Twelve

21 0 0
                                    

Ilang araw ng nakalipas yun. The kiss. It felt heaven, it tasted heaven.

"Oh? Ngumingiti ka na naman? Ano bang nangyayari sa'yo anak?" Pangungutya ni Mom. Pero di ko na lang siya pinansin.

"Ay, Mommy. I have something to tell you! I've seen kuya sneak out la-. " pagsusumbong ni Dale. Agad kong yinakap at tinakpan ang bibig niya.

Bwisit na bata, nahuli pala akong umalis last week...

"Hay nako, ang hilig talaga gumawa ng kwento ni Dale. " sabi ko at kinarga siya.

"Anong sinasabi ng kapatid m-"

Naputol lang yung sinabi ni Mama nung narinig niya ang pangalan ni Rian.

"Arianna Bette... Salutatorian of Class 12A "

Napatingin din ako. She looks extra pretty today. Namiss ko siya, ilang araw din kaming hindi nagkita. Dahil sa hiya ko at kaba. And especially I was preparing for the surprise.

Napangiti ako, sana magustuhan niya yung surprise ko...

Yes, I know I'm a coward. Matagal ko na siyang gusto pero dinaan ko pa sa mga bulok na pag-papansin. Pero bakit nga ba ngayon lang ako aamin? Siguro nakaipon na ako ng lakas ng loob?

And i don't care if hindi ako mahal ni Rian, i will persue her. Hindi niya PA ako mahal. Kaya ko nga liligawan para mahalin niya rin ako. Bwisit! Ang bading talaga...

Pinalipas ko na yung oras hanggang sa natapos na ang seremonya, naka akyat na rin ako ng stage. And yes, Graduate na ako. Agad ng hinanap ng mata ko si Riam at nakita kong nakikipag yakapan pa siya sa mga kaklase namin. Pero humarang si Mom sa tinitignan ko.

"I'm so proud of you, nak. " sabi ni Mom at yinakap ako. Nagpayakap na lang ako at hindi na nagreklamo. Kahit awkward, hinayaan ko lang. "Anak, nakaset na ba lahat sa gagawin mong surprise kay Rian? " Masaya niyang tono nung kumalas siya ng yakap sa akin.

"Oo nga Mom, tsaka wag ka ngang maingay. Mamaya may makarinig sa'yo dyan, hindi na matuloy ang surprise ko. " nakasimangot kong sabi.

Yes, they knew about my surprise. I told you, Privacy is not allowed in our Family. They found out awhile ago, dahil sa mga ginagastos ko sa credit cards ko, nakikita nila ang account ko. Kaya ayun, nalaman nila. Inamin ko na rin dahil wala naman na akong magagawa e.

Nakita kong nakangiti si Mom tapos pinahid ang tumakas na luha sa mata niya.

"Ang baby boy ko, big boy na talaga. Seryosong-seryoso na talaga sa liligawan niya.  " Madrama niyang sabi.

I just rolled my eyes, because if I knew better we are already attracting people.  Ang lakas ng boses. Nakakahiya!

"Love, lower your tone. " bulong ni papa kay mama. "Sige na, mauna ka na. Ako ng bahala sa abnormal mong nanay. "  Sabi sa akin ni Dad. Hinampas naman ni Mommy si Dad sa braso ng  malakas.

Umalis na rin ako dahil baka kung ano pang sabihin ni Mommy. O baka humagulhol na yun, di ko alam baka senior moments lang niya yun o menopausal lang...

Agad na akong umakyat sa rooftop kung saan ko gaganapin ang surprise ko para kay Rian. I hope she'll like it.

Pagkapasok ko, bumungad agad sa akin si Cindy. Siya rin ang nag-plano at tumulong sa akin ayusin ang  surprise ko.

Linibot ko muna ang tingin ko para icheck kung ayos na lahat.

"It seems like everything is ready. " kinakabahan kong sabi.

Mahal kita Noon, ANYARE NGAYON?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon