CHAPTER 51: FOLLOW
Xandra's POV
"Bakit ba natin sila sinusundan?" reklamo sa akin ni Kian. Magdadate kasi kami dapat nang makita ko si Nathan. At ayun ang dahilan kung bakit reklamo ng reklamo si Kian. Hinila ko kasi siya para sundan si Nathan hanggang sa nandito kami ngayon sa likod ng isang sasakyan.
Sinisilip namin sila Nathan at Zyrene na nagdadate."Tara." - ako
Hinila ko ulit si Kian para sundan sila Nathan. Sinigurado ko na malayo ang distansya namin sa kanila.
"Bakit ba natin sila sinusundan?" tanong ni Kian ulit. Kanina pa niya ako tinatanong niyan at kanina ko pa siya hindi sinasagot. Hindi ko rin kasi alam kung ano isasagot ko.
"Bakit ayaw mo kong sagutin?" - Kian
Hindi ko siya pinansin. Lakad lang ako ng lakad. Siya naman sunod ng sunod.
"Xandra!" - Kian
"O?" - ako
"Bakit ba natin sila sinusundan?" - Kian
Paulit ulit lang? Unli? Unli?
"Xandra." - Kian
"....." - ako
"Xandra!" - Kian
"....." - ako
"XAND--hmmp" - Kian
Hindi niya natuloy yung pagtawag niya sa akin. Tinulak ko kasi siya sa gilid. Napasandal siya sa pader tapos tinakpan ko ung bibig niya.
Kamuntik na kami doon ah!
Bigla kasing lumingon si Nathan. Ang ingay kasi ng kasama ko. Tapos isisigaw pa sana niya pangalan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ba ang ingay mo? Kamuntik na tuloy tayo makita." - ako
Inalis ko na yung pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. Lalabas na sana ako nang hilain niya ako at ako naman ung sinadal niya sa pader.
"Saan ka pupunta?" - Kian
Nilapit niya mukha niya sa akin.
"Susundan sila." - ako
Titig na titig siya sa akin habang palapit ng palapit siya. Naiilang tuloy ako.
"Bakit?" - Kian
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS GANGSTERS (UNDER REVISION)
Teen FictionDalawang taong nagmahalan sa nakaraan... Nagkahiwalay ng dahil sa isang pangyayaring naganap... Dahil din sa isang pangyayari... Nagkita sila muli sa kasalukuyan... Magkakasama kaya silang muli?? o Tuluyan na silang magkakahiwalay?? Ano kaya ang ma...