MATAPOS SIYA 'NG halik-halikan ni Mike ay bigla na lamang iyon hindi na nagpakita. Gusto niya isipin na pinag-tripan lamang siya ng binata. Pilit niya nang winaglit sa kanyang isip ang tungkol sa namagitan dito.Sundalo nga eh! ano pa ba ang aasahan niya sa katulad ni Mike?
"Anak, sigurado ka na sa decision mo?" Tanong ng kanyang Mama.
Na-assign kasi si Airine, sa Maynila. Mayroon kasi na bagong bukas na branch ang bookstore na pinagtatrabahuan niya doon. At siya ang napili na maging manager upang pamahalaan ang nasabing bookstore.
"Opo Ma. Sigurado na ako, at saka para mabago naman ang atmosphere na malalanghap ko." Nakangiti na wika niya rito.
"Ang sa akin lang naman, mapapalayo ka sa amin ng mga kapatid mo. Sino ang mag-aalaga sa 'yo roon kung magkakasakit ka. Ikaw lang ang mag-isa kapag nando'n ka na." Si Mama Riecel na nag-alaala para sa kanya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mawalay siya sa pamilya niya.
"Ma, don't worry.I'm big enough para alagaan ang sarili ko." Sabi na lang niya upang hindi na mag-alaala ang kanyang ina.
"Siya, sige kung iyan ang gusto mo.Ikaw na ang bahala. Basta doon ka muna titira kanila Tita Alexa, mo. Nakausap ko na rin siya tungkol dito at pumayag na rin siya. Mabuti nga raw na doon ka muna sa kanila pasamantala na mag-stay nang sa gano'n ay may makakasama naman daw siya."
"Mama naman, bakit doon pa? Puwede naman po ako kumuha ng apartment." Aniya na disgusto sa gustong mangyari ng kanyang ina. All of the sudden bakit doon pa? Bigla na lang din pumasok sa kanyang isip ang tungkol sa kay Mike. Kapag doon kasi siya titira sigurado na magkikita sila ng lalaking 'yon. Iyon ang ayaw niyang mangyari.Hangga't maaari ay gusto na niyang iwasan si Mike.
"Kung ayaw mo, tumira sa bahay nila Tita Alexa mo. Hindi ka na rin puwedeng pumunta ng Manila, Airine.Hindi kita papayagan."
"Ma, ano ' to black mail?" Bulalas niyang wika. "Hay! Sige na nga, ano pa ba ang magagawa ko." Sabi na lamang ni Airine. Alam naman niya na kahit ano pa ang gawin niya. Hindi siya rito mananalo sa kanyang ina.
Sayang din kasi ang bagong offer sa kanya kung palagpasin pa niya ang pagkakataon na sa Manila na siya madistino. Medyo may kalakihang halaga ang sasahurin niya doon .
SAMANTALA si Mike. Bumalik na rin agad sa Jolo. Ang buong akala pa naman niya noon ay makapagpahinga na siya kung matapos na ang seminar na dinadaluhan niya roon sa Iloilo. Balak pa sana niya na kumuha ng passes kahit ilang araw lang para sa ganoon ay makasama pa niya si Airine. Ngunit ang lahat na 'yon ay bigla na lamang umiba ang kanyang plano dahil sa emergency na nangyari .
Pagkatapos nilang ihatid sa huling hantungan si Teves.Kaagad siya at ang iba pang kapwa niyang Marines Soldiers bumalik doon sa Jolo.
Ilang beses na ba siya pabalik-balik sa harapan ng released board? Upang tingnan kung naka-released na ang kanyang pangalan para sa darating na RNR. At kung kailan ang schedule niya para makapaghanda narin siya. Naka plano na ang lahat na gagawin niya sa loob ng isang buwan na RNR niya. Babalik siya ng Iloilo upang sa ganoon ay magkikita uli sila ni Airine. At saka makapag-paliwanag na rin siya sa dalaga, kung bakit biglaan na lamang siya umalis nang hindi nakapag -paalam dito.
"Ilang araw na kita napapansin Batch, panay ang pabalik- balik mo dito?" Ani Jeff na napadaan doon .
Kamot ng ulo si Mike. At saka alanganin na ngumiti rito. "Tinitingnan ko lang Batch kung lumabas na ang schedule ko para sa RNR natin." sagot naman niya rito.
"Ayan, oh. Naka released na.Puwedeng-puwede ka nang mag-exit Batch," Nakangiti na sabi ni Jeff, sabay turo sa pangalan ni Mike na nakasulat sa release board.
Ganoon na lamang ang tuwa na naramdaman ni Mike nang sandaling iyon nang makita na niya ang kanyang pangalan sa board na iyon. Sa wakas ang inaasam-asam niyang RNR ay naka-schedule na. Ilang araw na lang ang nalalabi na siyang hihintayin at magkikita na uli sila ni Airine. Full of excitement ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Kung puwede lang niya hugutin ang mga araw para lalong mapadali ang pagpunta niya ng Iloilo. Tiyak ay gagawin niya iyon.
PAGKAGALING NG ILOILO AIRPORT ay kaagad si Mike dumiretso sa bahay nila Airine. Doon na rin siya mamalagi pasamantala.Welcome naman kasi siya roon kahit anong oras basta gugustuhin niya. Inihanda niya na rin ang kanyang sarili at ang dapat niyang sasabihin na ipaliwanag sa dalaga.
Ilang beses siyang nag-doorbell.Ilang minuto lamang ang lumipas ay kaagad naman siya binuksan ng gate. Si Tita Riecel ang bumungad sa kanya mula sa loob ng solar ng bahay. Tila nabigla pa yata ito nang makita siya dito.
"Kamusta, Tita?" bungad na bati niya rito.
"Mike, pasok ka muna.Okay lang naman kami. Mukhang sa Mindanao ka pa nanggaling, ah," Ani Tita Riecel.
Pumasok naman si Mike.Hindi siya mapakali habang tumatagal siya roon ay hindi pa rin niya nakikita si Airine. Araw ng sabado ngayon ang ibig sabihin lang no'n ay walang pasok si Airine sa pinagtatrabahuan nito. Subalit bakit hindi pa rin niya nakikita ang dalaga mula pa kaninang dumating siya.
Ngalingaling man siya na tanungin kay Tita Riecel ang tungkol sa dalaga kung nasaan na ito. Ngunit kailangan niyang tanungin 'to kung nasaan na nga ba ang dalaga na kanyang inaasam-asam na makita. Kanina pa si Mike nakaramdam ng boredom habang hinihintay si Airine. Wala rin si Anton doon dahil nakipag-date raw iyon sa kasintahan nito. Kaya pala si Tita Riecel lang ang nadatnan niya dito.Buong akala niya ay nasa sariling kuwarto lang din si Airine at hindi pa rin iyon lumalabas mula roon .Kung kaya ay hindi pa rin niyon nakikita .Nang hindi na siya makatiis ay pinuntahan niya si Tita Riecel sa kusina na nagluluto ng pagkain para sa pananghalian.
Tumikhim muna si Mike nang sa ganoon ay makuha niya ang pansin ni Tita Riecel.Busy sa harapan ng kalan at sa ginagawang pagluluto nito. Nagtagumpay naman siya sa ginawa niyang iyon.
"Tita, si Airine po? kanina pa kasi hindi ko siya nakikita rito?" Tanong niya rito.
"Pasensya ka na Mike, hindi ko kaagad nabanggit sa'yo kanina. Wala si Airine dito."
"Anong oras po ang balik ni Airine, Tita?"
"Hindi mo pa ba nabalitaan na wala na siya dito.halos dalawang buwan na rin na umalis siya," anang Tita Riecel.
Kunot-noo si Mike.Saka Nagtataka na rin.Hindi niya maiintindihan ang mga sinasabi ni Tita Riecel.Bigla na lamang nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib.Ang lakas ng pagkabog niyon na tila gustong lumabas sa rib cage nito.
"Ano po ang ibig sabihin ninyo, Tita? Nasaan si Airine?" maya't maya naitanong niya rito. Laking pagsisi niya kung bakit hindi rin siya kaagad nagtanong kanina.Hinintay pa niya na lumipas ang ilang oras sa pag-aakala na nandito lang din si Airine. Unang pumasok sa kanyang isip ay baka may masamang nangyari sa dalaga. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili.
Nakita naman ni Tita Riecel ang reaksiyon ng binata na parang nabigla sa sinabi niya rito kanina. Kaya ay pinaliwanag niya na ang tungkol sa kay Airine.
"Si Airine ba talaga ang sadya mo dito, Mike?"
"Opo, siya nga po Tita. We need to talk about everything.Umalis lang ako noon na hindi man lang nagpaalam sa kanya.May emergency po kasi nangyari sa kasamahan ko." mahabang litanya ni Mike.
Ningitian siya ni Tita Riecel." Nasa Maynila na si Airine. Dalawang buwan na rin yata simula nang umalis na siya rito. At doon na siya nadistino. Sa bahay ninyo rin siya nakatira." Saad ni Tita Riecel.
HINDI NA NAG-AKSAYA ng panahon si Mike.Nang oras mismo na iyon ay kaagad siyang bumalik ng Iloilo Airport. Mabuti na lamang ay nakakuha pa siya ng ticket para sa huling byahe ng eroplano patungong Manila.
Nasa NAIA na si Mike, tinawagan niya ang kanyang Mommy Alexa para itanong at siguraduhin kung nandoon nga sa bahay ng kanyang mga magulang si Airine. Subalit wala raw doon ang dalaga, ayun na rin sa sinabi ng kanyang Mommy.Dahil nandoon daw nakatira pasamantala si Airine , sa sarili niyang town house na nasa Greenwoods Pasig. Malapit lang kasi iyon sa Rustans Mall na nasa Mercedes Pasig kung saan ang bookstore na pinagtatrabahuan ng dalaga.
Doon na rin si Mike dumiretso. Ganoon naman kasi palagi ang ginagawa niya sa tuwing bakasiyon niya.Ilang taon na rin siya bumukod sa mga magulang niya.Ang katwiran niya kasi ay his old enough upang mamuhay na mag-isa.At saka sanay na rin siya.
Halos hating gabi na siya dumating sa Greenwoods.Mabuti na lamang at kakilala niya ang security guard na naka duty sa sandaling iyon. Kahit hindi niya na ipakita ang kanyang Home owner's I'd ay agad siyang pinapasok sa village na iyon.
NAGISING SI AIRINE dahil sa may naririnig siyang animo'y tunog na nanggagaling mula sa kusina.Napakunot-noo siya nang tingnan ang oras sa kanyang cellphone. Halos madaling araw na. Bakit may ingay siyang naririnig Samantala na nag-iisa lang siya nakatira sa bahay ng mga Rivera.Mas ginusto niya kasi na dito tumira kaysa doon sa malaking bahay ng pamilya Revera.Atleast dito ay malapit pa sa kanyang pinagtatrabahuan.One more reason kung sakali man ay maiwasan niya si Mike.Which is iyon na talaga ang plano niya makulit lang kasi ang Mama niya at Ang Tita Alexa na ina ng binata.Nanghinala tuloy siya sa mga 'to na baka pinagkakaisahan siya .
'Magnanakaw? 'yon ang unang pumasok sa kanyang isip. Maingat ang bawat kilos ni Airine sa takot na baka makalikha siya ng ingay.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Love and Hope
AcakThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer