Sya yung nauna! Daya naman nya! Lagi nalang nya ako inuunahan! Sya first honor ako second lang, hanggang ba naman sa larangan na ito mas angat parin sya saakin.Simula pag ka bata hindi na kita matalo-talo. Ang galing mo talaga.
Diba sabi ko sayo, sabay naman tayo kahit ngayon lang. Nag promise ka pa nga! Hindi mo tinupad... Ang daya mo talaga.
Bago ka nauna, inamin mong mahal mo rin ako. Ang saya ko nun. Tuwang tuwa ako, kaya pinagalitan mo ako.
" Ano ba Joy! Hindi porket pangalan mo ay Joy eh Masaya ka na agad! Hindi pwede sayo extreme feelings, sana pala hindi ko na inamin sayo. Baka dahil saakin mauna ka pa!"
Nginitian lang kita kahit masama narin nararamdaman ko. Hindi na ako makahinga nun, pero di ko pinahalata sayo. Baka mag-alala ka pa at sisihin mo sarili mo. Wag nalang.
Nung gabi din na yun inatake ako, muntik na ako mauna sayo kaya lumaban parin ako para sabay tayo. Nag promise kasi ako.
Alam mo kinikilig ako tuwing naiisip ko na pareho tayong may sakit, pareho tayong may malalang sakit. Destiny feels eh.
Nakadestiny talaga tayo. Destining mamatay ng maaga.haha
Naalala mo nung grade 3 tayo, nung nadapa ako. Tawa ka ng tawa nun. Gusto kong magalit nun sayo kaso, kaso kinilig lang ako, dahil ako dahilan ng pagtawa mo. Ang cute mo rin tumawa kaya nakitawa nalang ako.
Nung time naman na ikaw ang nadapa, hindi kita tinawanan. Dumudugo kasi yung tuhod mo, kaya ang ginawa ko, kwinento ko sayo na lalabas sa sugat mo yung kanin at ulam na kinain mo nung umagahan. Umiyak ka ng umiyak. Hahaha! para kang bakla! Pero ang cute mo parin.
Nung na-daignose ka na may kanser ka sa dugo, hindi ka na lumabas ng bahay nyo. Kaya binisita kita sainyo.
" Uyy Carlo, wag ka ng magmukmok diyan, may maganda akong balita sayo!"
Tiningnan mo ako, pero agad ka din umiwas.
"Tanann!"
May pinakita akong envelop sayo.
Agad mong kinuha at tiningnan.
" Wag ka nang malungkot diyan! tingnan mo oh! Pareho na tayong may sakit. Kala mo ikaw lang, gaya-gaya kaya ako."
I was grade 4 then. Naiintindihan ko na rin nun ang sitwasyon ko, ayaw ko lang makita mo na mahina ako, kaya kahit mag mukhang bobita na ako sa paningin mo, gumawa parin ako ng kabobohan para ma pangiti kita.
Grade 6. Stage 3 cancer.
Sa ospital kana namalagi. Ako naman, madalas din atakihin sa puso. Meron akong Congestive Heart Failure.Mahina ang puso ko, that's why bawal sa akin yung extreme feelings.Nung lumala narin kalagayan ko nirequest ko kay mama at sa magulang mo na tabi tayo sa iisang kwarto.
Pareho tayong may nakakabit s ilong natin, parehong may malaking karayom na naka tusok sa braso natin. Kilig nanaman ako dahil parang destiny talaga.
Alam mo yung kahit may kanya kanya tayong sakit, pag tayo na yung magkasama parang wala tayong nararamdam na sakit. Nagiging gamot natin yung isa't isa alam mo ba yun.
Ang saya ko din dahil for the first time in forever ay naunahan kita. Naunahan kitang magtapat.
"Carlo, Mahal kita"
Ang mga salitang yan, nahirapan ako diyan. Nahirapan kong humanap ng tiempo para sabihin ko yan. Feeling ko nga nun ang landi-landi ko. Kiber! Atlis nasabi ko na sayo ang totoo kong nararamdam, na mahal kita.
Hindi nagbago ang pakikitungo mo saakin. Mas lalo panga tayong naging close eh.
Nung sixteen tayo. Yun yung pinakamalanding taon ng buhay ko. Yun yung year na naranasan ko ang tamis ng unang halik.
Hinalikan mo ako at inamin mo na ang tunay mong nararamdaman saakin. Mahal mo din pala ako.Seventeen years old na tayo. Stage 4 na ang cancer mo. Ako ito rin malala na, madalas na akong atakehin, at may time na muntik na ako mauna, pero kagaya ng lagi kong ginagawa lumaban parin ako at di nag padala sa agos ng buhay. Ngayon pa ba ako gi-give up? Kung kailan mutual na ang nararamdaman natin. Kung kailan mahal na natin ang isa't-isa?
Nung 18 birthday mo, nangako tayo sa isa't-isa na sabay tayo pupunta sa langit. Sabay tayo mamamatay.
Alam mo kahit wala ka ng buhok, ang putla-putla mo pa, at kahit sabihin mo at ipagpilitan mo pang pangit ka na, hindi ako magsasawa sayo. Kahit minsan sinisigawan mo ako, alam kong gumagawa ka lang ng paraan para ayawan kita. Carlo, hindi mo ako maloloko , ayaw mo lang ako makitang nahihirapan. Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan? araw-araw, pero mahal na mahal kasi kita.
Bakit ganun tayo pa ang binigyan ng malubhang sakit? mabait naman tayo diba?
May 9 2015. Ang pinakamasakit na araw ng buhay ko. Nawala ka na. You were the first to say goodbye, Carlo. Na-una ka na. di ba ang daya? Nag promise ka eh. Iniwan mo ako, at hindi mo ako i-sinabay.
Inilibing ka pero hindi ako pumunta. Namatay ka pero hindi ako umiyak. Para saan pa? magkikita naman tayo doon, diba? nauna ka lang. Gagad ka kasi eh, naalala ko hilig mo pala mauna.
narinig ko yung phone ko nag ring yung alarm
May 09, 2016
Carlo's death anniversary
I love you<3Inaantok na ako.
Matutulog na ako.
I love you Carlo.Andiyan na ako. Hintayin mo ako diyan.
The end
BINABASA MO ANG
The First to Say Goodbye
Teen FictionGoodbye. See you soon! Ako pala nauna! Hayaan mo, Hihintayin kita dun! Malapit naman na diba? Bastat kitakits! Goodbye ulit! - Carlo