Chapter F1

1.3K 6 2
                                    

Friday na, so, ayun, mabilis talaga ang araw, dahil ang bagal magUD ng author. =__= Para sa kaalaman ng lahat, POV ko pa din ‘to, ang pinakadesperadang magandang babae sa kwentong ito :P

“Zelo, wag mo na akong antayin, kasi matatagalan ako, pinapatawag pa ako ni Mrs. Cohen, magrereport pa ako kay Sir Cuizon, tapos…” sabi ko sa kanya ng makita namin siya sa labas ng room namin ni Alexa.

Tumawa siya. “Tapos, wag na kitang sunduin araw-araw? Roger!” sumaludo pa sakin.

At least, nagets niya diba? Haaayy. Kasi last taym, nagconflict samin ni Dawn, siya lang naman ang pinakamamahal kong lalaki sa kwentong ito :P

“So, Alis na kami ng Baby ko? Namiss ko’to eh, haha! Ingat ka.” Zelo added as he wrapped his arms around Alex’s shoulder.

Napangiti ako ng malapad, or should I say, I grinned. Bakit ba kasi hindi na lang sila ang magkatuluyan dito? At bakit ako pa talaga ang nililigawan niya?

Well, ganyan talaga ang buhay, parang alcohol.

“Yun naman pala eh. See’ya!” sabi ko at umalis na sa harap nila.

At nahalata ko lang, bakit ang makasalanang babaeng katulad ko ay may kaibigan na banal? =__= God is great talaga noh?

Dinaan ko nalang sa tawa yang naisip ko. Pang-shonga lang.

Ginawa ko na muna yung kay Mrs. Chen at Sir Cuizon, at tsaka dumiretso sa Clinic. Huminga muna ako ng malalim at booooommm!

“Ah~ Ang sakit. Dito kasi~” Yan ang narinig ko.

What the eff! Edi bago ako magwala, binuksan ko na yung pinto at para makahinga ng maluwag na may pasyente pala.

Pumasok na ako at tinignan lang nila ako. Ayan tayo Dawn eh, galit pa rin kaya siya dahil iniwan ko ng biglaan kahapon? Para lang kay Zelo? Haaaanng Babaw niya ah!

Nagtitigan lang kami ng sumabat yung ginagamot niya. “Aww~ Masakit, masyado atang madiin, Dawn.” Bat ba kasi may sugat siya sa noo? =___=

Natauhan si Dawn at dun na sa babae niya tinuon ang pansin niya.

“Ah, pasensiya na,” he leaned more dun sa babae.

Yung ngiti ko, hindi basta-basta nauubos,

pero ang Pasensiya ko, KONTING-KONTI na lang!

Isa pa.

Isa pa.

Maghahalo ang binalat sa tinalupan.

Is he seducing her?

Or

I’m just that jealous?

Haler? Kabet ako, may Jealousy Bones din ako!

Umupo lang ako sa bakanteng upuan, hangga’t maari pinuwesto ko dun sa makikita ko lahat ng anggulo nila. Anggulo ng kalandian!

Kinuha ko yung magazine at tinignan yun, di ako magbabasa noh, as if!

“So, Dawn, scholar din ba siya?” panimula nung babae.

“Yep, kasama ko siyang nagbabantay ng Clinic,” then glanced on me.

That girl smiled, sweetly irresistible smile. “Geez, sana nagscholar na lang din ako.” Nagpout pa. Eto namang boyfriend ko, parang gusting halikan. Sige lang. Isa pa.

Pero ang maganda dito, tumawa lang si Dawn.

Suddenly, parang gusto kong manuntok ng tao.

“Okay, ayos na, sa susunod mag-iingat ka na pagPE niyo, mahirap na. Understood Leah?” sabay silang tumayo.

“Ummm, Yeah, pero mas gugustuhin ko pang madisgrasya kasi alam kong nandito ang Dawn Usares ng buhay ko.” Tapos hala, tumawa na pangmalandi. Kinikilig ka ate? Ang landi mo.

Ginulo lang ni Dawn ang buhok niya sabay sulyap sakin.

“Natouch naman ako Leah. At least kaw naiisip mong ako ang buhay mo, kaysa sa ibang parang nalimutan ako dahil tumawag ang manliligaw niya.” Biglang sabi ni Dawn habang nakatingin pa rin sakin ng malapad ang ngiti. Sige lang~

She just giggle at buti umalis na.

Spell Okword? O.K.W.O.R.D =__=

Bahala na, pinaringgan na nga ako, di pa ako papansinin? Ano’to? Patigasan ng bungo?

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa kunwari pero syempre, tinitignan ko pa rin kung ano ginagawa niya.

Sa bilis magtype ng author, oras na para umuwi =__=

At guess what?

Di niya talaga ako kinausap. Damn you, Usares!

Nag-ayos na si Dawn ng gamit niya sabay, “Mauna na ako.” Sabay labas. T..T

Ni hindi nga manlang nagsalubong mga tingin namin, hindi ko nga manlang siya sinabihan ng ingat.

At hindi ko ring namamalayang nalukot ko na pala yung magazine, waaahh! Talo kasi ang Spurs ng Game 6!

Ang pangit naman ng character ko, desperada tapos ganito? Bat ko bo?

Ang mga kabet di dapat papaapekto.

Tumingin ako sa relo ko. Edi uuwi na! Nauurat ako, nababanas. Inayos ko na yung mga gamit ko, pinatay yung ilaw at lumabas na.

Natigilan ako sa paghakbang ng makita ko si Dawn na nakasandal sa plant box. Akala ko ba umuwi na siya?

AT nang makita niya ako, nagulat siya =__= Wala akong make-up. Panget na? Kung hindi niya ako papansinin, edi di ko rin siya papansinin.

“Paw,” sabi niya ng biglang nag-ring ang phone ko.

Syempre, sinagot ko na muna, “Hello?.. Yeah, pauwi na…. Bye.” Si Momsy lang.

Hinarap ko ulit si Dawn at “May sasabihin ka?” tinago ko talaga ang pag-ngiti ko, baka kasi inaantay niya ako diba? :) di masama mag-assume, kabet ako eh.

Umiling siya, okay! Bigti na friend! “Ah, ako meron sasabihin, hindi ko pa nalolock yung pinto, ikaw na lang bahala jan. Ge bye.” At nagsimula na akong maglakad. Kung hindi niya ako pipigilan o tatawagin manlang, di ko na siya pipilitin. Aish! Aish!

Di niya talaga ako tinawag o pinigilan, t.t 

Dapat nagsorry na lang ako?

Haist! Bahala na! habang bumababa ako ng hagdan, biglang umambon. =__=

Sana may payong ako noh?

Desperadang KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon