Nakakapanghinayang.
Sayang lang ang lahat. Sobra.Yung dating halos bawat umaga "goodmorning" niya ang makikita mo pag bukas mo ng phone at "goodnight, sweet dreams. Dream of me" niya naman sa gabi ang matatanggap mo bago ka matulog at magpapaganda ng tulog mo.
Yung tatanungin ka niya kung kumain ka na ng breakfast, lunch at dinner.
Di nakakaligtaang sabihan ka ng, "Goodmorning! Don't skip your breakfast", pag gising mo sa umaga yan ang bubungad sayo."Saan ka kakain ng lunch?"
"Sino kasabay mong kumain?" Tanong niya tuwing tanghali na tila'y inuusisa ka kung saan at kung sino kasama mo sa lunchmAt "Nag dinner ka na?" Tuwing gabi na tanong niya at sinisigurong kumain ka na talaga.
At pag dissmisal na sa school, tatanungin kung sino mga kasama mo uuwi.
Pag tinext mo siyang di ka pa uuwi dahil may hinihintay ka, tatanungin niya kung sino yun.
"Sinong hinihintay mo?"
At sasagot ka ng, "mama ko hinihintay ko"
At ang isasagot naman niya ay "ahh kala ko kung sino na eh. Haha baka iba kasi hinihintay mo..." na tila may pagseselos siyang nararamdaman kung iba ang hinihintay mo.
Nakakamiss, Nakakapanghinayang. At mapapatanong ka nalang ng "bakit nawala nalang ang lahat? "
Sayang. Kung kailan minahal na kita. Dun ka pa mawawala.Tama nga ang sabi nila, malalaman mo ang worth ng isang bagay pag nawala na ito sayo.
Gaya ng sa love, malalaman mo nalang na mahal mo siya, kung kailan wala na siya, kung kailan may iba ng nagpapasaya sakanya. Gaya ng naramdaman ko sayo.Miss na kita.
Ikaw? Miss mo rin ba ako? Malamang hindi.Naaalala ko pa nung mga panahong sinabihan mo ako ng
"Mahal kita dudes"
Di ako naniwala nun pero ang bilis ng kabog ng dibdib ko nun.Dude at Dudes pa nga tawagan natin eh haha.
At tuwing pupunta kami kay tita, ikaw lagi ang sinasabi niya sakin, hinahanap mo daw ako.
Maski nga ang piattos mo ayaw mong ipamigay sa mga pinsan mo dahil sabi mo para sa isang "special best friend" mo yun.Naaalala ko nung sinabi ko sayo na "pwede namang bestfriends tayo diba?"
Yan yung nagtanong ka sakin kung pwede ka manligaw. At ayan ang naisagot ko.
Ewan. Nagalit ka yata nun. Nag iba ang mood mo kahit sa text lang kita nakakausap, alam kong nasaktan ka.
tinanong pa kita kung galit ka ba sabi mo "hindi" kahit ramdam kong oo. Ang tagal mo magreply. Halos bawat minuto titingin ako sa phone ko nagbabakasakaling may text galing sayo pero Wala.Nagtext ka makalipas ang ilang oras. Nagsorry ka dahil gumana nanaman mood swings mo.
"Dudes sorry dahil gumana nanaman ang mood swing ko. Na broken hearted lang kasi."
"Kanino ka naman na broken hearted dude?" Tanong ko sayo kahit alam ko naman na kunh kanino.
At di nga ako nagkakamali, ang sagot mo sa tanong kong yun ay "sayo dudes". Nagsorry ako sayo nun.
Naiintindihan kita.Sabi mo pa saakin na, "hihintayin kita" .
Umasa naman ako dun na kaya mo talagang maghintay.At Sabi din ng pinsan ko na manliligaw ka saakin. Aminin ko, kinikilig ako sayo. Kahit sa facebook mo, iniistalk kita.
Athlete ka ng swimming. Ang galing mo nga daw talaga mag swimming eh. Syempre trainor ng swimming papa mo. Proud din ako sayo alam mo ba yun? Haha kahit di pa kita napapanood mag swimming, humanga na agad ako sayo.
Naaalala ko din na may pinasagot ako sayo sa text. May nakalagay dun na.
"Ano gagawin mo pag nag end of the world na?"
At natawa at the same time kinilig ako sa sagot mo.
"Tumalon sa building kasama ka" yan ang sagot mo. Sinabi ko din sayo na kung kailangan ba talagang damay ako sa pagtalon mo sa building.
At ang sabi mo ay "syempre para masaya ako pag mamamatay na ako"
Haha. Ang cute mo. HayyysAt naaalala ko pa nun sabi mo na grounded ka. Bawal kang gumamit ng phone, focus dapat sa studies.
Ang sabi mo sakin nun ay,"Dudes grounded ako bawal ako gumamit ng phone pero wag ka mag alala gagawa ako ng paraan para makatext ka at tandaan mo paggising mo mahal parin kita. Mahal kita dudes"
Tanda ko pa yan. Kahit ilang buwan na ang lumipas. Fresh parin sakin.
Pinanghahawakan ko parin yan. Haha. Tanga ko ba? Pinanghahawakan ang dapat tinatapon na.Hanggang ngayon pinapadaanan parin kita ng mga gm's at nagbabakasakaling magreply ka at maibalik ang dati.
Gusto ko mag move on. Pero bakit ako mag momove on? Eh hindi naman tayo naging mag-on. Kasalanan ko din naman eh. Umasa ako sayo. Umasa ako dude.
Nanghinayang din ako nun dahil nadelete ko ang convo natin. Alam mo bang di ko talaga dinidelete yun? Umabot na nga ng 800+ convo yun eh. Sayang.
At oo nanghihinayang ako hanggang ngayon. Nasasayangan ako.
Halos araw araw magkatext tayo.
Mga text mo sakin kahit may pagka corny, napapangiti ako at the same time napapakilig ako. Isang vibrate ng phone ko agad agad akong nagpapanic dahil alam kong galing sayo yon.
Pero bakit ngayon? Nawala nalang bigla na parang bula lahat.Akala ko ba maghinhintay ka? Aala ko hihintayin mo ako? Di mo pala kaya.
Hanggang ngayon, di ka mawala sa isip ko. Dapat ko na bang itapon nalang lahat? Kaya ko ba?
Sayang.
Sayang ang lahat.
Sayang ang oras kong umaasa sayo.
Sayang ang mga pinaghahawakan kong mga binitiwan mong mga salita saakin.Sayang.
Sayang ang Tayo kung meron man.We have a fairytale that we've created by our own.
A fairytale that once had its 'once upon a time' but never had its happy nor sad ending. Because that fairytale doesn't even have its climax.