Pumasok na ako sa school, medyo nalate ng konti dahil sa puyat.
Kasalukuyan akong nagpapractice ng sayaw dahil may culminating activity daw.
Ang sinasayaw ko ngayon ay Ice cream cake ng Red Velvet. Kpop fan ako *nods*
Naupo muna ako sa lapag dahil sa pagod. Uminom muna ako ng tubig at pinunasan ang pawis ko.
Napalingon ako sa pintuan dahil nagbukas ito. Psh, si Shane at ang mga alipores. I rolled my eyes.
''Oh, look who's here.'' Shane said at pumunta sa harapan ko.
''What are you doing here, Ms Retokada?'' Tinuro niya ako at nagsmirk.
''This is a practice room, malamang nagpapractice.'' I rolled my eyes at tumayo. Natawa naman ang mga alipores niya sa sinabi ko.
''Shut up!'' Sigaw niya sa mga alipores niya. Tumigil naman sa pagtawa ang mga ito at tumungo.
''Ikaw! Pinipilosopo mo ba ako, ha?!''
''What do you think?'' I smirked at tumalikod na para umalis. Pero bigla niyang hinablot ang buhok ko at hinigit.
''What the?!'' Hinawakan ko ang kamay niya at pinilipit ito. Napangiwi siya sa sakit.
''Hawakan niyo siya!'' Hinawakan ako sa magkabilang braso ng dalawa niyang alalay. Nabitawan ko tuloy si Shane.
Nagpumiglas ako kasi bumabaon ang mga kuko nila sa braso ko. ''Ano ba?! Don't touch me!''
''Natatakot ka ba, ha?'' Sabi niya. Inirapan ko lang siya. Akmang sasampalin niya ako ng may humawak sa kamay niya. Sabay sabay kaming napatingin dito, napakunot ang noo ko. Sino to???
''A-ah, K-k-kristoffer! A-aalis na kami!!!'' Dali dali naman umalis sila Shane.
Humarap naman sa akin yung Kristoffer daw tapos unti unting lumapit sa akin.
Napakunot noo naman ako, nagulat naman ako ng inilapit niya ang mukha niya sa akin at ha-halikan ako! Hinalikan niya ako sa gilid ng labi ko!!
Hindi ko namalayang umalis na pala siya at naiwan ako ditong nakatulala.
What. The. Hell?!
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Ficțiune adolescențiSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...