Panimula

82 2 0
                                    

Panimula. Simula. Start. Beginning. Empezar. Démarrer.

Simula. Pinakamahirap sa lahat, ang panimula. Mahirap magsimula dahil mauutal ka. Nauutal ka sa harap ng nililigawan mo kasi di mo alam paano mo sya sisimulang yayaing lumabas at magkape sa Starbucks (tutal magpapasko na naman at nag iipon ka din ng stickers para sa planner). Nanginginig ka sa harap ng Nanay mo kasi do mo alam kung paano mo sisimulang sabihin sa kanya na bumagsak ka na naman at kailangan na namang mag summer, dahil in the first place, hindi mo naman talaga gusto ang kursong Nursing. Idagdag mo pa kung paano mo sasabihin na sya na lang ang mag nursing tutal sya ang gustong mag-abroad.

Tulad nito. Simula. Di ko alam kung paano mo sisimulang gumawa ulit ng istorya. Paano ko ba sisimulang ipunin at isulat ang mga karakter na minsan ng tumakbo sa isip ko habang naglalaba, habang naglilinis ng bahay, habang nasa byahe, habang nasa banyo, habang naghihintayy ng bus papasok sa opisina, habang nagda-dubsmash si Alden at Yayadub. Buti na lang sinasamahan ako ni Justin Bieber sa background.

Sana kung sino mang magkainteres basahin ang mga istorya ko, may matutunang makabuluhan, maiyak o matawa. Sana makiliti kayo sa mga karakters at kiligin.

Tara, ito na ang simula.

***Ang story # 1 ay kasalukuyan ng isinusulat. Konting pasensya lamang po. Maligayang pagbabasa.

PanimulaWhere stories live. Discover now