Chapter 25: Sino Siya?
Pagdating namin sa school ni Aki ay umalis na din si Topaz. Ang sabi niya babalik nalang siya mamaya. Iniwan ko nalang din sa kotse ang bulaklak na binigay sakin ni Alex. And speaking of him, kasama ko siya ngayon na naghihintay. Nasa loob na kasi ng classroom si Aki.
At medyo naiilang ako kasi pinagtitinginan ng mga babae dito si Alex. Mapa nanay o yaya man ng mga bata ay nakatingin sa kanya. Palibhasa ay siya lang lalaking nandito.
"Bakit ka pa kasi nagpaiwan at sumama dito? Hindi ka ba naiilang?" Bulong ko kay Alex habang magkatabi kaming nakaupo.
Nilingon niya ako at nginitian. "No. Not at all as long as you're beside me."
Ano na naman bang pinagsasabi ng isang to?
Hindi naman kami nag uusap at hindi rin siya nakikipag usap sa ibang nandito.
"Misis, asawa mo ba siya? Ang gwapo ha?" Anang isang babaeng katabi ko. Sa palagay ko ay isa lang siyang yaya. Oh well, obvious naman sa uniform niya.
Ngumiti ako ng bahagya. "Ah eh, hindi. Ano.. Amo ko siya actually." Sagot ko.
Nanlaki ang mata niya na parang hindi makapaniwala. "Talaga? Akala ko mag asawa kayo. Kanina kasi ng dumating kayo iba ang tingin niya sayo."
Napakunot noo ako. "Paano namang iba?"
Ngumiti siya. "Yun bang tingin ng taong in love. Parang yung kung paano ka tumingin sa kanya."
Feeling ko at namumula ang pisngi ko, nag iinit kasi yun. "H-hindi ah." Tanggi ko.
Natawa ang babae. "Wala namang masama kung hindi kayo gumagawa ng masama. Ako nga pala si Joy." Pagpapakilala nito.
Ngumiti nalang din ako. "Ako si Sumire."
"Oh. Alam mo ba ang ganda mo. Kaya nga akala ko mag asawa kayo eh. Hindi ka kasi nakauniform hindi gaya naming mga yaya na nandito."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Maya maya ay bahagya akong napaigtad ng biglang hawakan ni Alex ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"B-bakit?"
"Aalis lang ako saglit, I'll just answer a call." Sabi nito na hindi ko inaasahan. Hindi niya naman kasi kailangan mag paalam sakin.
Wala sa loob na napatango nalang ako. Naging hudyat ang pagtango ko ng pagtayo niya at saka lumakad palayo.
"Oh my God! He's so inlove with you girl!" Bulong ni Joy na kilig na kilig.
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya. "Uy, hindi nga eh." Saway ko. Baka mamaya may makarinig na iba.
Sinundot niya ng pabiro ang tagiliran ko. "Asus nag deny pa siya. Alam ko talagang may something eh."
Napailing nalang ako. Kahit na mukhang ang FC niya masyado, hindi naman siya yung FC na nakakairita. Ang totoo nga, masaya siyang kasama, tingin ko nga magkaedad lang kaming dalawa.
Mahabang sandali ang lumipas pero hindi pa din bumabalik si Alex. Siguro about sa business na naman ang tawag na yun. Kung bakit naman kasi sumama pa siya dito eh wala naman siyang magagawa dito.
Ilang oras lang naman ang klase ng mga bata. Kaya hindi ko napansin na oras na ng labasan ng mga ito. Naglabasan na ang mga bata at kanya kanyang salubong na ang mga nanay at mga yaya doon. Tumayo na din ako at sinalubong si Aki.
"Aki, how was it?" Tanong ko sa kanya ng lapitan ko na siya.
Malawak ang ngiting tumingin siya sakin. "I had a lot of fun out there. And I make some friends too!" He said enthusiastically.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven