Nandito na kami sa last subject namin ang Home economics. Distracted padin ako dahil sa sinabi ni Prince. "I'm not done yet." Yun lang naman yung sinabi nya pero lakas ng epekto sakin.
"Baka gusto mong ishare samin ang iniisip mo, Miss Gonzales? Mrs Tan said.
"Haa? Ahh, ehh pasensya na po Mam. Yumuko ako, medyo napahiya ako dun ahh.
"Okaay girls, that's all for today. You can go".
Hinila na ko ni Rita sa paborito naming spot dito sa school. Sa garden. Umupo kami don, nagkaron ako ng peace of mind kahit konti.
"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Prince?"
Umiiling lang ako. Everytime na tinatanong ni Rita yun, di ko sya sinasagot. Ewan ko ba, Its been 4 years pero di ko padin tanggap hanggang ngayon na nawalan ako ng bff dahil lang sa mis- understanding. Huhuhu.
"Di mo ba ako pinagkakatiwalaan? 3years na tayong friends dba." Seryosong tanong ni Rita.
Napaisip ako, bakit nga ba di ko masabi sakanya? Siguro ito na yung time para I- ispluk ko na sakanya.
Bumuntung hininga muna ako, "Ganito kasi yun....
*flashback*
Best, kilala mo si Katrina?
Tanong ni Prince sa akin."Sinong Katrina? Daming Katrina sa earth no!" Pagsusungit ko, crush ko na kasi sya. Kainis.
"Yung bagong lipat sa tabi ng bahay nyo." Parang batang sabi nya.
"O napano?" Pagwa- walang bahalang sabi ko. Kahit naman may idea nako kung bakit nya to tinatanong.
Uhmmm.. ano kasi best..
Ano nga?! Sabi ko.Kainis to, nambibitin pa!
"Crush ko sya, baka pwedi mo naman syang gawing friend, para maging close kami." Sabi nya tapos nag pout sya.
Kainis, ang gwapo nya! Di ko maressist. Pero it hurts kasi naman nandito naman ako, yun pa naging crush nya! Tsk.
"Pano kung ayaw ko?" Pagsusungit ko.
Sge na best, please please? Papikit- pikit,pa with matching hawak sa kamay.
"Ano kapalit?" Sabi ko habang nakataas ang kilay.
Napangiti naman sya ng pagka- tamis tamis.
"Anything best."
To make the long story short, nakipagkaibigan nga ako kay Katrina. Maganda sya, mestisa, kasing red ng apple yung lips nya. Oo na, nasa kanya na ang lahat! Mabait naman sya kaso may pagka- bitchy side. Ayun naging close nga sila ni Prince. Si Katrina na nga halos kasama nun e! Kainis, nakakatampo. Naging close lang sila nakalimutan ng may best friend sya. Hanggang dumating yung araw na yun, yung araw na sinumpa ko.
Nakita ko si Prince sa swing, ang lungkot- lungkot ng mukha nya. He look screwed up.
"Uyy best! Problema mo? May namatay ba? Bat ang lungkot lungkot mo?" Singhal ko sakanya.
"Si Katrina kasi e.. Aalis na daw sya..
Grabe, ang lungkot nya as in. Eto yung pangalawang beses na nakita kong ganito si best. Yung parang pasan nya yung daigdig. Una kasi nung pumunta ng States yung Mommy nya. Pangalawa ngayon.
"O aalis lang pala, baka magmomall lang. Babalik din yun." Pagbibiro ko.
Bumuntung hininga muna sya, "Pupunta na daw sya sa Cali. For good. Bat ba lagi akong naiiwan ng taong mahal ko?" Prince said. A tear fell from his eyes.
Ayokong ganito si Prince. Hindi ko kaya.
"Sige, try ko syang kausapin. Wag ka munang umiyak jan, di panaman umaalis dba? Sabi ko, wow ako na mabait na bestfriend. Ako na!
Nandito ako ngayon sa Carnival si Katrina.
"Katrinaa..
"Ohh?".
"Uhmm, kailangan moba tlagang umalis?" Tanong ko.
"Hindi, nakakairita lang kasi si Prince. Para syang higad na dikit ng dikit". She said then she rolled her eyes.
Ako eto shocked. Ha? Kala koba okay sila ni Prince? Ang sweet nila e. Etong si Katrina, parang di ko na kilala.
"Ha? Kala ko ba okay kayo?" Tanong ko.
"At first yes, but he's kinda obssessed with me. Its creeping me out! Gwapo sya oo pero duh ayoko sa possessive jerk." Dire- diretsong sabi nya.
Tinignan ko sya ng masama. At nagsalita sya "Totoo naman dba?!
Teka lang, best friend ko si Prince. Kaya sya dapat pagtatanggol ko.
"Excuse me ha, Katrina! Wala ka naman karapatan na sabihan si Prince ng ganun! Tsaka wala nanaman syang pakialam sa iyo! In fact ang saya saya nya ngang aalis kana eh! Pinapasabi nga nya happy trip e!! Tumalikod na no at nabigla nalang ako para akong na freeze. Nandun si Prince nakatayo.
"Ahh, Prince. Kanina kapa?" Nagnenerbyos kong tanong.
"Oo, at narinig no lahat ng sinabi mo. Kala ko tutulungan mo ako? Pinalala mo pa lalo!" Sigaw nya.
"Teka lang Prince pinagtanggol lang naman kita- di ko natapos kasi nagsalita sya.
"F.O NA TAYO. AYAW NAKITA MAKITA AT MAKAUSAP.
*end of flashback*
BINABASA MO ANG
Bestfriends? No, more.
RomanceIntroduction: I am Miacka Shanelle Gonzales. Shane for short. I am a 4th year highschool student sa UDM (University de Monte Agudo). Running for Valedictorian. Okay naman ang life ko, kung di lang ako pinepeste ng Moron na si PEAS! PEAS stands for P...