"Parang hindi ka naman kumain ng ilang araw sa dami ng binili mo, Odessa." hindi ko pinansin ang sinabi ni Eyrone at sinunggaban ang malaking burger na pang dalawang tao ang size. I'm craving for more. Nakaubos na ako ng tatlong slice ng cake kanina at tatlong baso ng juice ngunit nagugutom parin ako.
"Sigurado ka ba na ayos ka lang? You puked a while ago. " sumimsim ako sa malamig na tubig bago sumagot.
"Nagutom lang siguro ako, Eyrone, at nakainom ako kagabi. Tapos hindi pa ako kumain kaninang umaga. I'm okay, really. Gutom lang 'to." ngumiti ako ng tipid at sinunggaban ang carbonara.
Hindi nagsasalita si Eyrone at nakakunot ang noong pinapanood ako habang kumakain. Hindi ako naconscious bagkus ay mas dinamihan ko pa ang sinubo kong carbonara. Wala akong pakialam kung mag mukha akong patay gutom sa dami ng kinakain ko. Ang gusto ko lang ay masatisfy ang tiyan ko. Naisip ko rin na baka maduwal nanaman ako pag nagkataon. Mailalabas ko rin ang nakain ko kung hindi kinaya ng tiyan ko.
"So many possibilities." napatigil ako at tinignan ng makahulugan si Eyrone. Napawi ang iniisip ko ng maamoy nanaman ang pabango niya. Binuhat ko ang plato ko at lumipat sa tabi niya na siyang kinagulat niya.
"What's your perfume?"
"Why? Mabaho ba?" inamoy pa niya ang kanyang damit ngunit tinawanan ko lang siya at suminghot. Ang bango talaga!
"Hindi. Ang bango nga, e, gusto ko niyan. Saan mo nabili?"
"Panglalaki ito, Odessa, hindi pwede sa'yo. What's wrong with your nose?" nagkibit balikat ako at siniksik pa ang katawan ko sa kanya.
Pansin ko ang pagsinghap niya ngunit nagpatuloy parin ako sa pagkain. Napapapikit ako sa tuwing nanunuot sa ilong ko ang amoy niya. Binitawan ko ang kubyertos at dinampi ang ilong ko sa leeg niya na siyang kinagulat niya.
"O-Odessa,"
"Eyrone, ang bango bango mo." nalaglag ang panga niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi at bumalik ng upo sa tapat niya. Ano ba ang mali saakin? Para akong naglalaway sa lahat ng bagay na mabango. Itong pagkain. Ang amoy ng cafeteria. Lalong na ang amoy ni Eyrone. Pinisil ko ang ilong ko at napailing.
"Ang weird ng mga kilos mo, Odessa. Hindi ko alam kung anong meron sa pabango ko. Dati ko na itong ginagamit pero ngayon mo lang na appreciate." nginisian niya ako at linaro ang daliri sa lamesa.
"There you two!" mabilis akong napatayo sa biglaang pagsulpot ni Ma'am Sylvia kasama si Shey na ngayon ay malapad ang ngiti sa labi. Inayos ko ang sarili ko. Kinagat ko ang ibabang labi ng makita nila ang mga pinagkainan ko.
"Tita, what's up?" ani Eyrone at pinanghila si Ma'am Sylvia ng upuan. Siniko ako ni Shey at hinila ako paupo sa tabi niya.
"Good afternoon po." tinanguan ako ni Ma'am Sylvia at tinitigan ang kinakain kong carbonara.
"Anyway, kanina ko pa kayo hinahanap."
"Bakit po? May iuutos po ba kayo?"
"No no no! Wala, Odessa." napawi ang kaba ko ng nginitian niya ako.
"Gusto ko kayong gawing model ni Eyrone para sa website ng resort. Aware ka naman sa balitang 'yon hindi ba, Odessa?" napaawang ang labi ko at binaling ang tingin kay Shey. Kinindatan niya lamang ako at humagikhik. Model? Kami ang gagawing model?
"Pumayag na si Eyrone since siya talaga ang gusto ko. Binabalak naming mag hire ng professional model pero sinuggest ka ni Shey. I like her idea and I adore your beauty, Odessa. Mapagbibigyan mo ba ang hiling ko?" tinignan ko si Eyrone na ngayon ay pinapanood ang reaksyo ko. Bakit ako? I mean, wala akong alam sa pagmomodel. Ni hindi ako mahilig mag picture at napapasama lang ako sa mga selfie nila Carmina.
BINABASA MO ANG
Everlasting
Fiksi UmumHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?