My Truth

15 1 0
                                    

When you smile
Your eyes
Show your heart
Lost inside
Im falling apart
Something tells me
This time its real
The way that I feel...



" magbihis ka na."


Awtomatikong napalingon si Wendy sa kuya niya. Nakabihis na ito. Casual jeans at polo. Suot din nito ang converse shoes at napasimangot siya.


" may lakad ka?" Tanung niya dito habang inaayos ang mga damit niya sa closet.


" tayo. May lakad tayo." Sagot nito at nilapitan siya.

Nakakunot noo na tiningnan niya ito.


" saan naman tayo pupunta?" Tanung niya at iniabot nito sa kanya ang ticket.


----------------------------------------
College of Engineering

We are presenting our masterpiece for our finals.

You are cordially invited!

time: 8pm
place: CE auditorium
-------------------------------------------



" kanino galing to?" Nagtatakang tanung niya sa kuya niya. Kahapon may kaparehas na ticket na nakasiksik sa locker niya. Tiningnan lang niya ito tapos itinapon sa basurahan.



" ipinadala sa opisina ko. " sabi nito habang inaayos ang sintas ng sapatos. " sabi ng guidance councellor niyo nung tumawag ako, diyan daw nakasalalay yung grades ng mga members ng college na yan. Kailangan nila na may umattend kundi babagsak sila at uulit sa subject na yan." Mahabang paliwanag nito. " umuo na ko. Wala din naman akong gagawin ngayon."



Napailing si Wendy. Ayaw niyang makita si Jae kung sakali. Siyempre nanduon ito dahil susuportahan nito ang mga kaklase at kaibigan.

Nakasalubong niya si Nick at Weng kahapon at nginitian siya ng mga ito. Yumuko lang siya. Kahit na matagal na ang nangyari sa pagitan nila ni Jae. Hindi pa rin niya ito binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Kahit si Nick na nagtangkang kausapin siya, iniwasan niya din.


Magtatapos na sila in a week. Napapayag siya ng kuya niya na unattend ng graduation ceremonies dahil inindyan daw niya ang highschool graduation niya. Ayaw naman niyang ipagkait sa kuya niya ang makitang tinatanggap niya ang diploma niya. Alam niyang proud na proud ito sa kanya.


" come on huwag mong sabihin na apektado ka pa din sa classmate mo." Tila nang aasar na sabi nito. Nagsalubong ang kilay ng kuya niya ng makita an expression niya.


" gusto mo bang sapakin ko ang Jae na yon ha Wendy? Kung hanggang ngayon ganyan ang pakiramdam mo dapat sinabi mo agad. " napakuyom ang kamao nito at nahintakutan si Wendy.

Inilihim niya dito na sobra siyang nasaktan sa ginawa ni Jae dahil nagbanta ang kuya niya na bubugbugin si Jae. Nasuntok ng kuya niya si Jae,ayon na rin kay manang, nang kausapin nito ang kuya niya.


" hindi ah..." Pagsisinungaling niya saka pilit na ngumisi. " pwede ba kuya. Hindi ko siya pag aaksayahan ng panahon."


Tinitigan muna siya ng kuya nuya bago ito marahang tumango. Ngumiti na rin ito. " magbihis ka na. Kakain tayo sa labas pagkatapos."


Hinintay siya ng kuya niya sa living room. Nagsuot siya ng simpleng jeans, shirt at rubber shoes.

" magpalit ka. Mag dress ka. " sabi ng kuya niya. " kakain tayo sa labas di ba? Baka isipin ng mga tao, kasama kong yaya ko." Dugtong pa nito.


" grabe ka naman kuya!" Naiinis na sabi niya pero nagpalit pa din siya ng damit. Off white na sundress ang suot niya. Hanggang tuhod at tinernuhan niya ng brown na sandals.





Hindi puno ang auditorium ng dumating sila. Kawawa naman ang mga estudyanteng ito. Naisip ni Wendy. Baka umulit pa next semester. Mag aalas otso na nuon at umupo sila ng kuya niya sa may unahan malapit sa isle.


Maya maya pa nagdilim na ang paligid at nag umpisa ang palabas. Maganda ang lead actress at gwapo naman ang actor. Napangiti si Wendy sa panunuod, paano bukod sa kapangalan niya ang character sa dula, naalala niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Jae nuong mga bata pa sila.

Pati ang setup at kagaya ng puno sa tapat ng bahay nila Jae. Binigyan ng actor ang actress ng chocolate at natawa siya sa reaksiyon ng babae.

Hinampas nito ang actor pero kinain din naman ang chocolate pagkatapos.

Nagumpisa siyang kabahan ng makita niya ang sumunod na scene. May hawak na manila paper ang babae at pinunit iyon. Maya maya pa nagsagutan ang mga lead at matapos hampasin ng babae ang lalaki, hinalikan siya nito. Nagtatakbong umiyak ang babae palayo naiwan naman ang lalaki na nakatulala.


Tila lumipad ang utak niya pero nakatutok pa rin siya sa palabas sa stage. Nakita nyang naghintay ang lalaki sa classroom pero nabigo ito na dumating ang babae. May dala itong isang pumpon ng bulaklak para party kinagabihan pero hindi rin dumating ang babae.

Nakungkot ito ng malamang umalis na pala ang babae at hindi na siya nakahingi ng tawad.

Napalingon siya sa kuya niya ng magpaalam ito na mag c cr.

Pagbalik ng tingin niya sa stage, nakita niya ang babae na iba na ang hitsura kesa kanina. Mukha itong manang at palaging nakayuko.

Nanginginig ang kamay niya. Hindi siya maaaring magkamali! Kwento ng pangyayari sa kanila ni Jae ang nasasaksihan niya ngayon!


Tumulo ang luha niya sa parteng nalaman ng babae na pinagpustahan ito. Parang bumalik ulit siya sa nakaraang mga buwan. Pati ang pagkompronta sa kanya ni Weng sa library ay kasama sa kwento.

Napatanga siya ng makitang umiiyak ang lalaki at inaalo ito ng kaibigang Nick ang pangalan. Tila may sumundot sa puso niya. Kung pagbabatayan ang dramang pinanuod niya at ibabase sa nangyari sa kanila, mukhang may dapa siyang ihingi ng tawad kay Jae.


Nagulat siya ng ipakita ang pagyaya ng kapatid sa babae na manuod ng palabas at ang pag paalam ng kapatid nito na mag c cr.


Bahagyang nagdilim ang paligid. Nanlaki ang mata niya ng lumabas si Jae sa stage.


Nakatingin ito sa dako niya at bahagyang lumiwanag sa tapat niya. Nakatuon lang ngayon ang liwanag sa kanila ni Jae.


" Wendy." Sabi ng baritonong boses nito na bahagyang nanginginig. " alam ko na galit ka sa akin. Naisip mo siguro na napakasama kong tao pagkatapos ng nangyari, pero... Ito lang kasi ang naisip kong paraan para malaman mo ang totoo. Yung pustahan, parte yun ng skit na ginawa ko. Balak sana kitang yayain na manuod kapag ipinalabas na iyon sa auditorium." Napasuklay ito sa buhok gamit ang kamay. Isa sa mga gestures ni Jae kapag kinakabahan.


" I made that skit in hopes na makapag sorry sayo. Sobra kitang nasaktan at nung nakita kong nagbago ka dahil duon, nainis ako sa sarili ko. I vowed to get back the old you and I succeeded, kaso nasaktan na naman kita unknowingly. And Im very sorry Wendy."

" I just want to prove that I have changed at sana, patawarin mo na ako. I cant bear seeing you so sad. I cant bear being so far from you. "

Lumuhod si Jaejaoong sa stage.
" please forgive me. Wendy. I...
I love you..."

Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon