa kanyang mga mata at mababagsik na kilay ang kakaibang tapang. 

Dagdag naman ng mga close friends nya, tamang Miss L ang tawag sa kanya dahil favorite color nya ang lavender at paborito nyang bulaklak ang lilac.  

Nang umagang iyon, katatapos lang ng klase ni Trinity nang may lumapit sa kanyang isang dalagita na tantya nya'y nasa labing walong taong gulang ang edad. Matamis ang ngiti nito sabay nagpakilala. "Hi Miss L. I'm Alexis. Ate ako ni Brittany. Magpapatulong po sana ako para sa isang project sa school. May nakapagsabi po kasi sakin na sobrang ang hilig nyo daw sa Myths and Legends. Eh, dun po tungkol yung task namin. Okey lang po ba?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon