Chapter 10: Suitors

179 5 0
                                    

Nasa tambayan ako ulit.

Break time namin.

Yung apat kong kaklase, dun lang daw sila kakain sa canteen, ako naman, dinala ko lang ang snacks ko dito. Napakarefreshing kasi dito.

Nagulat naman ako nang may biglang tumabi sa akin.

"Hi!"

"Alex." Ako

Tumingin ulit ako sa field.

"Bakit ka mag-isa?" Alex

"Gusto nilang kumain dun sa canteen. Ikaw rin naman ah." Ako

"Humiwalay lang ako sa kanila. Sabi kasi ng mga kaibigan mo na andito ka kaya pinuntahan kita rito." Alex

"Okay lang naman na ako lang mag-isa." Ako

Di naman siya nagsalita.

Naubos na ang pagkain ko.

Uminom na ako ng juice ko.

"Nagustuhan mo ba yung gift ko sayo kahapon?" Alex

"Oo naman." Ako

"Ah.. Bakit hindi mo yun suot?" Alex

Necklace kasi ang regalo niya at hugis puso.

"Sorry ah. Hindi kasi ako sanay na magsuot ng mga ganun." Ako

"Ganun ba?" Alex

Natahimik naman kami ulit.

Siya ulit ang unang nagbasag ng katahimikan namin.

"Ang close niyo na ni Tristan noh?" Alex

"Huh? Ah.. Hindi naman. Parehas lang naman ang trato ko sa inyong lahat." Ako

"Ah." Alex

"Bakit?" Ako

"Wala naman. Napansin ko lang kasing lagi kayong nagtatawanan." Alex

"Ah.. hahaha.. Ang lakas kasi mangtrip ng kaibigan mo. Hahaha" ako

"Ah." Alex

"Teka? Nagseselos ka ba?" Ako

Di naman siya sumagot.

"Ano ka ba? Sabi ko naman kasi sayo na parehas lang ang trato ko sa inyo kaya wag kang magselos." Ako

"Lahat naman ng nagmamahal, nagseselos talaga kung may ibang kasama ang mahal nila lalo na kung masaya pa siya sa kasama niya." Alex

Tinignan ko si Alex.

"Mahal kita Becca. Alam mo yun. Napakaganda at ang bait mo pa. Sino ba namang hindi magkakagusto sayo?" Alex

Yumuko si Alex.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Mahal kita Becca. Please be mine." Alex

Nakatingin na siya sa akin ngayon.

Binawi ko ang kamay ko.

"Kung mahal mo ako, makakahintay ka sa tamang panahon." Ako

Bigla namang tumunog ang alarm.

Tumayo na ako para bumalik sa room namin.

Si Alex, nakaupo pa rin.

"Una na ako." Ako

Ilang distansya pa ang layo ko kay Alex, narinig ko siyang nagsalita.

"Maghihintay ako Becca." Alex

Hindi na ako lumingon at binilisan lang ang paglalakad ko.

Dumating na ako sa room namin.

Nakita ko ang mga barkada ni Alex sa labas ng room nila.

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon