This chapter is for LonesomeDreamer. Thank you so much for supporting this story.
Pagpasensiyahan niyo na po ang nakayanan ng utak ko.
Enjoy!
=============================
CHAPTER 22
“Good morning, pa,” bati ni Mikay sa ama nang sumunod na araw. Humalik siya sa pisngi nito bago dumulong sa hapag-kainan.
“Hello, hija. Kamusta na ang pakiramdam mo? Ba’t parang namumutla ka yata?” tanong nito matapos siyang titigan ng mataman.
Nagpanggap silang bagong magkakilala ni Gino the whole time kagabi. She was throwing dagger looks at him from across the table habang naghahapunan sila, pero parang hindi man lang ito natinag.
Hindi na niya kinaya pang makipagplastikan, kaya she made up a headache as an excuse to retire to her room early. When she finally made it inside, she locked the door and cried her eyes out. Napansin pa tuloy ng papa niya.
“I’m okay, pa. Medyo masakit pa rin ang ulo ko but I’m fine,” palusot naman niya.
“Sigurado ka? You don’t have to go back to work right away, you know.”
“I’m sure. I need something to keep me busy, since ayaw niyo namang ako na mismo ang mag-alaga sa inyo. Mababato lang po ako rito sa bahay.”
“O, sige. Ikaw ang bahala,” sa wakas ay pagsang-ayon na lamang nito.
Minadali na niya ang pagkain. Nakaalis na ang kuya niya kaya sila na lamang ng ama ang magkasabay na nag-almusal.
“So, what did you think about Gino?” biglang tanong ng papa niya.
Bahagyang nasamid si Mikay at hindi malaman ang isasagot rito. “H-he’s… H-he’s okay… I guess.”
“Yun lang?” pangungulit ng papa niya.
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
FanfictionPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...