A/N: short chapter to show John's feelings. Hahaha!
Dedicated kay JosephineBorocVictor!! Ang co-cool talaga ng readers nito, lalo na siya. PROMISE!! Binanabasa niya pati yung ibang stories ko. Diba, ang cool niya? :D
_________
(John's POV)
Tinulak niya ako.
"Ahh, ehh. Matutulog na ako, John. Sorry and goodnight."
Tumayo siya at pumasok sa banyo.
I was dumbfounded.
Hindi ako makapaniwala sa nangyare.
Lumabas ako sa kwarto na nakatulala pa rin.
Umupo ako sa sofa habang iniisip pa rin yung nangyare.
Hindi pa siya na-aabsorb ng maigi ng utak ko.
Hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako.
Ang sarap ng halik niya.
Walang kapares yung halik niya.
Kung ang ingay ko ang dahilan kung bakit niya ako hinalikan, aba! Mag-iingay nalang ako habambuhay!
I still can't believe that she pulled me and let me kiss her passionately.
She's such a damn good kisser.
Puta!! But I didn't force her to open her mouth. She willingly opened it kaya I made the kiss deeper and more passionate.
Sana hindi ko nalang hinalikan yung leeg niya.
Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Oo! Ako na ang aggresive!!
Humiga na ako sa sofa.
Parang hindi ako makakatulog ng maayos ngayong gabi.
. . . . . . . . .
Pero mali ako. Ang sarap ng gising ko ngayon.
Palaging hindi maganda ang tulog ko dito sa sofa nato. Ang tigas tapos maliit pa.
Pinakamahabang tulog ko siguro ay limang oras at putol-putol pa, pero first time kong matulog ng 8 hours straight ngayon.
Good vibes lahat ang nararamdaman ko. Kulang nalang eh may magliliparang paru-paru sa harap ko sa saya ng gising ko.
"Good morning, John."
Napangiti ako sa nagsalita.
Tumayo ako agad sa sofa at lumapit kay Sabby.
Hinawakan ko yung bewang niya para mapalapit siya sakin at hinalikan siya sa pisngi.
Pero nagulat ako dahil sinampal niya ako.
"Aray! What's that for?!" Hinawakan ko yung pisngi ko. Ang sakit ng sampal niya.
"Bakit mo ako hinalikan?!" Naiinis niyang sabi.
Nakabusangot yung mukha niya.
"Akala ko okay lang."
"Pwes, hindi." Walang anu-anong sabi niya.
"Bakit?!"
"Anong bakit?!"
Napakamot ako ng ulo ko.
Hinalikan niya ako!! Hinalikan niya ako!! Pero ayaw niyang magpahalik!! She's the one who intitiated the kiss last night. Gaguhan, dre?! Sagutin niyo ako!
"John, kung iniisip mo yung nangyari kagabi. Ginawa ko yun para tumahimik ka. Okay? Wag masyadong feeling. Oh ito para hindi ka mabitin."
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pa-smack akong hinalikan sa labi.
Hinabol ko ang labi niya pero mas mabilis pa siya kay Flash kumawala.
"Pasok na ako, bye." Lumabas na siya sa unit ko.
Napalunok ako.
Hinawakan ko yung dibdib kong kanina pa nag-iingay.
Sabby!! Ano ba 'tong ginagawa mo sakin!! Naguguluhan ako!
BINABASA MO ANG
I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]
Tiểu Thuyết ChungLIVING WITH THE MAN YOU HATE THE MOST. Isang babaeng may madilim na nakaraan na ipinalayas sa kanyang bahay at kinupkop ng isang lalakeng ubod ng bait pero medyo manyak. Parang may mangyayaring hindi maganda. So, sit back, relax, and enjoy this stor...