Chapter 14

1.8K 12 1
                                    

(Sabra's POV)

Hindi ko namalayan ang oras at nakaramdam na ako ng gutom.

Nakatulog din pala ako. Kulang talaga kami ngayon sa tulog dahil sa spongebob na yun.

Minulat ko na ang mga mata ko.

Putcha!

Ayaw ko sa posisyon namin!

Putcha! Putcha! Putcha!

Nakahiga ako sa braso ni John na nakahawak sa bewang ko at naka-akap yung kamay ko sa dibdib niya.

Yung. Labi niya, nakalapat sa noo ko.

Sinubukan kong kumawala pero ang higpit ng pagkakayakap niya sakin.

Hinawakan ko yung leeg niya.

Bumalik na yung normal na temperature niya.

"John."

Tinapik-tapik ko yung pisngi niya.

"John."

"John, gumising ka."

"Sabby..."

Sa sinabi niyang yun, niyakap niya pa ako ng mahigpit.

"John. Bitaw na."

Hinalikan niya yung noo ko.

May pahalik-halik pang nalalaman tong bwisit nato!

Bwisit. Hindi ako sweet na tao at kung naging sweet man ako, dun lang sa ex ko ako naging sweet!!

"Aray, Shabby!! Mashakit!!" Hawak-hawak niya yung kamay ko na pinipisil ang ilong niya.

"Sabing bitaw na eh."

Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sakin.

Tumayo ako sa kama at inayos yung buhok ko na naka-bun.

"Hoy, John! Okay ka na! Labas ka na!!"

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Sabby, let's sleep. I wanna sleep with you. Let's sleep together." Sabi niya na parang antok na antok.

Pinalo ko yung kamay niya.

"Wag ka nga! Sleep sleep! Sleepin mong mukha mo!"

Lumabas ako sa kwarto. Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa stove.

Nabwi-bwisit talaga ako.

Bakit ba kasi pumayag ako na tabi kami matulog?!?!

"Huy!!"

"Pakyu ka talaga John ka!!"

Hinimas ba naman yung bewang ko. Ambastos!!

"Hahaha! Sorry!"

Pumunta siya sa sala at binuksan yung laptop niya.

Bahala siya! Basta ako, magluluto na!

Habang busying-busy ako sa pag-aayos ng lamesa, sumigaw ng malakas si John.

"SAAABBBYYY!!"

"Ano?!"

"Tignan mo toh!"

Napatakbo naman ako sa pwesto niya.

Tinuro niya yung picture sa laptop niya.

~~ Sabra kissing Harris, the hottest guy from the engineering department. ~~

Yun yung description ng picture.

30,000 likes. 25,000+ comments. 3000 shares.

Ganyan na ba talaga ako kasikat?

Bwisit naman!!

Hindi naman ako celebrity para ganyanin nila!

Mga walang magawa!!

Peck lang naman yun pero sa kumuha ng picture, parang halik talaga siya.

"Diba sabi ko bawal ka makipag-relasyon?"

"Huy! Hindi ko syota yan!" Sabay turo sa laptop niya. Tinusok-tusok ko talaga yung screen ng laptop niya para masira.

Hinawi niya naman yung kamay ko.

"Bat may pa-kiss kiss ka dyan?!"

"Aba! Wala ka na dun! Basta hindi ko syota yang taong yan!!"

Tinalikuran ko na siya dahil wala rin namang pupuntahan ang pinag-uusapan namin.

Nagpatuloy na akong magluto ng hapunan namin.

"Sigurado ka bang hindi mo syota yun?"

Sabi niya habang papalapit sakin.

"Bat naman ako magkaka-syota? Eh ayaw ko nga! Alam mo? Ang tigas ng mukha mo---ARAY!!"

Nahiwa ko yung daliri ko habang hinihiwa yung sibuyas. Napaka-daldal kasi nitong isa eh.

Lumapit naman siya agad sakin at sinipsip niya yung daliri ko.

"Akin na yung kamay ko." Sabi ko ng mahinahon.

Hindi niya ako pinakinggan at tuloy pa rin sa pagsipsip sa dumudugo kong daliri habang tinitignan lang ako.

Mga ilang segundo siguro ang nakalipas bago niya tinigilan yun.

"Tignan mo yung kamay ko oh!! Sinipsip mo lahat ng dugo!!" Dinuro-duro ko sa kanya yung nahiwa ko.

"Ang sarap kasi ng dugo mo eh."

"Yuck," sabi ko.

"Yuck? Masarap siya and I think I want more of your blood,"

Inilagay niya yung magkabilang kamay niya sa counter para hindi ako makagalaw.

Papalapit na yung mukha niya sakin.

"Kailangan kong magpasalamat sayo dahil ikaw yung nag-alaga sakin."

Bwisit ka talaga JOHN!!

Humanda ka pag ako'y nakawala dito!!

Ibi-nend niya yung ulo niya at lumapit pa sakin.

Napasinghap ako.

Nararamdaman kong malapit na niyang halikan yung leeg ko. Nararamadaman ko na yung init ng hininga niya.

Pumikit ako. Wala na talaga akong kawalan.

*tok tok tok*

Nagulat kaming dalawa. Tinignan lang namin yung isa't-isa.

*tok tok tok*

"John!! Si James toh!!"

*TOK TOK TOK*

Lumalakas ang pagkatok.

Umalis na siya at pumunta sa pinto.

"Tsk, distorbo." Sabi niya ng mahina pero narinig ko pa rin.

Distorbo?! Baka distorbohin ko siya pag ako'y namatay!!

Bwisit!! Muntik na yun!

Manyak ka talaga kahit kelan, John!!

_________

A/N: WOW!! Salamat sa mga nag-pray, kung meron man. Hahaha!! Nanalo ako!! Palakpakan!!

Dedicated pala kay @chyla28 dahil nakakakilig siya. Inilagay niya toh sa reading list niya under "FAVORITES." Ohdiba?? Ang bongga niya? :')

I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon