Jezalyne's POV
"Jez, ano ba? sasagutin mo ba ako?" tanong sa akin nung nanliligaw daw... hayyyysss bat ba ang baliw nito, di ko nga matandaan ang pangalan nya eh.. nanliligaw pala sya??
"ha? nanliligaw ka pala? bat di mo ako tinanong kung pwede manligaw?" tanong ko pabalik..
"pumayag ka na lang kasi, pakipot pa," sabi nya.. medyo gwapo naman sya, pero ang kapal ng mukha nya, di nya ako makukuha ng ganun ganon na lang, kung yung ibang babae mapapapayag nya ng ganon, pwes ako hindi... iba ako sa kanila. kakapang-init sya ng ulo ha..
"aba, ako pa ang pakipot eh ni hindi ko nga alam ang pangalan mo, saka kung sa tingin mo makukuha mo ako ng ganon lang, basted ka na!!! alis nga, nakaka-init ka ng bait" sabi ko saka sya itinulak.. medyo hard ba? ang kalpal kasi eh.. pasensya na lang sya di kasi ako yung pa-damsel in distress na tipo, di ko kailangan ng knight in shining armor na lalake, simpleng lalake lang na kaya akong patawanin at ilibre saka igawa ng assignment okay na ako.. hahaha di joke lang. basta yung tipo na..basta dadating din sa point na malalaman ko na lang na sya na talaga...
Ako nga pala si Jezalyne Nam , maganda, makulit, saka baliw.. sorry ha di ko mai-describe yung sarili ko, kayo kaya try nyo idescribe yung sarili nyo para maranasan nyo hirap na dinadanas ko... (ang drama no?) Anyways... nandito ako ngayon sa school... at holy crap!!! late na ako sa subject namin, panggulo kasi yung lalaki kanina eh, edi sana kanina pa akong nasa room.. nakadating ako sa room kaso 5 mins. late.. good thing wala pa yung prof. sinenyasan ako ni Naomi na maupo dun sa tabi nya.. siguro late din to nauna lang makarating sakin sa room.. palagi yan late eh..
"uy, anyare, bat ka na-late?" tanong nya agad.. nagka-close kami ni Naomi dati nung second semester ng first year, kasi napahiwalay sya sa mga kabarkada nya noon.. pero ngayon bestfriends na din kami.. kasama ko sya sa pang-aasar sa mga ex bestfriends ko.. naikwento ko kasi sa kanya yung mga pinagdadaanan ko tapos yun.. naging magkaibigan kami..
"may humarang sa akin sa daan sabi manliligaw ko daw sya.. tapos sinabihan ako ng pakipot, edi nag-init ang ulo, nagka-eksena pa tuloy" kwento ko sa kanya at yan na naman alam ko namang tatawanan na naman nya ako..
"HAHAHAHAHA e kasi ikaw eh, manang-mana ka sa akin baliw din.. I'm so proud of you sis!" sabi nya at pumapalakpak pa, baliw talaga no?
"naku, wag lang talaga sya magpapakita sa akin.." sabi ko..
"o, anong kaguluhan yan?" tanong ni.. Paula??? hahaha dito din pala sya sa section na to.. astig, mukang maganda ang school year namin ah... rarampa na ang Chinita Princesses at kaming tatlo yun.. pano kasi ako may lahing korean, si Naomi, may lahing Japanese at si Paula naman may lahing taiwanese.. hahaha ang kulit no?
"PAULA MY BEYBEH!!!!!!" sigaw namin ni Naomi, kaya nagtinginan samin yung mga kaklase namin...
"O, TINGIN PA!!" sigaw ko sa kanila... grabe ang tingin nila, eh, pero paki nila.. basta ang alam ko masaya kamingt tatlo...
Pero masaya nga ba? kung ang puso ko naman hanggang ngayon naghahanap pa din ng papalit sa kanya?
Maasakit kasi eh.. 7 years na din eh.. kaso wala.. that's life... WALA LANG TALAGANG FOREVER...
pero kung meron man.. sana lang dumating ka na... naiinip na ako sayo eh..
BINABASA MO ANG
No Matter Where You Are
Teen FictionYung feeling ng di mo alam kung sinong pipiliin mo, yung lalaking kaya kang intindihin sa mga bagay bagay o yung lalaking dati nang yumanig sa mundo mo?.. ang weird kasi eh.. stuck ako sa gitna.. STUCK AKO SA PAST AT PRESENT... sino kaya sa kanila...