Sa dinami-dami ng tao sa mundo, hindi mo alam kung sino sa kanila ang para sayo.
Sa bilyong tao, pano mo sya makikilala?
Malay mo, makikita mo na sana sya kaso bigla syang yumuko dahil inayos ang sintas ng sapatos.
Makikita mo na sana sya kaso bigla na syang sumakay ng bus.
Magkikita na sana kayo pero bigla kang napuwing.
See? Sa dinami-daming tao, hindi mo alam kung paano mo sya makikilala.
"CHURCH"
written by famoussassy.
[dedicated po kay Seomi_08, ang besi ko dito sa watty >;)]
"We don't meet peopLe by accident.
They are meant to cross our path for a reason. "
--
I'm walking down the aisle,
And feeling pretty with my gown.
In front of me is a dazzling guy, whom I love, waiting for me to reach the altar, and of course, mawawala ba ang pari?
Nangiti ako. Di ko alam na pwede pa palang umabot sa ganito. Naglalakad pa rin ako sa red carpet. Naalala ko kung paano kami nagsimula at nagkakilala..
*Yawn* *hikab-hikab*
"Humayo kayo at inyong mga pamilya sa ngalan ng ama, ng anak, at ng ispiritu santo"
"Amen"
"Salamat sa Diyos" *clap clap clap*
Napatayo ako nun bigla. Grabe, tapos na pala ang misa. At nakatulog pala ako. Tss pasaway.
Teka, pano ako nakatulog nun? Di naman ako nakahiga sa simbahan, imposible ding natutulog akong nakaupo, maliban na lang kung...
Tumingin tuloy ako sa
katabi ko,
Nakasandal pala kanina yung ulo ko sa balikat nya!?!
Spell nakakahiya?
D-I-A-N-N-E. Oo ako na nakakahiya.
Ngumiti na lang sya. Pero mukha syang nagpipigil ng tawa. Kaynis. Di ko naman sya masisi kung natatawa talaga sya sakin, eh kasalanan ko naman e!
Ngumuti na lang din ako.
Gosh, most embarrasing moment ever!
Naulit ang pangyayaring iyon.
Pero this time, hindi na ako nakatulog sa simbahan.
Ang de ja vu doon ay yung nagsimba ulit ako at..
Katabi ko uli si mister.
Ayos naman ang takbo ng misa para sa akin, hindi na ako inantok hanggang sa..
"Pst, Ama Namin na"
-sabi ng katabi ko *ULI*
Hinawakan na nya ang kamay ko na para bang wala lang para sa kanya. Pero para sa akin, ewan. Nanginginig ako. Bumibilis tibok ng puso ko. Natatae ba ako? Mukhang hindi naman.
Siguro, crush ko na sya.
-----
Nang sumunod na linggo, syempre nagsimba ulit ako.
Aaminin ko, 90% kung bakit ako nagsimba ngayon eh para makita at makatabi ko ulit sya.
Pumwesto na ako sa upuan na lagi kong inuupuan, baka sakaling katabi pa rin nuon ang pwesto nya.
BINABASA MO ANG
Church
Teen FictionI used to believe things happened for a reason. Now I know things happen because God planned it.