Filipino Horror Stories; B I S I T A

259 8 1
                                    

Panatag ang kanyang kalooban. Napaka payapa ng paligid. Masaya niyang dinarama ang dahan-dahang pag-hagod ng suklay sa kanyang buhok. Paulit-ulit ito ng paulit-ulit, hinayaan niya lamang ito hanggang hindi niya mapigilan na unti-unti mapapikit at tuluyang madala ng antok.

Ganap nang tumahimik at nagdilim ang paligid. para siyang nabingi ng ilang minuto nang bigla siyang napa isip, "sinong"? Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso kaya naman bigla siyang napadilat. Daglian tumayo at liningon agad ang paligid. Napa-buntong hininga siya at muli nang napanatag. "Panaginip lang pala", Sabay hawak sa kanyang buhok.

Muli niya naalala ang cellphone na gamit-gamit kangina. Nakatulugan na niya ito habang nag-lalaro. Marahil bunga na rin ng sobrang pagod.

Wala naman gaanong pinag-bago ang lugar. Bata pa siya noon nang huli siyang bumisita. Ang tumba-tumbang upuan sa labas na madalas pahingahan noon ng matatanda ang bukod tanging hindi naiiba sa mga kasangkapan ngayon ng mga nakatira. Matibay pa rin ito kahit bakas ang kalumaan. Ang langit-ngit nitong ingay kapag gumagalaw ay sumasabay sa pag-awit ng hangin at mga ibon sa kapaligiran.

Nag-aagaw na ang dilim sa liwanag. Padilim na ang kalangitan kaya naman pumasok na siya sa loob ng bahay. Nakaramdam siya ng gutom, kaya naman naisipan niya ang dumiretso sa kusina. Sa kanyang pag-lakad ay hindi niya mapigilan mapalingon sa repleksyon ng kanyang sarili mula sa salamin. Bahagya siya lumapit, tinignan ang sarili. Inayos niya ang kanyang damit at sinuklay ang buhok. Ilang saglit, nagmadali na siyang lumakad palayo sa harap ng salamin nang bigla siya mapatigin sa bandang kanan ng kanyang balikat. May kapirasong dumi, pinagpag naman niya ito agad at tumilapon lang sa tabi.

Sa kusina sinimulan niya maghanap ng pagkain. Abalang –abala siyang naghahanap ng mairita siya bigla. "AH! ANG SAKIT", Pansamantala siyang tumigil sa paghahanap at kinapa niya kung saan banda nanggagaling ang nadamang sakit. Sa parteng batok, nakadikit malapit sa etiketa ng kanyang damit. Ang buong akala niya ay isa itong insekto, kaya nman nanggigigil pa niyang kinuha ito at inihagis sa sahig.

Nang kanyang tignan mabuti, malayo ito sa kanyang inaakala. Wala itong buhay at ni hindi ito gumagalaw. Isa itong..isa itong.., napa-upo siya sa sahig upang tignang mabuti. Takang-taka niya itong dinampot at sinuri. Medyo matigas, hindi mawaring pigura. May mga namuong dumi o lupa mula rito.

Muli, bumalik siya sa salamin upang suriin kung mayroon pa natitirang dumi sa suot na damit. Pinagpag at tinignan niya itong mabuti hanggang likod. Gulat na gulat siya nang may mapansin siya muli na dumi sa bandang likod. Kinuha niya ito, katulad na katulad nang dumi na nakuha niya sa bandang batok. may kaunting pag kakaiba lang sa hugis, medyo maumbok. Muli sa hindi maintindihan nitong hitsura, pinag masdan niya itong mabuti.

KUKO???!!!

Written By: Mhavic "Neng" Cabalsi

November 2, 2015



BISITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon