It was my 21th birthday when my parents planned to celebrate it. Sa totoo lang ayaw ko naman talagang ipagdiwang yun. aksaya lang sa pera , pero mapilit mga magulang ko. Sa araw na yun hindi ko akalaing magbabago lahat sa kin.
Naglalakad ako nun para bumili ng coke for drinks ng may nakasalubong akong nakasaklob na stranger. Alam niyo yung parang arabian pero mas creepy. Black lahat ng nakasaklob sa kanya.
"Iho!"
Nagulat ako ng bigla nya akong tinawag. Nilalabanan ko na lang ang takot na nararamdaman ko at lunapit sa kanya.
"ano po iyon ale?" pagtatanong ko kung bakit niya ako tinawag.
"Maligayang kaarawan sa iyo iho" sabi niya at may inabot siyang paper bag sa akin
"ano po ito?" tanong ko habang tinitignan ang laman ng bag. Nagulat na lang ako ng pag taas ko ng ulo ko wala na yung ale.
kinilabutan tuloy ako.Tinignan ko ulit yung bag ng may nakita akong sulat
Take this as my gift.
yun ang nakasulat sa piraso ng papel na iyon kasama ang isang doll. Hindi ba alam ng ale na yun na lalake ako, bakit naman barbie doll ang regalo niya. At tyaka nakapagtataka siya bakit alam niya na ngayong araw na to ang birthday ko
Pero kahit na barbie ang laman nun, imbis na itapon ko ay inuwi ko pa matapos bumili ng coke.
Maliit na salo salo lang naman ang nangyari. Inimbitahan namin yung mga malalapit na kamag anak at kapit bahay.
Hating gabi na ng matapos ang salo salo sa bahay kasi naman nasarapan ata sila sa pagku kwentuhan.
Hindi ako makatulog ng gabing yun sa kakaisip dun sa ale kanina. Nakapagtataka talaga siya at nakakakilabot.
~*~
"Good morning, Ethan"
"Morning" sagot ko habang tinatanggal ang muta sa mata ko.
???
Sa bigla ko napamulat ako agad
"Sino ka? anong ginagawa mo sa kwarto ko? magnanakaw ka noh? akyat bahay? anong ginawa mo sa akin?"
" ang dami mo naman tanong"
sino ba kasi siya?"ako ang nakatadhana sa iyo"
binatukan ko nga"pinagsasabi mo?"
"aray naman!! "
pagrereklamo niya sa sakit ng batok ko"ano ba pangalan mo? at san ka nakatira?"
baka isa lang sa mga bisita ko kagabi na hindi ko kilala. gate crushers kumbaga.
"ewan. pagkagising ko andito na ko katabi ng paper bag na yun."
turo niya sa paper bag na bigay ng ale kahapon.
"san ka nakatira?"
"ang kulit mo naman! hindi ko alam kasi pagkagising ko andun na ko katabi ng paper bag na yun"
tumayo ako at kinuha ang paoer bag na wala ng laman. Nasan na yung barbie dito? dito ko lang naman nilagay yun kagabi. Baka kinuha ni Ella, nakababatang kapatid ko.
"Siguro naman may pangalan ka?"
"hmmm... call me kiera"
"okay kiera, san ka tumutuloy"
"sa bahay niyo"
nasapo ko na lang ang noo ko."ganito na lang, punta tayo sa baba at itatanong ko kay mama at papa kung kilala ka nila"
baka sakaling matulungan nila ako sa probkema ko sa Kiera na to.
" Sige pakilala mo na ko sa parents mo tapos date tayo"
hindi ko alam kung anong nakain ng babaeng to. nakahithit ata ng katol kaya ganyan mag isip. hayaan na nga.
"mama, kilala niyo po ba siya?"
tanong ko agad pagkababa ko
sabay turo kay kiera."girlfriend mo anak?"
"hahaha. bagay pala tayo ethan?"
"SHUT UP, KIERA!!"
ang daldal naman kasi yan tuloy nasigawan ko pa.
"watch your mouth, son"
yan na nga ba sinasabi ko. ayaw kasi ni mama na naninigaw ako.
"sorry mama"
"sino ba siya?"
"kiera daw po pangalan niya"
"ako po ang nakatadhana kay ethan"singit naman ni kiera.
"haha haha , your funny"
"wag niyo po siya paniwalaan mama. may saltik po ata sa utak ang isang yan"
"paano ka naman napunta dito sa bahay namin kiera?"
"ewan po. nadatnan ko na lang po sarili ko na nasa kwarto ni ethan"
"at hindi niya alam kung san siya nakatira dahil dito daw siya tumutuloy."
matanong nga si papa baka sakaling kilala niya si kiera.
"asan po ba si papa? baka kilala niya po si kiera"
"nasa kusina kumukuha ng maiinom natin. puntahan mo na lang siya dun"
~*~
Sa bahay na tumitira si kiera kasi naman ang lakas mag paawa. sabi kasi niya wala daw siya matutuluyan. lagi nga siyang sumasama tuwing umaalis ako kaya napagkakamalan ng mga kabarkada ko na girlfriend ko siya. Nasanay na rin akong sinasabi ni kiera na girlfriend ko kuno siya.

BINABASA MO ANG
My Doll is my Girlfriend
Short StoryWhat if someone gave you a gift. A doll. Maniniwala ka ba na ang nagpapakilalang babae sayo ang nawawalang regalo mo.