Prinsesa Sabrina's POV
Ngayon umaga paguusapan ng mga maharlikang opisyales kung sino ang susunod na uupo sa trono.
Sana naman, ako ang piliin at hindi ang kapatid kong si Zillana
"anak, nakahanda ka na ba sa pagpupulong?" tanong ng amang hari na nakadungaw sa pinto ng aking silid.
"uh... handang handa na po ama "sagot ko, pero sa totoo lang, kabadong kabado ako. Matagal ko nang pinapangarap ang mamumuno sa kaharian namin.
"sige anak, magkitakita nalang tayo sa pagpupulong" tsk. tsk. mukha namang naniwala si ama..
***
pagdating ko sa pagpupulong.... waaaah! ako nalang pala ang wala at mukhang nakahanda na silang lahat.
"magandang umaga prinsesa Sabrina " bati nila sakin
"m-magandang umaga din " sabi ko nalang
"maupo ka na ate " aya sakin ni Zillana, nginitian ko nalang sya at umupo na sa upuan ko
Nang matapos ang pagpupulong, halos pumalakpak ang tenga ko nangmarinig kong, ako ang pinili nila na susunod na uupo sa trono .Ako naman daw kasi ang panganay kaya't mas may alam daw ako sa pamumuno ng kaharian. Grabe, di ko makapaniwalang pinagbigyan ako ng tadhana sa matagal ko nang pinapangarap.
"Maligaya ako para sayo,mahal kong kapatid,alam kong magiging responsable kang lider " sabay ngiti pa sakin ni Zillana.
"Salamat" sabi ko nalang, ano naman kasing pakialam ko sakanya.. tsss...
YOU ARE READING
The Lost Princess [On Going]
Fantasyang fairylandia ang kaharian ng mga diwata, mapatubig pa man, lupa, tubig o hangin pa yan.. Pinamumunuan ito ni haring Liseyo at Reyna Jessa..Si Satana ang naninira ng katahimikan ng fairylandia, isa syang rebeldeng diwata na nakipagkasundo sa kadil...