A Time For Love (one shot)

368 25 14
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko.

6:30 palang kaya matagal pa ang klase namin.

“Miss Jillian Dayne Tolentino!!” dinig kong sigaw ni Chris, kaibigan ko.

“Anong miss miss ka dyan, wag mo nga akong tawaging ganyan. Jillian ang itawag mo sa akin, ok!”

 

“Ok miss Dayne!”  sigaw niya ulit.

Tumakbo na siya papalayo kaya ako sinundan siya.

“Criss Cross!!”  Chris Cruz kasi ang pangalan niya kaya Criss Cross ang tawag ko sakanya. alam niyo yung pagkain na criss cross? hahaha pag naga sama kaming dalawa, binibili ko yun at binibigay sa kanya. 

Nakaabot na kami sa classroom namin, wala pang tao.

Nakita kung nakaupo siya sa may tabi ng bintana kaya lumapit ako.

“May problema ka?”  tanong ko sa kanya.

Para kasing may problema siya.

“Wala.”  Humarap siya sa akin sabay ngiti.

Alam kung sa mga ngiti niyang yun ay may kirot.

Hindi man niya sabihin nararamdaman ko yun. 

Niyakap ko siya ng mahigpit kahit na hindi ko alam ang dahilan.

“Ayos lang kahit hindi mo sabihin sa akin..”  sabi ko.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

  Hindi siya sumagot at humarap sa akin.

Ngumiti siya ng hanggang tenga.

“hahahaha ang galing ko talagang mag drama!!” sabay tawa niya.

“Walangya ka!! Humanda ka sa akin!”  sigaw ko habang hinahabol siya. Tumatakbo kasi siya paikot  sa classroom kaya yung mga upuan nagkagulo gulo na.

“Hahaha ang dali mo talagang makuha!”  sigaw niya. Hanggang ngayon tumatawa parin siya.

Nakakainis nauto na naman niya ako.

 

“Halika dito!!” 

Hinahabol ko parin siya.

“Mr. Chris  Cruz” nagulat kami ng biglang sumulpot si Ms. Assistant principal.

Hindi ko kasi alam ang pangalan niya, ang haba kasi, kaya Ms.Assistant nalang ang tawag ko sa kanya.

A Time For Love (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon