What is love?
According to Google; Love is a variety of different feelings, states, and attitudes that ranges from interpersonal affection to pleasure. It can refer to an emotion of a strong attraction and personal attachment.
Strong attraction...
Yes. Very strong. Kahit pawis ka na galing sa game mo, kahit may libag ka sa braso at kahit amoy pawis ka na parang hindi ka naliligo, still, hindi pa rin ako natuturn off sayo. Okay lang saakin na titigan ka kahit haggard na haggard ka na sa basketball game mo. Never akong naturn off sayo. Hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal ko sayo kahit ganyan itsura mo.
Personal attachment..
Nanjan ka palagi para saakin.Lagi kang nagtratraining. Isa kasi sa mga pangarap mo na maging basketball player ng UAAP tapos Gilas. Susuportahan kita jan. Sobrang galing mo! Pag aari mo ang court pagnaglaro ka na. Kahit pagod ka sa training mo, hinahatid mo pa rin ako sa bahay dahil nagpromise ka sa tatay ko na dapat safe ako lagi.
Maski si daddy nag aalala sayo.
"James anak, salamat sa paghahatid mo sa anak ko kahit pagod ka na. Pero sa susunod kung may training ka, tawagan mo nalang ako para ako susundo sakanya. Kawawa ka naman iho."
"Okay lang po tito. Para alam kong safe po si Annika."
Kahit pinagsabihan ka ni daddy, ayaw mo pa rin siya sundin. Gusto mo ikaw ang maghahatid saakin. Para malaman mo na ligtas ako. Uso naman taxi pauwi.
"Hindi ka pwede magtaxi! May kotse ako oh. Ano yan display lang? Panghatid ko sayo yan!"
"Eh may training ka pa nga eh! Magsasayang ka pa ng gasolina."
Pero hindi ako na nanalo sayo pagdating sa mga ganyang bagay. Thankyou for taking care of me.
Its my time to take care of you. To achieve your dreams.
BINABASA MO ANG
My one and only MVP
Romance"Mahal kita. Gustuhin ko man na hindi na mahiwalay sayo pero wala na akong magagawa." -Annika's Diary September 08 2013