CHAPTER 24: Let Love Bloom In Their Hearts

546 28 0
                                    

GELOU

Kanina pa tahimik si Rhaeca na nakaupo sa tabi ko. Nakabusangot ang mukha at nakakunot ang noo. Mabuti nga't hindi pa dumadating si Gabby dahil tiyak na mas titindi ang galit na nararamdaman nitong katabi ko.

Nagsidatingan na ang iba naming kaklase kaya medyo umingay na ang classroom namin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Teo. Tulad ni Rhaeca ay nakabusangot din ito at kunot na kunot ang noo.

"Good morning," bati ko sa kanya nang umupo siya sa tabi ko. Bale ako iyong nasa gitna nila ni Rhaeca ngayon.

Tumango lang naman si Teo at inayos na ang mga gamit niya.

Tinitigan ko ang dalawa. Si Rhaeca ay wala sa mood dahil sa nalaman niya tungkol kay Gabby, eh si Teo...bakit kaya wala sa mood?

Bumukas ulit ang pinto at magkasabay na pumasok sina Gabby at Grael.

"Hi Gel, Rhaec! Good morning," nakangiting bati ni Grael sa amin ni Teo. Nginitian ko siya pero si Teo ayon...hindi man lang kumibo. Natigilan si Grael at saka niya nilingon si Teo.

Nginuso niya ito and she mouthed to me...“Anong nangyari diyan?”

Sinilip ko si Teo na nakasimangot pa rin. Muli kong tiningnan si Grael at saka ako nagkibit-balikat sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung anong problema ng dalawa.

"LQ?" bulong niya sa akin nang maupo siya sa may likuran ko.

LQ? Malabo.

Napailing ako. "Different reasons," sabi ko nalang. Hindi na naman nangulit pa si Grael at tumango nalang. Umayos na rin ito ng upo kaya muli ko nang naituon ang aking atensyon kay Teo.

Ano kaya ang problema nitong Teo? Baka nga ay nag-LQ talaga sila. Ano ba talaga ang nangyari dito?

Sinilip ko ulit silang dalawa. Tumahimik nalang ako nang hindi talaga sila nagsalita. Hindi rin naman makakatiis iyang dalawa, magsasalita din ang mga iyan mamaya.

The morning classes ended but the two never did talk to each other. Pagkatapos ng Experimental Design subject namin na siyang last subject namin sa umaga ay agad ko silang inaya na kumain.

"Rhaec, kain tayo," pag-aaya ko kay Teo. Nilingon ko rin sina Rhaeca at Gabby para ayain din silang kumain. Tumango naman silang dalawa sa akin. Nang tumayo na si Teo ay sabay na kaming lumabas ng silid na apat.

Habang pababa kami ng building ay bigla nalang tinawag ni Rhaeca si Teo.

"Teo," aniya ngunit hindi siya kinibo ng huli. Patuloy lang itong naglakad at hindi man lang siya nilingon. Naikunot ni Rhaeca ang kanyang noo at nagtatakang tiningnan ako.

"Anong problema nun?" takang tanong niya sa akin.

"Problema? Ewan ko," sagot ko at saka ako nagkibit-balikat. "Hindi ko rin alam eh. Kanina pa iyan ganyan. Wala ba kayong pinag-awayan kagabi?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad at sinundan lang namin si Teo. Si Gabby naman ay nakasunod lang din sa amin.

"Pinag-awayan? Wala naman ah. Ikaw nga ang huli kong kasama kagabi."

Oo nga no! Kami nga ni Rhaeca ang huling magkasama kagabi. Wala din naman silang napagtalunan noong hinatid namin si Teo pauwi. Ano kaya ang nangyari sa isang iyon?

"Tanungin mo kaya," suggestion ko. Wala namang mangyayari kung hahayaan lang niya si Teo nang ganyan. Malay namin ay may problema pala talaga siya at kailangan lang i-push para magsalita.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon