Pasikat (One Shot)

54 5 0
                                    

×

Trixian
's POV

"Haler gising na po mahal na prinsesa" sigaw ng asungot. Ang nakakairita, nakakabwuisit at nakaka-sakit ng ulo .

"Anu nanaman bang sinisigaw sigaw mo dyan ha Desserto?" inis na sigaw ko. Piste kasi araw araw na lang nang-gugulo ng buhay ko. Sikat naman siya kasi gwapo, matalino, mayaman, at habulin ng babae ewan ko nga kung bakit nambubwiset sa akin araw-araw eh.

"Hoi Xiana anu naman problema mo kung sumisigaw ako eh wala ka namang pakialam dun at bakit karin sigaw ng sigaw dyan ha?" sagot niya at inilapit niya ang mukha niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Eh sa ang ingay mo kita mong natutulog ako rito eh" Piste talaga ngumisi pa eh. Sarap talaga sapakin ng pagmumukha niya, ang galing mang-asar.

"Eh sa hindi kita nakita dito akala ko wala ang PANGIT dito eh meron pala hahahaha" Nagtatawanan ang mga kaklase namin at Ngumisi pa ang gago at talagang tuwang tuwa siya ah.

Gusto ko mang umiyak pinigilan ko nalang, alam ko namang PANGIT ako eh at hindi ako kasing-ganda ng mga naging girlfriend niya pero sana wag siyang magsalita ng masasakit sa akin at a-aminin ko man o hindi gusto ko siya oh scratch that I LOVE HIM simula nung lumipat ako dito pero alam ko namang hindi niya ako magugustuhan lalo na sigurong mahalin ako pero wala nakung magawa. I think mag-papakatanga nalang ako at hayaang makalimutan ko siya.

"Oh bakit natahimik ka? Narealize mo nabang PANGIT ka kaya wag kanang umasa dyan na may magkakagusto sayo" Yun na tumpak ang sakit pero tama siya PANGIT ako. Siya na mismo ang nag-sabi na walang magkakagusto sakin at hindi ko na mapigilan ang sarili ko at humarap sa kanya. Nangingilid na ang luha ko.

"Oo na PANGIT na ako. Oo na walang mag-kakagusto sakin. Oo na walang mag-mamahal sa akin. Tama ka pero sana naman naisip mo kung gano kasakit laitin, sana naman inisip mo kung nasasaktan ba ako sa pinagsasabi mo. Tama ka, sana hindi ako umasa na may mag-kakagusto at mag-mamahal sa akin. Pero wala na akung magawa kahit masakit ang sinabi mo na wala na akong pag-asa sayo pero sana hayaan mo akung mahalin ka at kung, kung sakali mahalin mo rin ako, pero malabo yun" sabi ko at tumakbo na, tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pa nanggingilid sa mata ko, binulong ko nalang ang sinabi ko sa huli dahil ayaw kung umasa at mapahiya. Totoo yun.

"Xiana!! Xiana!! Trixian!!" Takbo parin ako ng takbo pero may naramdaman akong sumunod sa akin at may tumatawag sa akin kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo.

Habang takbo ako ng takbo may pumihit na sa akin at bigla akung niyakap.

"Trixian Kaileign sorry na" sa pagsasalita at boses palang alam ko na sino 'to. He say sorry and it make me wanna be happy but then mas lumakas ang pag-iyak ko, maybe because of happiness.

"Xiana naman, wag kanang umiyak. Sorry na nga eh. Joke lang naman yun." Sabi pa niya at hindi parin ako binibitawan. Para na akong tangang natuod sa kinatatayuan ko. I just feel his heartbeat. It's fast just like mine. I don't know but I feel like in heaven, feel safe in his arms.

Pero bumitaw ako at tinignan siya. Yung tingin na binabasa ko kung ano ang nasa isip at puso niya.

"Wag kanang magsinungaling alam ko namang pan---"

Hindi ko natuloy kasi lumanding na ang labi niya sa labi ko.

O.O

HIN-HINALIKAN NIYA AKO?! I don't know if I am dreaming or what. But hell it looks like true. If it is really a dream please don't ever wake me up. EVER. 

Pasikat (One Shot)Where stories live. Discover now