Nandito ako ngayon sa aming tambayan sa itaas ng burol sa ilalim ng puno ng mangga ..
.
'' Bulaga !! '' gulat sakin ni Yana ..
hindi ko sya kinibo nainis kasi ako sa di nya pag sipot kanina ..
'' Sorry na .. Uyy ngingiti na yan .. '' sabay tusok sa tagiliran ko ..
'' Tumigil ka nga Yana !! '' sita ko sakanya .
'' Sorry na Dylan .. Please .. si Mama kasi .. lam mo naman yun .. ''
'' Sana nagsabi ka man lang ni hindi ka nga nagtxt o tumawag !! ''
'' Sorry , sorry , sorry ... '' sabay yakap sa likod ko ..
'' Ewan !! ''
'' Sorry na darbs !! ngiti ka na sayang ang gwapo mo .. uy lapit na sunset oh .. '' sabay turo nya sa araw na papalubog .. Hindi ko din naman matitiis itong si Yana dahil kababata ko sya ..
'' Basta sa susunod wag mo nang uulitin .. '' sabi ko sakanya habang nakatingin siya sa langit ..
'' talaga thank you Darbs !! Promise di na mauulit '' At bigla syang yumakap sakin .. tumahimik bigla ang pagitan namin dahil focus kami sa paglubog ng araw ..
'' Alam mo ang ganda talaga ng langit pag palubog ang araw no ?! '' salita ni Yana..
'' Pano mo nasabi ? ''
'' Tignan mo !! Parang 3D painting oh .. parang pag tinitignan mo nakakawala ng problema , nakakarelax .. ''
totoo naman ang sinabi ni Yana kaya nga madalas kami tuwing hapon nandito ...
.
----------- After 3 Years ------------
.
Nandito ulit ako sa tambayan hinihintay si Yana .. aamin na kasi ako sa nararamdaman ko para sakanya .. matagal ko na syang gusto pero hinintay ko lang na maging 21 ako ..
Biglang may tumakip ng mata ko . syempre alam kong si Yana yun ..
'' Hi Darbs !! Ano pala yung sasabihin mo ? '' tanong ni Yana ..
'' Mamaya na pag palubog na ang araw .. ''
'' Hmm .. Sige na nga di muna kita pipiliting sabihin agad . ''
Papalubog na ang araw , huminga ako ng malalim tsaka ako nagsalita ..
'' Yana ..? ''
'' Hmmm .. ? ''
'' M-may gusto ako sayo .. ''
'' Gusto din kita .. ''
'' Mahal kita Yana !! ''
Parang nagulat sya sa sinabi ko dahil napatitig sya sakin ..
'' Ok lang kung mabasted ako .. basta bestfriends parin tayo !! '' pahabol ko..
'' Hahahaha .. '' bigla syang tumawa.
'' Anong nakakatawa ? ''
'' Hahaha .. kasi .. kasi .. hahahaha .. ''
pakiramdam ko natutunaw ako sa kahihiyan dahil sa pinagtatawanan ako ni Yana ..
'' Ehemm .. Sorry Darbs .. ''
Parang naintidihan ko ang paghingi nya ng sorry .. basted na ako !!
'' Ok lang . i Understand !! '' sagot ko ng bigla syang tumayo ..