A Date With MR. CASTILLO (One-Shot)

225 6 9
                                    

Pumasok ka sa cafeteria. Nagtaka ka dahil inabutan ka ng raffle ticket ng babaeng kahera. Itinanong mo pa nga kung para saan iyon. Ang sagot naman nito ay inaabutan lang talaga ang bawat babaeng estudyante na nag-aaral dito.

Pagkatapos noon ay pumunta ka na sa table. Habang kumakain ka ay napansin mong may ilang babae na halatang kinikilig habang sila'y kumakain. Ang iba ay pabalik-balik na bumibili at muling inaabutan ng raffle tickets.

"Ano kayang premyo nito?"

Natuwa ka naman ng maisip mong baka nga salapi ang mapapanalunan ng mapipili. Hindi naman sa mukha kang pera, pero alam mo na malaki ang maitutulong nito sa pamilya mo. Lalo na't iskolar ka lang naman sa unibersidad na pinapasukan mo. Kung saan halos lahat ng mga estudyanteng pumapasok rito ay may kaya. Agad mo itong sinulatan, pinirmahan at inihulog sa kahon.

Lumipas ang isang araw, mas pansin mo na dagsa ang mga babae sa cafeteria. Nagdaan pa ang tatlong araw, pang-apat, hanggang sa naging isang linggo na. Ang lahat ng mga estudyante ay pinapunta sa napakalawak na field. Mas marami ang mga kababaihan na nandoon. Pati na rin ang mga lalaking may pusong babae. Sa araw na ito ay mapipili na ang swerteng mananalo. Ni hindi mo man lang naabutan sa pagtakbo ang mga kaklase mo dahil madaling-madali ang mga ito sa pagpunta sa nasabing pa-raffle. Naglakad ka na lang papuntang gate. Wala ka namang gana na makisiksik sa maraming tao. At isa pa...

IKAW nga ba talaga ang mapipili? Sa dinami-dami niyong estudyante ay imposible. At di gaya ng iba, isang ticket lang ang inihulog mo. Kailangan mo na rin namang umuwi, marami ka pang gawain sa bahay at dagdag pa na baka kulangin ka rin ng oras sa pagre-review.

Hindi pa pala ako pwedeng mag-saya, hindi ako pwedeng maalis dito, kailangan kong pumasa.

Habang naglalakad ka ay may biglang nakabangga sa iyo. Naglalakad ito at pilit itinatago ang mukha. Hindi man lang ito lumingon para humingi ng tawad kaya't tinanggal mo ang sapatos mo at ibinato ito sa kanya. Hindi ka rin makapaniwala sa ginawa mo, dala ng halo-halong lungkot at pagod kaya bigla kang namato ng sapatos. Sakto namang tumama ito sa may bandang batok niya. Hinawakan niya ito na ang ibig sabihin ay napalakas ang pagbato mo sa kanya. Pinulot niya ang sapatos mo at naglakad palapit sayo. Mas lalo kang nainis ng mamukhaan mo ito. Ngunit nasiyahan ka kasi maswerte ka at nabato mo siya.

"Don't you know who I am?" Kilala mo siya, matangkad, ang maganda nitong mata, matangos na ilong

"Sinong hindi makakakilala sayo, Mr. Dylan Castillo?" 

"Then why did you hit me with your shoe?" Kahit na naiinis ka ay hindi mo ipinahalata. Nginitian mo pa rin siya sa kabila ng pagkairita mo. Nasa Pilipinas naman kayo eh, ingles pa ng ingles. Si Dylan Castillo, ang lalaking pinapangarap ng bawat kababaihan dito. Nasa kanya na ang lahat, matalino, ubod ng yaman, saksakan ng gwapo. Pero arogante ito at saksakan ng sungit.

 "Binangga mo ako! At hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?" Inagaw mo sa kanya ang sapatos mo't sinuot ito.

"Is that your way to make me notice you?" Nagulat ka sa narinig mo. Mayabang! At syempre para kang bulkan na sumabog. Bigla mo na lang tinapakan ang paa niya.

"Sh*t! What the hell is wrong with you?!"

"Yan pansin na pansin mo na ako at hinding-hindi mo na ako makakalimutan. Letse! Yabang mo! Wag mo kong ini-english!"



Bago ka pumasok ay sinagot mo na ang phone mo na makailang ulit ng tinatawagan ng kaibigan mo. Tinadtad niya na din ito ng mga mensahe na 'umabsent ka na'.

"Ano ba! Nasa jeep ako gusto mo bang mahablot itong cellphone ko?"

"What the eff ang tagal mong sagutin! At wag kang magalala dahil walang magtatangka sa cellphone mong bulok."

A Date With MR. CASTILLO (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon