"Do you like it? I wish you do. I can't get Tamtam back so I bought that big Panda hoping that it could replace Tamtam. I'm sorry for burning it. I'm just concerned about you."
Halos manigas ang katawan ko matapos marinig ang mga sinabi n'ya. Hindi ako makagalaw habang nakatalikod sa kanya at nakahawak sa Panda na nasa harapan ko. Pinipilit kong isiksik sa utak ko ang mga narinig ko. Ibig bang sabihin ay para sa akin ang Panda-ng ito? Binili n'ya ang Panda-ng ito dahil nagalit ako sa pagsunog n'ya kay Tamtam kahapon?
Naramdaman ko ang unti-unting paglapit n'ya sa akin ngunit nanatili pa rin akong nakatalikod at hindi gumagalaw. Ramdam ko ang presensya n'ya sa likuran ko na nagbigay sa akin ng sobrang kaba. Gusto kong humarap sa kanya pero tila naging bato ang mga paa ko dahil hindi ko iyon maigalaw. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawang ibukas ang bibig ko.
"Okay ka lang ba?" dahil sa pagtatanong n'ya ay pinilit ko ang sarili ko na gumalaw para humarap sa kanya.
Lalo akong hindi makapagsalita nang makita ko ang mukha n'ya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata n'ya na sadyang una kong napansin dahil lutang na lutang ito sa maputi niyang balat. Puyat ba s'ya? Pinilit niyang ngumiti sa akin pero hindi saya ang nakikita ko sa pag-ngiti niyang iyon. Bukod sa halata mong pagod ang itsura ng mukha n'ya ay nararamdaman ko rin ang lungkot at bigat na nararamdaman n'ya. May problema ba ang isang ito?
"Are you kidding me? Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.
"I'm fine. Ahm, let's eat?" nasabi na lang n'ya na parang ayaw na niyang itanong ko pa kung bakit ganito ang itsura n'ya at saka umupo doon sa may silya sa bandang kanan ko.
Umupo na lang rin ako sa kabilang silya at tinitigan s'ya. Napatingin s'ya sa akin habang inaalis ang takip noong mga pagkain sa lamesa. Nararamdaman kong naiilang s'ya dahil sa pag-iwas n'ya ng tingin sa akin.
"Anong pakulo 'to mushroom?" tanong ko sa natural na tono para mawala ang pagkailang na nararamdaman n'ya. Hindi ba dapat ako ang mailang sa kanya? Napatingin s'ya sa akin at saka muling itinuon ang tingin sa mga pagkain.
"Peace offering ko sa'yo." Sagot n'ya saka naglagay ng lettuce sa pinggan n'ya.
Tiningnan ko isa-isa ang mga pagkain na nasa lamesa, mayroong wheat bread, lettuce, cake na rectangular na parang fudgee bar lang na ipinatong sa rice crisp na inilublob sa chocolate syrup at hindi naman ganoon kalaki, at mayro'n ding french fries na nilagyan ng kung anu-ano sa ibabaw. Ano bang mga pagkain ito? 'Yong wheat bread at lettuce lang kilala ko sa mga pagkaing ito.
"You do not like the food?" napatingin ako kay mushroom nang tanungin n'ya ako.
"Ha? Hindi, I mean gusto ko." Sagot ko na lang saka naglagay ng lettuce sa pinggan ko.
Habang naglalagay ako ng lettuce ay bigla niyang nilagyan ng kapirasong cake ang pinggan ko dahilan para mapatingin akong muli sa kanya. "It's Cappucino Nanaimo Bar. I baked it." Saad n'ya na nagpanganga ng kaunti sa akin. Siya ang nag-bake nito? Marunong siyang mag-bake? Saka ano daw tawag doon sa cake na iyon?
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Fiksi Remaja"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith