Ako'y sawi
sa pag-ibig niya
na akala ko'y
walang maliw
Subalit
tulad ng gagamba
gumawa siya
ng sapot
at agiw
Para siyang
magandang
painting
Hindi nakasasawang
tingnan
Ngunit
para rin siyang
pares ng sapatos
na hindi kasya
sa aking mga paa
Kaya nandoon
sa mga paa ng iba
Magagawa ko pa kaya
na kalimutan siya?
Sa palagay ko'y hindi
Hindi na
Sapagkat
bahagi na siya
ng aking puso
at isa sa mga humubog
ng aking pagkatao
Ako'y ngumiti
Aking inintindi
na ganoon talaga
ang pag-ibig
Dapat handa kang ngumiti
at handa ring masawi
At muling ngumiti
pagkatapos masawi
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoetryIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].