My MVP
Everytime I see your face in the television,
nag fa-flashback lahat.
I was once your number one fan na nag
chi-cheer sayo every game mo tuwing
intramurals. Ako ang nag bibitbit ng tubig
mo. Taga bantay ng bag nyo sa bench. Taga
take ng pictures mo. Taga punas ng likod
mo tuwing time out.
Kinikilig ako kapag kikindatan mo ko sabay
ngiti tuwing makaka shoot ka. Lahat tuloy
ng nanonood nag titinginan saken.
Palagi kang panalo. Kaya proud na proud
ako sayo. Ikaw ang star play sa team, di ka
lang gwapo, matangkad ka pa, mabait ka
pa. Kaya naman ang daming lumalapit na
babae sayo.
Naalala mo noon? Inutusan ako ng isa sa
mga fan mong mag take ng picture nyo? Di
nya ata alam na girlfriend mo ko, kaya ang
ginawa mo, tinawag mo ko.
"Baby girl! Halika dito!
Girls, meet my future wife _______"
You never let me feel jealous to the other
girls "your fangirls" because you make them
jealous to me.
Naka graduate tayo ng highschool ng sabay.
We entered FEU together with the same
course. Remember the day of your first try
out in our institute basketball team? You
were so nervous. Feeling mo di ka
makukuha kasi ang gagaling ng mga
nandun. But I was with you for the entire
day. Mino-motivate kita na kaya mo. Na
makukuha ka kasi magaling ka. Na nandyan
ako palagi sa tabi mo anumang mangyare.
Kaya nagkaroon ka ng lakas ng loob.
At the end of the five hours of waiting, the
result made us both cry nang tinawag ang
pangalan mo. Natanggap ka. Sobrang saya
mo. Binuhat mo pa ko sa sobrang saya mo.
Hinalikan sa pisngi ng sampung beses.
Nakakatawang alalahanin. Mga panahong
unti unti mong naaabot ang pangarap mo.
Syempre masaya rin ako kasi masaya ka.
Ako na ata ang pinaka proud na girlfriend
sa buong mundo.
Expected kong ikaw ang pinaka magiging
star player ng institute team. Tama naman
ang expectation ko. The same as we were in
highschool. You always dominate the game.
You're always the MVP. Sa dami ng panalo
mo, lalong dumami ang mga taong
humahanga sayo. Lalo na ang mga babae.
But I never felt threatened kasi alam kong
ako lang. I was with you all the time. To
cheer you. To take photos of you. To give
you the what you called "strength power"
my kisses on your forehead every time out.
Freshmen to sophomore everything was
fine. Pero nung nag third year tayo dumami
na ang responsibilities mo. Pinuntahan mo
ko sa classroom at masayang ibinalita sakin
na kinuha ka ng FEU coach para maging
Team B player. Kaso sabi mo, kailangan mo
ng mag stay sa athlete's quarters. Di ka na
pwedeng umuwi ng araw araw kasi palagi
kayong may practice. Okay lang sakin. I was
so happy for you. Really happy.
Kaso dumating na yung point na madalas
hindi na kayo pinapapasok sa klase.
Tatawag ka nalang na may practice kayo. Di
mo ko masasabayan sa lunch at vacant
times unlike before. Di muna pwedeng
makipag kita dahil ayaw ng coach.
I understand. Rereplyan nalang kita ng
"Ingat ka. Mahal kita." Mag rereply ka din
ng "Mahal din kita. I miss you. frown
emoticon"
Miss na miss natin ang isa't isa. Noon kasi
hindi tayo mapag hiwalay diba? Hanggang sa
fourth year. Nawala na lahat.
Napapagalitan ka ng coach mo dahil
tumatakas ka para makipag kita lang saken.
Ihahatid mo ko sa bahay tapos pag dating
mo sa practice pagod ka na at nanghihina
ka na raw. Tumatawag ka saking depress ka
kasi nasisigawan ka ng coach mo kapag di
ka nakakapag perform ng maayos sa game
kakatakas mo. You were the star player but
because of me, naapektuhan na ang tingin
sayo ng team at coach mo. Tinatawag ka
nilang irresponsible at may attitude
problem.
Even though you were very busy di mo ako
nakakalimutan. Di mo nakakalimutang
gawin ang duties mo as a boyfriend.
Despite na alam mong pag balik mo ng
quarters mabubulyawan ka. I appreciated
everything.
But I've realized, I have to make a distance
from you. Ayokong maging dahilan para
masira ang mga pangarap mo. Ayokong
maging dahilan para matanggal ka sa team.
Nandyan ka na eh. Konti nalang nasa tuktok
ka na. Mahal kita kaya ayokong sirain ang
mga bagay na nagpapasaya sayo.
Lumayo ako at gumawa ng excuse na hindi
naman totoo at yun ang may bago na akong
mahal. Di na ako ulit nakipag usap sayo.
But you were trying to get everything back.
You begged, you kneeled in front of me,
crying and asking me to come back. Sabi
mo kung ang dahilan ba ng pag alis ko ay
ang kawalan mo ng oras saken, handa kang
umalis sa team para ibalik lang lahat pero
tumanggi ako.
Iniwan kita ng walang salitang natanggap
mula saken. I heard how depressed you
were.
But now, look. You've really reached your
goal. I know you are very happy from
where you are now and I am very happy
too because I made a right decision.
Look, how famous you are. Team A.
Napapanood na kita sa UAAP. Hindi lang sa
TV. Pati narin live kaso ayokong mag pakita
sayo. Nahihiya ako eh.
Baka kasi magalit ka sakin dahil sinayang ko
ang anim na taon na meron tayo.
Natatakot din akong isipin na kapag nakita
mo ko dededmahin mo nalang ako.
Meron na kasing bagong nag chi-cheer
sayo. Meron ng bagong nag bibigay ng
inspirasyon sayo. Niyayakap mo pag tapos
ng laro.
Masakit.
Pero gusto kong malaman mo na kahit
halos dalawang taon na ang lumipas, ikaw
parin...
Ikaw parin ang MVP ng buhay ko.
at ako parin ang number one fan mo.
...The End ..
Story about isang girl na mas piniling lumayo di lang masira ang dream ni boy ...#Eyngel