Sneakers.
Loose shirt.
Pants.
Cap.
All clearPapunta nga pala ako ngayon sa mall kasama si Ashton.
Hindi kami magdedate.
Una, dahil hindi ko naman sya boyfriend.
Ikalawa, mas gwapo ako sa kanya. XDI'm Alexanda Marie, oh di ba? Babaeng babae pero hindi ako tulad ng ibang Maria na mahinhin dahil ako si Alex na mas astig pa sa lalake.
"Ang tagal mo Alex para kang babae!" Sigaw ni Ashton na walang habas na binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
Babae naman talaga ako eh. Pusong lalake nga lang.
Tatayo na sana ako sa kama ko dahil kataapos ko lang magtali ng shoe laces ko ng bigla akong pigilan ni Ashton.
"Sandali upo ka muna" utos nya
Umupo naman ako sa kama habang nakaharap sa salamin.
Umalis sya sandali at bumalik ng may dala dalang suklay at pampuyod.
Sinuklay nya yung buhok ko at pinuyod na din.
Kung hindi lang sya babaero, iisipin kong bading sya dahil marunong sya magponytail.
"Mainit sa labas, wag mong ilulugay-lugay yang buhok mo, manlalagkit ka sa pawis" sermon pa nya habang naglalakad palabas ng kwarto ko.
Humabol naman ako sa kanya habang isinusuot ang cap ko.
Fast forwad------->
Nandito kami ngayon sa Quantum ni Ashton at dahil sabado ngayon, as usual madaming tao. Idagdag mo pa ang lovers na holding hands dito, holding hands doon.
Kami naman, pustahan dito pustahan doon.
Kagaya ngayon, paramihan kami ng pagshoot ng bola dahil ang matatalo ay syang manlilibre ng meryenda namin.Matakaw ako. Matakaw din sya. Kaya siguradong mamumulubi ang matatalo at syempre hindi ako yun.
Dahil maingay kami habang naglalaro, paglingon namin sa likod namin andami ng nanonood.
"Para sayo to" sabi ni Ashton bago ishoot yung bola
Hindi nya sakin sinabi yun kundi dun sa babaeng nanonood samin na nakashort ng maikli
Hanep, mahilig talaga tong bestpren ko. Mahilig sa sexy.
Tipong tuwing makakashoot sya magpapalakpakan yung mga babaeng manonood
Tapos ako yung isang matandang lalake lang nakapansin sakin
"Ineng player ka ba ng basketball, ang galing mo naman"Oha! Dahil magaling daw ako sabi ni manong ako ang nanalo.
Tumingin ako kay Ashton habang nakangisi, sya naman nakangiti lang habang iiling iling.
Naglakad na ako palabas ng Quatum tapos may bigla nalang umakbay sakin,
Ay mali sumakal pala. Ang higpit eh"Bestpren, wag kang masyadong matakaw mamaya ha. Mamumulubi ako, walang pampagas. Ikaw rin, di tayo makakauwi" sabi nya habang nakaakbay parin sakin.
Sabi nya sabay taas baba pa ng kilay.
Nagkibit balikat nalang ako. Alangan naman sabihin kong oo eh hindi ko rin naman mapigilan yung sarili kong kumain ng madami lalo na pag alam kong libre.
Hulaan nyo kung anong inorder namin?
2 whole pizza+spaghetti+lasagna
Ganyan kami katakaw. Hindi kasi kasya pag isang pizza lang eh.
After nun umuwi narin kamo dahil kailangan ko pang mag aral ng law para sa quiz bukas :3
BINABASA MO ANG
oy bestpren!
Randomtypical story lang to. yung tipong maiinlove ka sa bestpren mo. maguguluhan ka sa una. itatago mo yung feelings mo. iiwas ka pero sa kanya parin bagsak mo. hindi mo nga lang alam kung handa ka ba nyang saluhin o hindi? isa lang akong babaeng nagbibi...