(John's POV)
Bwisit na James na yan!!
Andun na ako eh!
Hindi na siya pumalag eh.
Nararamdaman kong gusto niya pumalag pero naunahan siya ng kaba. Ahihihi.
Sorry, Sabby. Joke lang naman yun eh. Hindi naman kita hahalikan eh.
Binuksan ko ang pinto.
"John! Pare!" Lumapit siya sakin para yakapin ako pero pinigilan ko siya.
"Anuba JAMES!! Umalis ka nga!"
"Grabe ka naman. Ang bastos mo talaga!" Sabi niya sabay sapok sa ulo ko.
Pumasok siya sa unit ko.
Naku! Baka makita niya si Sabby.
Kung manyak ako, mas, mas, mas, mas manyak toh si James.
"Matagal-tagal na rin ako hindi nabisita dito ah."
Inilibot niya yung tingin niya sa unit ko. Kabarkada ko si James. 24 yrs.old pa yan pero may sariling kumpanya na. Big time pero alang serious lovelife.
"Pre, pwede bang umalis ka na?" Binuksan ko yung pinto para umalis na talaga siya.
"Ayaw ko nga! May sasabihin pa ako sayo eh."
"Ano ba yung mabango? Ang bango naman ng niluluto mo!" Habol niya.
Dumiretso siya sa kusina.
Naku!
Ito na nga yung sinasabi ko!!
Sinundan ko siya.
"Ambango naman ng nilu--- uy! Hi, miss!!"
Tinignan lang siya ni Sabby.
Lumapit si James sa kanya.
"Hi, miss. Ako pala si James. Kabarkada nitong si John. THE owner of THE Mariano group of companies." Iniabot ni James yung kamay niya pero hindi ito iniabot ni Sabby.
"Pake ko?" Tapos tinalikuran na siya.
Hahahaha!! Napapatawa tuloy ako sa isip ko. Grabe yung pag-introduce ni James tapos yun lang yung nakuha niya.
Napakagat ng labi si James habang tinitignan yung palad niyang hindi iniabot ni Sabby. Nahiya ata.
Ang maldita talaga! Pero mas okay na yun.
Hinila ko si James sa sala.
"Huy, John. Sino yung hot na babae dun? Grabe! ang hot pare!! Ikaw ha! May ka-live in ka na?"
"Huy! Hindi ko yung ka-live in! Pinatira ko lang dito. Naawa ako eh."
"Naawa daw!! Wag kang magmalinis, John!! Kilala kita! So ano? Magaling ba yun sa kama, John? Ano?"
"ANG BASTOS MO TALAGA!!" Sigaw ko.
Naisuklay ko yung daliri ko sa buhok ko. Kailan ba toh aalis?! Hindi naman ako ganyan. Virgin pa ako kahit lalake ako noh!
"Hinaan mo nga yang boses mo. OA rin ang reaction mo eh. Sino nga yun?"
"Wala! Wala kaming relasyon!! Ano ba yung pinunta mo dito?"
"Ay, oo. May party ang magbarkada ngayong saturday."
"Tapos?"
"Dalhin mo yang girlfriend mo."
"Huy! Hindi ko yan girlfriend!!"
"Ohsige, dalhin mo yang asawa mo oh kung ano ba ang tawag mo sa kanya."
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
General FictionLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...