Chapter 68

56 1 0
                                    

Pagmamahal

••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Naku! Ang cute cute naman ng apo ko, Marionne!" masiglang sabi ni Mama nang makita ang anak ko.

"Oo nga ate.. Grabe! Ang ganda ganda pa niya!" panggigil ni Maricon. Natawa naman ako.

Nakahiga ang anak ko sa crib nito. Nilalaro ang pacifier na nasa bibig niya. She's almost 10months old. Yeah, it's been two years. Kung itatanong niyo, kung nasaan ako? Narito pa rin sa Grenoble, France. Ngayon dumati Mama at Maricon kani-kanina lang galing sa Pilipinas. Natutuwa ako dahil matapos ang dalawang taon lang ay nakasama ko na sila.

"Manang Liz, pakidala naman po dito ung mga gatas..." ani ko sa katulong na naroon.

Matapos kong manganak ay nakahanap ako agad ng trabaho. Pero siyempre hindi ko napapabayaan ang anak ko. Home work kasi ang trabaho ko. Nagpipinta lang ako ng mga maisip ko saka ibibigay sa mga supplier na kumuha sakin bilang painter. Filipino rin sila kaya hindi ako nahirapang mag-adjust. Natuwa sila sa mga painting ko kaya hindi na nila ako pinakawalan matapos ko sabihing mag-pofocus nalang ako sa anak. Hindi sila pumayag kaya mas tinaasan pa nila ang sahod ko. Hindi naman na ako tumanggi dahil nakakatulong din talaga iyon sa pangangailangan namin ng anak ko.

Si Vladd naman ay umuwi muna sa Pilipinas. Ewan ko kung bakit siya umuwi. Mga 5months palang ang baby ko ng umuwi siya ng Pinas. Mayroon nanaman daw siyang aasikasuhin. I doubt kung work-related ba un. Kasi parang babae eh. Ewan.

Naging maganda ang buhay naming mag-ina rito. Sa tulong na rin ni Vladd. Okay kami ni Vladd. Maayos kami, alam kong wala na sakanya ang something na nararamdaman niya sakin noon. We're open now, alam ko meron siyang babaeng kinahuhumalingan sa Pilipinas. Minsan nga nahuhuli ko yang may kausap sa telepono tapos kilig na kilig siya. Parang tanga pero masaya ako sa kanya ngayon.

"Kailan ba ang binyag nitong apo ko?" tanong ni Mama nang binuhat ang bat sa crib.

"Isasabay ko na sa 1st birthday niya, Ma. At........
......
....
Sa Pilipinas po gaganapin iyon..." kako. Nagulat si Mama.

Oo, nagdesisyon akong sa Pilipinas na siya binyagan. At doon na rin manirahan.

Nakabili ako ng condo unit sa Maynila gamit ang perang naipon ko rito sa France. Malaki-laki rin iyon kaya nakapagpundar ako at nakapag-ipon na rin sa future.

Sa ngayon ay okay na ako. Okay na lahat. Wala ng sakit, poot at galit na nararamdaman dito sa puso ko. I can say that I totally get-over with it. At handa na rin akong ipakilala ang anak ko sa kanyang ama.
Brayden.

Kumusta na kaya siya? Maayos kaya ang lagay niya? I'm sure he is. May pamilya na rin kaya siya? I hope, wala. It's been 2 years at alam kong marami ng nagbago. Sana hindi ang pagmamahal niya. Hay.

Binaba ni Mama ang baby saka ako niyakap. "Masaya ako sa desisyon mo anak..." ngiti ni Mama. Tumango naman at ngumiti rin.

"Ate, ano na nga ulit buong pangalan niya? Ang hirap kasi i-spell eh.. Ipopost ko sana sa fb" sabi ni Maricon matapos kuhanan ng picture ang baby ko.

"Brienne Mireia" sagot ko.

I named her with the initials of his father.. Napapangiti ako habang tinitignan ang anak ko. Napakaganda niya. Kamukhang-kamukha niya ang kanyang ama. Buhok ko lang ang nakuha nito. Wavy at kulot ang buhok niya. Ang tangos ng ilong, kilay, labi at mga mata niya ay galing kay Brayden. Lagi kong nakikita ang mukha ni Brayden kay Brienne kaya hindi ako ganoon nangulila.

.
.
.

"Manang Liz, pakiayos naman po iyong gamit ni Brienne.. Nasa sasakyan na po ba?" tanong ko habang karga-karga ang anak ko. Si Mama at Maricon ay busy sa paglalagay ng mga gamit sa sasakyan. Papunta na kami ngayon sa airport para umuwi sa Pilipinas.

Mabilis lang lumipas ang 2 buwan na bakasyon nila Mama kaya naisipan ko na rin na sumabay na sakanila. Nagpaalam naman na ako sa pinagtatrabahuan ko tungkol sa paguwi namin ng Pinas. Pinangako ko namang ipagpapatuloy ang pagsusupply sakanila ng paintings kahit nasa Pinas ako. Pumayag naman sila at sumang-ayon na rin sa desisyon ko.

"Opo Ma'am Marionne. Nasa sasakyan na po kanina pa" ani Manang Liz.

"Anak, wag kang ma-tense... Maayos na ang lahat..." ka-ni Mama sabay tawa.

Yes. I looked so tense. Ewan ko ba. Parang naaaligaga ako sa katotohanang pauwi na talaga kami sa Pinas. I texted Vladd kanina tungkol sa pagsundo saamin kahit 15hrs pa ang biahe namin sa Airplane ay tinext ko na talaga siya. Baka makalimutan niya eh.

"Pasensya na Ma..." napangiti ako. "Yung crib ni Brienne? Nadala ba? Baka makalimutan hah..." paalala ko nanaman.

"Anak, okay na lahat. Wag ka ng mataranta..." sabi nanaman ni Mama.

"Oo nga Ate.. Ang sarap mong picture-an..." tawa pa ni Maricon. Tinapunan ko lang siya ng tingin.

**

Habang nasa biahe kami ay puro masasayang alaala lang ang pumapasok sa isip ko. Napapangiti ako habang tinitignan si Brienne na ngayon ay nakatitig saakin. Kami lang ang gising. Sa tabi ko, si Mama na nakapikit, samantalang tulog naman si Maricon at Manang Liz sa kabilang upuan.

"Hi baby!" kako kay Brienne. Nilalaro-laro ko pa ang mga daliri niya.

Lumapad ang ngiti ko ng humagikgik siya. Omy daughter! Nilaro-laro ko nalang siya, hindi rin naman siya matutulog dahil masiglang masigla siya. Excited din ata ang anak ko.

"Excited kana ba anak? Uuwi tayo sa Pilipinas. Makikita mo na kung saan lumaki ang Mommy mo...."

Humagikgik si Baby Brienne, natawa nalang ako sa ekspresyon niya. Siya ang nagbibigay inspirasyon saakin. Binuo niya ang pagkatao ko. Minsan talaga, akala mo lalaki lang ang makakabuo sa pagkatao mo. Na siya yung magbibigay ng saya at galak sa buhay mo. Na sa kanya ka lang dedepende para maging masaya. Pero hindi pala. Feeling ng pagiging ina ang pinakamasarap sa lahat. Makita mo lang ang anak mo, nawawala na agad ang galit, pagod at kung ano pa sayo. Makita mo lang siya wala na lahat ng masasamang nangyari sa buhay mo. Parang iglap lang nawawala iyon kapag dumating na ang anak mo. At iyon ang nararamdaman ko ngayon.

I can say that I owe my life to my child. Na kapag wala siya, ay wala ring saysay ito. Na magkakaroon lang ng buhay kapag nariyan siya. Iyon ang totoong pagmamahal. Pagmamahal ko sa anak ang siyang nagtulak sakin kung paano maging matatag at lumaban sa buhay. Nagpapasalamat ako dahil ibinigay ng Maykapal si Baby Brienne.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon