Shantelle Kristina
Ngayon nga ay abala na kami sa paghahanda sa nalalapit na birthday ni baby Zeyrone. Pinilit ko si Ram na kung pwede ay simpleng handaan na lang, pero hindi siya pumayag, lalo na si Mama.
Wala na nga akong naitulong dahil si Mama at yung kinuha ni Ram na organizer na ang nag aayos.
"Hon, are you okay?"
"Ahm oo." Sagot ko. Hinapit ako ni Ram sa bewang bago ito tumingin sa direksyong kanina ko pa tinitignan.
"Ram, may maitutulong ba ako sa paghahanda para sa birthday ni baby Zeyrone?" Yun ang kanina ko pang pinagmamasdan, yung organizer at si Mama na ang naging abala sa mga pagpili para sa magiging theme sa birthday party.
"Huwag na. Kaya nga nanguha na ako ng organizer. Nakaka stress ang paghahanda ng ganyan. Ako na lang ang asikasuhin mo." sagot nito sabay halik sa leeg ko.
"Ram!"
"Bakit?" Natatawang tanong nito.
"Nakakainis ka." Tumayo na ako. Seryoso ako sa sinabi ko pero parang di naman nya siniseryoso. Gusto ko ngang tumulong eh.
"Saan ka pupunta?" Tumayo rin ito at pinigilan ako sa kamay.
"Sa kwarto. Wala naman akong gagawin dito eh." Sagot ko.
"Ok sige na, naboboring ka ba? Gusto mo bang lumabas tayo?" Alok niya. Gustuhin ko man, parang nawalan na ako ng gana. Mas gusto ko talagang tumulong sa pag aayos ng birthday ni baby Zeyrone.
Umiling na lamang ako kay Ram sa alok niya.
"Sa taas na lang muna ako." Muling sabi ko.
"Okay, if you want to help, then fine."
Napangiti ako sa sinabi ni Ram.
"Tss. Ikaw talaga. Halika na nga." Natatawang sabi niya. Umabrisyete ako sa braso niya saka kami naglakad kung nasaan sina Mama at ang organizer.
***
Dalawang araw bago ang birthday ni Zeyrone. Ayos na ang lahat pati ang mga imbitado. Inimbitahan nina Mama at Papa ang mga bata sa isang bahay ampunan na tinutulungan nila. Sa isang hotel sa Makati gaganapin ang party dahil talagang madami ang imbitado.
Ngayon din ang dating ni Ram galing sa ibang bansa. Dalawang araw sya doon dahil sa isang business trip nya.
Hindi ko alam pero dalawang araw lang nawala si Ram ay miss na miss ko na talaga agad sya. Kung tutuusin ay parang hindi din naman sya nawala dahil magdamag ang skype namin.
"Ate Malou, patingin po muna kay Zeyrone. Kukunin ko lang po sa sala yung cellphone ko."
"Ah, sige po Ma'am." Sagot nito. Bumaba na ako ng hagdan dahil baka tumatawag na si Ram sa akin.
Pagkakuha ko ng cellphone ay bumukas ang main door kaya napatingin ako doon.
"Ram!" Tuwang tuwa ako pagkakita ko sa kanya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya saka dumamba sa katawan niya at yumakap. Ipinulupot ko pa ang dalawang binti ko sa bewang niya at sabik na sabik ko syang hinalikan sa labi.
"Kristina!"
Ha?
Kahalikan ko si Ram pero may narinig akong tumawag sa pangalan ko na tanging si Ram lang ang nariringgan ko ng ganoong tono.