Start of Something New

36 2 0
                                    

"Huwag kang mag-alala, hindi kami kumakain ng tao." :)

Ano daw? Well, mind you. Kung ganyan naman kagwapong mga nilalang ang kakain sa akin, hindi ako tututol! ako pa mismo magseserve! mwahaha! (May baliw dito!alerto! ideretso sa mental!)

Dahan-dahan akong tumayo at nagpakita sa kanila.Hala, nakatingin silang lahat sa direksyon ko! ?Anong gagawin ko? May ghaad! (Fhin! Kumalma ka!)

eh Ikaw ba naman ang tapunan ng tingin ng mga nagagwapuhang anghel na sadyang ikaw ang hinahanap, tingnan lang natin kung hindi ka kapusan ng hininga! OMGee, Kinakapusan na talaga ako ng hininga! Kailangan ko ng CPR (yun bang mouth to mouth kapag may nalulunod)! Pwedeng isa sa kanila gumawa nun? hehehe. (Hala, baliw na nga malandi pa! Pakitapon sa ilog ng babaeng to= Author)

Lahat sila ay gulat ng makita ako. Mga ganito lang naman ang mata nila---> O_O. Ba't para ata silang nakakita ng multo? Tao naman ako ah? 

"Babae siya?"- Singhal nung isang lalakeng Miguel ang pangalan. (Malamang! Nakapalda po ako diba? School uniform ko kaya suot suot ko!)

"Pero ba't nag uumapaw ang aura sa kanya gayong babae siya?" Dagdag naman nung Matteo.

Ba't parang may discrimination ata akong nararamdaman dito? So what kung babae ako? ha? May angal? hindi na ako nakatiis kaya't sinabat ko sila.

"Eh ano naman ngayon kung babae ako? May masama ba run? Ha ?" Malakas na sambit ko at nakapameywang pa ako niyan ah.

"Ehemm.."biglang tumikhim si Zen kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Sa tingin ko'y marami rami ang ating pag-uusapan. At isa pa dumidilim na. Mabuti pa'y mag-usap tayo dun sa tambayan. At hindi ka pa puwedeng umuwi babae kung iyan ang nais mong sambitin."

Langjo. Panu niya nalaman yung sasabihin ko sana? Hahay, panu nako neto? Panigurado hinahanap na ako samen.

Naglakad-lakad kami papunta sa mas masukal na parte ng gubat hanggang sa may natatanaw na akong isang maliit na kubo. Ito na ba ang tambayang sinasabi nila?

"Natatanaw ko na ang tambayan. Mas mabuti nga rito walang ibang makakarinig sa atin dahil may depensa laban sa mga mapangahas ang parte ng gubat na ito." Sambit ni Matteo.

Pumasok kami sa loob at wow lang ah! Na speechless ako! Kubo ba to? Parang kubo yung pinasukan namin kanina ah tapos bakit parang naging mansyon yung loob? May magic ba sila?

Pinaupo nila ako sa isang red velvet chair na nasa gitna ng sala ng tambayan daw nila. ( ano to? hot seat ang peg? Di ako superstar uy!)

At iyon nga, pinagtatadtad nila ako ng maraming katanungan at ako namang si tanga ay sagot lang nang sagot. Pero siyempre, mababait naman sila kaya inexplain nila kung nasaang lupalop ako ngayon at kung anong meron dito. First time nga daw nilang ikuwento to sa taong galing sa labas ng mundo nila dahil ang sabi nila ay hindi daw ako pangkaraniwang tao lang. Kadalasan daw kasi binubura nila ang memorya ng taong napapadpad at binabalik sa mundong ibabaw nang parang walang nangyare. ( So confirmed na may mga kapangyarihan ang mga tao rito!)

At iyon nga naliwanagan ako. Gusto niyo ring maliwanagan? Well, ganito kasi iyon. Sa mundong ito raw May mga taong nagataglay ng mahika (magic). Gaya nalamang ng apat na nagagwapuhang lalaken ito.Ang talong naghahanap sa akin kanina ay pawang mga heneral daw na nagtataguyod ng kaayusan sa kaharian. Grabe, mga heneral eh mga halos 20 plus lang naman ata ang edad ng mga to. Si Zen naman ay isa sa mga tagapayo ng hari. Isa raw ito sa mga matataas ang posisyon sa lipunan kaya ganun na lamang ka espesyal ang taong ito na pinaghandaan ng lahat ang pagbabalik niya.

Pero kadalasan daw sa mga nagtataglay ay pawang mga lalake kaya ganun nalang daw ang pagkabigla nila kanina nang makitang isa akong babae. Sigurado daw kasi silang may taglay akong kakaibang kapangyarihan. (Pinagtalunan pa namin to kanina dahil ipinaglalaban ko talagang isang pangkaraniwang babae lamang ako, dahil kung may kapangyarihan man ako ay sana matagal ko na iyong naramdaman!)

Mayroon naman daw mga kababaihang nagtataglay ng kapangyarihan. Pero sa buong kasaysayan ng lugar nila, dalawa pa lamang daw ang mga babaeng iyon. Sobrang malimit daw kasing magkaroon ng kapangyarihan ang mga babae. At yung dalawang babaeng yun ay sa mga sinaunang panahon pa. Kaya nga nabigla sila nung makita ako. Taglay ko raw ang napakalakas na enerhiya ngunit nangangamba silang may mangyayaring masama sa akin kapag hindi ko natutuhang kontrolin ito. sa sobrang lakas daw nito ay baka lamunin ako ng mismong kapangyarihan ko. 

Kaya napagpasyahan nilang dito muna ako mamalagi sa lugar nila. Para rin naman daw ito sa ikabubuti ko. Kung babalik daw ako sa amin ay baka masaktan ko pa ang mga mahal ko sa buhay dahil sa taglay kong kapangyarihan. Aminado akong tama sila ng tinuran sa akin. Napagpasyahan kong bumalik muna panandalian sa amin para makapagpaalam.Alam ko kasing matagal tagal akong mawawala. Kung anong pagsisinungaling ang gagawin ko mamaya, bahala na si batman at superman. 

Nagbukas sila ng portal para sa akin upang makabalik ako panandalian sa amin.

"Tandaan mo Fhin, tatlong araw lang na palugit ang ibibigay namin sayo. Pagkatapos ng tatlong araw, pumunta ka sa likod ng paaralan niyo kung saan mo huling nakita ang portal. Aabangan ka namin doon. Mag-iingat ka." Sambit ni Zen sa akin.

"Huwag kayong mag-alala, hindi ako tatakbo at magtatago sa inyo. Babalik ako pagkatapos ng tatlong araw." Iyong nalamang ang huling sambit ko sa kanila pagkatapos ay pumasok na ako sa portal at nakabalik na ulit sa amin. 

Pagkabalik na pagkabalik ko ay dumiretso na ako sa bahay- ampunan. Mag-aalas syete na ng gabi at panigurado, pagagalitan ako ng sobra neto. Pero hindi ito ang nasa isip ko ngayon bagkus ay ang mga bagong nalaman ko kanina lamang. Alam kong simula sa gabing ito ay magbabago na lahat pati na rin ang pananaw ko sa buhay ko.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Legendary GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon