Chapter 6
"Carlo gising na! Malelate ka kapag di ka pa bumangon dyan!"
"OHO!" Sigaw ko habang nakatingin sa pinto.
Ang totoo nyan kanina pa naman akong gising eh. Tulala lang ako at nag-iisip ng malalim. Yung tipong nagtetest ka tapos nirerecall mo yung pinag-aralan mo.
Ang totoo nyan, nag-iisip ako kung anong ireregalo ko kay Michael. O kung wag ko nalang siyang regaluhan tutal yun din naman ang sabi ko sa kanya. Para hindi narin ako mahirapan mag-isip. Pero nakakahiya naman kung di ako magbibigay, ang binigay nya kasi sa'kin last birthday ko Jordan na sapatos. At ehem, orig po kung matatanong nyo.
AAAARGH! Bahala na nga! Sigaw ko sa isip ko habang ginugulo ang buhok ko.
- - - - - - - -
"Sir para sa inyo po ba?"
Napatingin ako sa saleslady nang bigla syang sumulpot sa harapan ko. Ngiting-ngiti sya at umaasang makabenta.
Ano bang ginagawa ko dito sa department store? Ah, naghahanap nga pala ako ng maiiregalo kay Michael. Napag-isip-isip kong kahit wala akong pera, ibibili ko sya ng murang regalo.
Kelan ko ba sya huling naregaluhan o nailibre? Di ko na matandaan. Basta last week binigyan ko sya ng max na candy dahil amoy yosi sya. Samantalang sya, kagabi nilibre nya ako sa isang fast-food chain ng hapunan bago umuwi. Lagi lang akong tumatanggap, syempre dahil mayroon din naman akong konsensya at hindi ganoon kakapal ang aking mukha, bibili ko ng regalo nya. Sigurado na 'to.
It looks cheap. Isip ko habang nakatitig sa isang damit na may nakapaskil na sale 50% sa itaas. Manipis din ang tela nito. Ibang-iba sa mga uri ng damit na isinusuot nya. Sa tingin ko naman ay isusuot nya 'to, pero konsiderasyon nalang siguro nya dahil niregalo sa kanya iyon. Baka nga ipangbahay nya lang to.
"Nagtitingin lang po." Sabi ko kay ate Saleslady at ngumiti. Ngumiti naman din siya pabalik sa'kin.
Lumabas na ako ng Department Store at napadaan isang sa Pastry Shop. Tama, kung hindi damit bakit hindi nalang cake. At least nakakabusog at masarap. Di lang yun, matamis pa---
"Urgh, how could I even forget? Michael hates sweet stuff." Nanlulumong pagkausap ko sa sarili ko.
Laglag balikat naman akong nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa napadaan ako sa penshoppe at napatingin sa cap na nakadisplay sa loob.
Don't even think about it, Carlo. Michael don't wear caps. Marahas na napakamot ako sa ulo ko dahil sa dinaranas ko ngayon.
"Shit, patapos na ang first period namin." Bulong ko sa sarili ko. Naisipan ko kasi wag muna umattend ng first subject at humanap ng regalo. Pero naubos ang oras ko sa katitingin ng mga damit dun sa dept. store. Tch.
Nagtingin din kasi ako kanina ng branded na damit at napa-uhlala~ ako sa presyo. Di po kaya ng budget ko.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko sa kamay ko na kanina pang basa ng pawis. Agad ko naman binasa kung sino yung caller.
Michael's calling...
09xx-xxxx-xxxEh? Si Michael? Naku anong sasabihin ko pagtinanong ako kung nasaan ako?
Nagpanic ako, di ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Patayin ko kaya. Kaso paniguradong magagalit yun sakin. Binalak kong antayin nalang na si Michael na mismo ang magpatay ng tawag pero di iyon nangyari. Patuloy parin sa pagriring ang cellphone ko. At dahil naawa ako kay Michael, sinagot ko nalang yung tawag. Tsk, nakakahiya pagnagkataon kung malalaman nya na bumibili ako ng regalo para sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomansaWe're bestfriend and I'm his possession...