Cry (oneshot)

10 1 0
                                    


Mackenzie P.O.V

Umuulan? Hindi.....butil ito ng  tubig na galing sa aking dalawang mata.luha Kung tutuusin.luha galing sa babaeng bigo~~ako.rumaragasa at patuloy lang sa pag-agos sa aking mata.bakit nga ba ako umiiyak? Ahh.... alam ko na ngayon na kasi ang libing ni enzo ang aking kasint~~DATING kasintahan..pero wala ako sa libing niya dahil nandito ako sa kung saan kami unang nagkita.......sa tulay...pilit kong ninanamnam ang bakas ng kahapon,ang kaligayahan noon,at ang saya ng nakaraan..

Tumingin-tingin ako sa aking paligid at nakikita ko kung papaano nagmamadali ang mga sasakyan na para bang iniwan ng kahapon,mga bus na may patutunguhan, mga dyep na patuloy sa byahe,at motorsiklo na matulin mag-patakbo na parang hinahabol.

Eh ako kelan pa ko kaya makakatuklas ng bukas kung hanggang sa ngayon ay nakakapit pa ako sa aking masakit na kahapon,saan ba ang aking patutunguhan at ang tanong sino ang naghihintay sa akin 'dun? paano ako makakasabay sa byahe ng buhay kung ang nag-bibigay buhay sa akin ay patay na.at kung tatakbo at magtatago ba ako may maghahabol at maghahanap naman ba sa akin? Sa mga tanong ko iisa lang ang sagot ko...wala, yun ang sagot ko.wala akong pamilya.oo, meron sana pero nakuha rin agad.

Ang tulay na kinakatayuan ko ngayon ay siyang nakasaksi sa lahat ng saya pighati,lungkot, pangungulila ito rin ang nakasaksi sa aming pag-iibigan at kung paano rin kaming naghiwalay..napangiti ako ng mapait at kasabay 'nun ang walang tigil sa pag-agos ng aking luha...

Paano nga ba siya namatay? Nakakatawang isipin na sa araw pa mismo ng kanyang pagkamatay nalaman.. sinabi sa akin ng kanyang inang alam kong na sa hanggang ngayon may galit pa rin sa akin..sinabi niyang may sakit sa puso si enzo sa una di ako naniniwala dahil akala ko isa sa paraan niya para paghiwalayin kami ni enzo pero lahat pala yun ay totoo ng makita ko na mismo ang kanyang malamig na katawan sa loob ng puti na kabaong... iyak ako ng iyak pero wala na talaga akong magawa dahil bangkay na ang mahal ko..

Di ako gusto ng parent's niya dahil mayaman sila at ako isang hamak na dukha.. paano nga ba makakaangat ang lupa sa langit kung lagi ito nasa ilalim.. pero ika nga nila kung di man makarating ang lupa sa langit why not ang langit na lang ang bababa sa lupa di ba?.. yun ang ginawa ni enzo..napangiti tuloy ako pero agad din nawala iyon ng maalala ko ang "walang-iwanan"na sa hanggang ngayon kinakapitan ko pa rin.. natatawa nga ako dahil kung sino pa ang nagsabi ay siya pa ang unang kumalas pero di ibig sabihin nun kakalas rin ako dahil iba ang nasa-isip ko...

hinawakan ko ang metal na siyang nagsisilbing bakod sa tulay at umakyat... marami ang nakakita sa akin,ang iba nag-tataka, meron rin nanood at nawiwili sa akin palabas, yung iba naman ay alam nila ang gagawin ko dahil nababakas sa kanilang mukha ang takot pero wala akong pakialam desededo na ako sa aking gagawin kung ito lamang ang dahilan para makasama ko uli siya di ako mag-sisisi..

Wala ng kwenta ang buhay ko kung wala siya.

Nag-umpisa na ako mag-bilang  hanggang tatlo...

1

2

3...

at tumalon na ako!

Naririnig ko ang kanilang pagsinghap at paghingi ng tulong ng iba...

At sa huling butil ng luha na dumaloy sa aking mga mata ay ganun nalamang ang pag-usbong ng totoong ngiti sa aking labi.. at kung iiyak ako ulit ay di na dahil sa pighati,lungkot,at pangunngulila kundi dahil makapiling ko uli siya...

Nang maramdaman ko na ang malamig na bagay sa aking likod aaminin kong nakaramdam ng kaginhawaan na lalong nag-pangiti sa akin...

Sa pagdausdos ko pailalim at pagkawalan ng aking hininga ganun na lamang akong lamunin mg dilim.. ito na ang katapusan ko makakasama ko na uli siya.. tanggap kona hanggang dito na lang ako...

This is my story

My unstoppable

Unforgettable

And my relentless love to him...

To my ENZO MEJIA

I am KEZIAH MCKENZIE and this is my

Cry...

Cry (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon