(Continuation)
DYLLAN's
Pagkatapos ng napaka boring na Math Class pumunta na ako sa try out namin for basketball, yes you heard it right! Syempre gwap....
-_-
"Uy pre! Nanjan ka na pala! Tara na dito hinahanap ka na ni coach kanina pa!" Jeaush (josh yan, oo magulo kasing gulo ng utak niya hahaha)
"Ah ganon ba?!" Iritado kong sabi
Pumunta na ako sa locker room para mag palit ng jersey. Malapit na ako sa pintuan ng may narinig ako...
"Babe, ano ba?! Wag nga jan, nakikiliti ako hihihi!" sabi ng babae
"Hahhahaha ang cute mo talaga" Sabi naman ng lalaki
Hay nako ang lalandi talaga ng mga tao ngayon, sus.
Tuluyan na akong pumasok sa locker room at nagulat ako sa nakita ko...
Alam niyo kung bakit? Kasi may ipiss! Jk. Kasi ba naman yung babae at lalake na naririnig kong naguusap kanina ay naghahalikan na ngayon at nakasandal pa iyong babae sa may locker. At eto pa ang matindi! Si nathan yung lalake"Ehem" pagkunwari ko naman para matauhan naman sila sa kababuyan nila.
Tumingin naman sa akin si Nathan ng masama...
"Uy pre! Kanina ka pa? Mikhaela, maya nalang." Sabi naman niya sa babae niya tsk
Pagkatapos lumabas nung babae, ginawa ko na ang mga bagay na dapat kong gawin.
Habang nag bibihis ako,
"Pre, kung may nakit..." Sabi ni nathan na may halong kaba ang tono ng pagsasalita niya
As if namang may pake ako sa explanation niya? Hindi ba dapat kay KC siya nageexplain?!
"Pre, wala naman akong nakita. Don't need to explain."
Pagkatapos non ay lumabas na kaming pareho at nag practice.
Sasabihin ko ba kay kakay?
KC's
I'm currently walking here sa hallway to go sa court where Nathan is playing. Like omg!! Missed him na already.
HAHAHAHA. Sorna, kainis yung conyo.
I decided to go nalang sa locker room kasi nagsisimula na pala yung practice baka nandun pa si Nathan, and then nakita ko naman si Dy na parang tanga siyang nakasilip sa may pinto. So syempre ayoko siyang lapitan baka makita ako ni Nathan, so pumunta nalang ako sa court mismo.
"Hi KC!" Bati naman sa akin ng mga players doon.
Ngiti lang ang ginanti ko sa kanila.
Umupo na ako sa bench, habang nanunuod ako sa ibang mga players, nakita ko naman si Nathan at Dyllan na magkasabay pumasok ng court at parang galit si Dyllan. Fishyyy.