n i n e

59 4 1
                                    

Brieanne's POV


Pagkatapos kong ilabas ang sama ko ng loob sa garden ay nagtungo ako sa CR para ayusin ang sarili ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Sobrang maga ng mga mata ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sabi ko hindi na ako papaapekto pa sa mga bagay na nagpapa-alala sa kanya pero nagkamali pala ako.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga't inayos ko ang sarili ko.

"Be brave. Act like nothing happened. Come on Brieanne, come back to your senses." bulong ko sa sarili ko't tinapik-tapik ko ang pisngi ko.

Nagpakawala ako ulit ng isang buntong-hininga bago ako lumabas ng CR at bumalik ako sa classroom namin.


**


"Hoy Brie! San ka ba nanggaling ha?" salubong sa akin ni Jia't nakakunot ang noo nya.

"Umiyak ka ba?" usisa naman ni Jacque sa akin pero nanatili lamang akong tahimik at tinignan lamang sila.

Lumapit sa akin si derp ng nakayuko. Anong problema ng isang to?

"I-I'm sorry." nabigla ako sa sinabi nya.

"Why are you saying sorry?" tanong ko sa kanya.

"F-for singing that s-song. Hindi ko sinasadya. Pasensya na. Sabi ko pa naman I'll prove to you that I'm deserving to be your friend but-----" pinutol ko ang sasabihin nya sa pamamagitan ng pagpitik ng tenga nya.

"Stop talking. Apology accepted. Ang drama mo tsk." malamig na sabi ko't umupo nalamang ako sa upuan ko.

Sinundan naman nila ako't umupo na. Nailang ako bigla dahil nakatingin silang tatlo sa akin.

"Stop staring. It's rude." malamig na sabi ko sa kanila pero nginitian lang nila ako. Ugh.

"Uy Brie. You okay?" tanong ni Jia't nagkibit-balikat lang ako.


Napatingin ako kay derp at napansin kong namumula nanaman ang mga tenga nya. Hindi ko alam kung anong dumating sa akin at bigla ko nalang piningot yung isa.

"Aw!" daing nya pero nginitian ko lang sya ng tipid.

Narinig ko namang nagtawanan sina Jacque at Jia dahil sa ginawa ko at dahil na rin siguro sa reaksyon ni derp.

Inirapan ko sila't nanahimik ako ulit. I'm getting weird these days, really.

"Uy sungit." rinig kong tawag sa akin ni derp kaya naman humarap ako.


*pitik*


"Aw!" daing ko dahil ang sakit ng pagkakapitik nya sa akin sa noo. Narinig ko nanaman ang nakakainis na tawa nina Jia't Jacque.

"Anong meron sa inyong dalawa't ganyan ang ginagawa nyo?" tanong ni Jacque habang nagpipigil ng tawa.

"Oo nga. Para kayong mga sira e." dagdag pa ni Jia sa sinabi nya.

"Bagay talaga kayong dalawa." komento ko naman na nagpatahimik kay Jacque. Si Jia naman, inirapan lang ako. Ngayon naman, si derp naman ang tumawa.

"Hoy derp, ang pangit mong tumawa." komento ko sa kanya't nagulat sila bigla.

"Derp?" sabay-sabay nilang tanong.

"Yes why? Mukha syang derp. Ang pangit nyang tumawa." sabi ko sa kanila't inirapan ko sila.

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon