(BUHAY KO ANG NAKASULAT DITO. I MEAN, LOVELIFE KO NA WALANG KWENTA. OO!! WALANG KWENTA, KAYA PLSSS... WAG KA NA LANG MAGBASA.
GUSTO KO LANG MAG SHARE NG LOVE STORY KO NA WALANG KWENTA. HINDI NAMAN SYA LOVE STORY TALAGA. PARANG UMASA LANG NAMAN AKO. YUN LANG YON.
SOO... ITO NA...)
HI!! ako nga pala si author!! ayoko ng sabihin pangalan ko. secret nalang yun.
may kwento ako, kanina nakita ko ang EX crush ko. ganun pa din ang itsura nya. panget pa din sya. haha!! jk. hahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!! XD laptrip ako dun ah. promise!! ok.. wag nyo na kong pansinin.
yung crush ko na yun, kasing ugali ko. masungit, malandi hahaha, tapos maldito, basta kasing ugali ko. ewan ko ba kung bat ko nagustuhan yun. siguro dahil wala na kong maging crush kaya sya nalang ang napili kong maging crush ko. magulo ko magkwento kaya plsss unawain nyo nalang.
ganito nagsimula yan....
yung mama ko at mama ng crush ko ay magkaibigan. hindi ko alam kung pano sila naging magkaibigan..
isip
isip
isip
okay naalala ko na.
dahil nung prep ako, naging kaklase ko ang kapatid ng crush ko. tapos ayun nga,, naging magkaibigan sila nung mama ko at mama nya.
(KUNG BORING KA NA,, ALIS NA!!)
hindi ko naging close yung kapatid nung crush ko kasi tahimik akong tao at pati yung kapatid nya. kaya hindi ko naging kaibigan yung kapatid nung crush ko.
(magbibigay nalang ako ng name sa kanila. yung C ay ibig sabihin yung name ng crush ko. tas M yung kapatid nung crush ko)
antagal ko ng naging kaklase si M pero hindi ko pa din kilala yung si C nung araw na yun.
hindi ko na naging kaklase si M ng maging grade 1 at grade 2 ako kasi iba na yung school ko.
bumalik ako sa dati kong school at dun nag-aaral si M at C. Malamang kasi magkapatid sila. dahil sa matalino si M, hindi ko sya naging kaklase nung grade3 kasi ako hindi ako matalino okay?
nung grade4 naman nakita ko si M. Mataba pa din sya. Cute pa din sya. HIhi. hindi ko sya kaklse pero nakikita ko sya dahil nga yung recess namin ay magkakaparehas lang sa elem.
may naging kaibigan naman ako, pero ayoko talaga ng pagiging grade4 ko. kasi yun ang pinaka worst na grade ever. andami ko kasing naging kaaway nun. ewan ko ba. mabait naman ako... sa kaklase, pero ang sama ng ugali nila eh. pinaplastic lang nila ko. and then, nung may naging friend ako na ang pangalan ay julliene. sinasabi nya sakin lahat. pati crush nya. nalaman ko din kung sino ang crush nya at nalaman kong grade5 yung crush nyang yun. crush na crush nya yun. ewan ko ba kung bakit nya naging crush yung pangit na yun. pogi naman sya, pero wag lang ngingiti kasi ang laki nung ngipin nya. ang pangalan nung crush nyang yun ay francis. maputi din naman yun. at dahil dun sa pagiging crush ni julliene sa francis na yun, nakilala ko ang kaibigan ni francis. hindi ko naman kilala yung francis na yun at ang mga kaibigan nya. nalaman ko na yung kaibigan nyang yun ay si C. hindi ko pa kilala nun si C. napangitan ako sa kanya nung una pero nung naging grade5 na ko....
(ETO NA MGA TEHH!!! HINDI KO ALAM KUNG MAGUGUSTUHAN NYO TOH. WAAAAHH!!!)
nung grade5 na ko,, ito na ang tingin kong pinaka masayang grade sa buhay ko. kasi dito sa grade na toh LANG ako nag karoon ng top. top6 ako. waaahh!!! wala kayong pake kung masaya na ko sa top na yan.
marami akong naging kaibigan nung grade5. ang pinaka paburito kong kaibigan ay si samantha. makulit sya. kaya yung pagiging tahimik ko, nagiging maingay na dahil sa kanya. masarap syang maging kaibigan. lahat ng sekreto nya sinasabi nya sakin pati ako sinasabi ko din sa kanya.