ANG BUHAY AT PANITIKAN NG HILIGAYNON
Isang dahilan kung bakit mahirap intindihin at unawain ang panitikan ng iba't ibang rehiyon sa Pilipinas ay dahil limitado lamang ang kaalaman natin tungkol sa mga rehiyongtinatalakay. Tulad marahil ng Panitikang Hiligaynon.
: Hiligaynon ang tawag sa pangkat-etniko na matatagpuan sa probinsya ng Iloilo, Capiz,Guimaras, at Negros Occidental. Bago pa man tawaging Ilonggo ang diyalekto ng ginagamit sabahaging ito ng Pilipinas ay mas kilala na ito bilang Hiligaynon. Ginagamit din kasi ang salitangito upang ilarawan ang wika at kultura ng mga Ilonggo.Kakaunti lamang ang kaalaman ng mga pangkaraniwang Pilipino tungkol sa mgalalawigang ito sa Visayas. Maliban sa Batchoy ng Iloilo, matatamis na mangga ng Guimaras,asukal ng Negros Occidental at mga kinatatakutang 'aswang' ng Capiz, wala nang masasabi paang mga tagalabas tungkol sa rehiyong ito. Ayon sa tala at ulat tungkol sa Hiligaynon, may dalawang wikang ginagamit ang mgaPanayano bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop: ang Bisaya at ang Haraya.Saksi ang mga wikang ito sa makulay na kasaysayan ng lalawigang ito.Hindi rin pahuhuli ang mga Hiligaynon sa larangan ng sining at panitikan. Noon pa man,mayroon nang tinatawag na binalaybay at sugilanon ang mga Hiligaynon. Ang binalaybay angtawag sa mga tula ng mga Panayano samantalang angn
Sugilanon naman ay ang tawag sakanilang maikling kuwento na kalimitang kinabibilangan ng mitolohiya, alamat, parabula, atkwentong bayan. Dito rin umusbong ang sanaysay na kinahihiligan pa ring isulat ng mgaHiligaynon sa kasalukuyan.Sinasabing mas kilala ang Hiligaynon at kanilang sugilanon o maikling kwento. Saganitong uri kasi lumalabas ang talento at pagkamapamahiin ng mga Hiligaynon.Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagyabong ng panitikang Hiligaynon. Hangganghindi nauubusan ng talento ang mga tao sa bahaging ito ng Pilipinas, at habang patuloy silangnagsusulat, asahan nating libu-libo pang binalaybay at sugilanon ang ating mababasa atpatuloy na mamamayagpag ang panitikang Hiligaynon sa Pilipinas.
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG MGA MARANAO SA MINDANAO
Hindi ganap na mulat ang mata ng mga Pilipino sa taglay na ganda ng Mindanao.Kalimitan, pawang hindi magagandang bagay ang nasusulat tungkol sa lugar na ito sakatimugang bahagi ng Pilipinas. Kaguluhan, pandurukot, at patayan - ito ay ilan lamang sa mgabagay na halos naging kakambal na ng lugar na ito sa paglipas ng panahon.Nakalulungkot isipin na humantong sa ganito ang pananaw ng mas nakararaming bilangng mga Pilipino tungkol sa isla ng Mindanao at sa mga taong naninirahan dito. Kung sabagay,hindi naman ito dapat ipagtaka sapagkat noon pa man, itinuturing na ang Mindanao na isa samga hindi gaanong napahahalagahang lugar sa Pilipinas.Sayang. Marami pa namang bagay tungkol sa Mindanao ang maaari natingmaipagmalaki. Isa na rito ang panitikan ng lugar, partikular na ang sa mga Maranao.Maranao ang tawag sa pangkat-etniko na matatagpuan sa paligid ng lawa ng Lanao atkapatagan ng Bukidnon at Lanao. Isa lamang ito sa higit sa dalawampung pangkat-etniko nananinirahan sa isla ng Mindanao.Tulad ng lugar na kanilang tinitirhan at ng kanilang relihiyon na Islam, hindi rin gaanongmulat ang mga Pilipino sa panitikan ng mga Maranao. Paano magkakaroon ng isang matibayna panitikan ang isang lugar na hanggang ngayon ay patuloy na niyayanig ng giyera at bantang hindi pagkakaunawaan?Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin, ang panitikan ng mga Maranao aylaganap na sa kanilang lugar noon pa man. Patuloy ang pagyabong ng kanilang panitikan sapaglipas ng panahon, tulad ng kanilang mga epiko, maikling kuwento, tula, dula at kanta nakalimitan ay tungkol sa kanilang lugar at relihiyon.Kung bibigyan lamang natin ng pagkakataon ang ating mga sarili na kilalanin at unawainang mga kapatid natin sa Mindanao ay hindi malayong mabago ang mga negatibo natingpananaw tungkol sa kanila at sa lugar ng kanilang tinitirhan. Iba man sa paniniwala, dapatnating isaisip na sila ay tulad din natin - Pilipino.Kapag naganap ito ay saka pa lamang natin matutuklasan at maipagmamalaki ang mganakatagong yaman sa Mindanao tulad ng mga Maranao at ang kanilang panitikan.
Ang Balangkas ay isang iskeleton ng sulatin, ito man ay simple o mahaba. Sa pamamagitan ng balangkas ay magkakaroon ka ng ideya ukol sa kabuuan ng isang sulatin. Nagsisilbi itong talaan ng mga ideya nais paksain. Ito ay binubuo ng pangunahing at pantulong na ideya.
Pagbalangkas:
a. unang pangyayari
b. ikalawang pangyayari
c. sukdulan
d. ikaapat na pangyayari
e. wakas
Mga Uri
1. Balangkas na Papaksa. - Gumagamit ang balangkas na papaksa ng mga salita o parirala para sa ulo o heading.
2. Balangkas na Pangungusap - Gumagamit ang balangkas pangungusap ng isang buong pahayag o pangungusap sa ulo
3. Balangkas na Patalata - Gumagamit ang balangkas na patalata ng pariralang may maikling buod upang ipaliwanag ang bawat paksa.